Chapter Eleven

115K 4.8K 2.4K
                                    

"Liah, parang lalagnatin yata ako," pag-iinarte ni Cad saka yumakap sa baywang ko.

"Cad, stop bothering me. I'm cooking," I said and tried to remove his arms around my waist but he didn't falter. He just hugged me tighter and buried his face on my neck.

I just sighed and let him be. Kahit ano naman ang sabihin ko hindi siya hihiwalay sa akin. Mas lalo siyang naging clingy simula nang makauwi na kami galing sa bakasyon naming dalawa. Hinahayaan ko na lang siya dahil ayaw n'ya rin naman magpa-awat. Saka kahit hindi ko inaamin kay Cad, komportable talaga ako sa kan'ya. Komportable ako sa yakap n'ya, sa hawak n'ya, sa halik n'ya, sa pagiging clingy n'ya... Hindi ko na rin talaga alam ang ginawa sa akin ni Cadence.

"Hindi ka ba naaawa sa 'kin? Lambingin mo rin naman ako. Lalagnatin talaga ako, promise. Sinisipon na nga ako, e," pagda-drama n'ya pa.

"Kapag ba nilambing kita mawawala ang sakit mo? Hindi diba? Kaya inuman mo na lang 'yan ng gamot. Puro ka kalokohan," sabi ko na lang saka tinikman ang adobong niluto ko. 

"Lambing mo lang katapat nito, lods. Pagkatapos mo diyan ha. Lambingan tayo," sabi n'ya pa saka bahagyang kinagat ang balikat ko. 

"Why should we? You're not my boyfriend," I said and chuckled. I suddenly want to tease him

"Lambingan tayo as friends," saad n'ya. 

I looked at him and raised my eyebrow. "You're not my friend."

"Hindi mo talaga ako  friend. Gwapong manliligaw mo 'ko," sabi na lang n'ya saka muling yumakap sa akin.

Napailing na lang ako at sinubukang mag-focus sa niluluto kong adobo. Hinayaan ko na lang si Cadence na nakayakap pa rin sa akin. Kanina ko pa napapansin na iba nga ang boses n'ya at panay ang singhot n'ya. Mukhang may sipon nga talaga siya. Naligo kasi siya sa ulan kasma ang mga bata sa labas kahapon. Kakaiba talaga ang mga trip n'ya sa buhay.

Papainumin ko na lang siya ng gamot pagkatapos naming kumain. Baka magkasakit nga talaga siya sa lagay na 'yan.

"Let's eat," I said and removed Cad's arms on my waist.

Hinawakan ko ang braso n'ya at pinaupo siya sa upuan. Akmang maghahain na ako pero agad n'yang hinawakan ang kamay ko at ako ang hinila n'ya paupo. Natigilan ako nang tumayo siya saka dinampian ng halik ang sentido ko. 

"Ako na ang maghahain, Liah. Gawain 'yon ng mga gwapong manliligaw," nakangising sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko. 

"Kapal ng mukha," bulong ko na lang saka hinayaan siyang maghain. 

I just stared at him while he's preparing the food. I don't know if he's actually serious about courting me. I just let him do what he wants. He's sweeter and more clingy than before. Palagi n'ya rin akong binibili ng kung ano-anong pagkain at minsan tinutulungan n'ya ako sa mga paper works ko kapag gabi. Minsan naman kapag ayaw kong magpatulong, papanoorin n'ya lang ako hanggang sa antukin siya. I honestly want to take him and his actions seriously... pero may parte pa rin sa akin na natatakot.

"Uminom ka ng gamot sa sipon mamaya pagkatapos mong kumain, baka lagnatin ka nga talaga," sabi ko nang umupo na si Cad ko at natapos maghain. 

"Hindi na, sipon lang 'to, mawawala rin," saad n'ya.

I touched his forehead to feel his temperature. "No, it's not okay. You're kinda hot," I mumbled and touched his neck too. 

"Oo naman 'no, hot talaga ako," mayabang na sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay sa akin.

Napaismid na lang ako saka inalis ang pagkakahawak ko sa kan'ya. Hindi talaga siya matinong kausap kahit kailan. 

Nagsimula na kaming kumain. As usual, panay kwento at daldal na naman ni Cad. But oddly, I don't find it annoying. My life have become brighter and more exciting since Cadence came. Siyempre hindi ko 'yon inaamin sa kan'ya. Baka magyabang pa siya at lumaki ang ulo. Mas maganda ng hindi n'ya masyadong alam ang iniisip ko tungkol sa kan'ya.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon