Take me to the MARS
Nais ko'ng simulan ang pagkukuwento ng storyang ito sa pamamagitan ng isang pasasalamat.
Una sa lahat, nagagalak akong nandito ka ngayon sa aking storya at binigyan mo ng maikling oras na basahin ang aking obra. Ibig sabihin ba nyon ay na-clickbait kita sa nilagay ko'ng Title at Story Description?
Biro lamang! Dahil ang masusubaybayan mo sa storyang ito ay puro pag-aaral ng siyensya, thriller, at marami pa'ng iba na umiikot lamang sa piksyunal na likha. Ibig sabihin, walang katotohanan kahit na tungkol sa siyensya ang storyang ito. In short, inspired by Science lang.
Kung gayon, hindi kita na-clickbait. Bagkus, bubusugin pa kita ng samu't saring impormasyon na sumasagot sa mga katanungan mo.
Ibabahagi ko rin sa inyo ang puno't dulo ng aking ideya, paano nga ba pinanganak ang "Take me to the Mars"?
Alam nyo, sa larangan ng pagnenegosyo at pagiging successful , isa sa pinakahinahangaan ko na may bilyon-bilyon na net worth dahil sa kakaiba nyang taglay ay si Elon Musk. Sino nga ba si Elon Musk? Siya lang naman ang nagpaplanong mag-migrate sa Mars! Ang pambihirang ideya nya na 'yun ang nagpasiklab sa akin na isulat ang kwentong ito, dahil hilig ko rin ang pagtutuklas ng di-karaniwang bagay.
'Di lang yun, marami pa syang mga innovation at ine-explore pa kagaya na lamang ng Tesla na high-tech ang mga kotse, at iba pa. Kung nais mo pa'ng maging interesado ay ano pa'ng hinihintay mo? I-search mo na sya sa Google. :)
***
Ito ay naka-classify sa Science Fiction na genre. Lahat ng iyong mababasa ay maaring konektado sa siyensya na mayroon tayo ngayon, ngunit ang ibang futuristic concepts sa storyang ito ay hindi ibig sabihin na eksaktong ganoon na rin ang mangyayari sa future.
Ito ay nakasulat sa ikatlong panauhan. Imagine-in mo nalang na may isang magandang madaldal na nagkukuwento sayo.
Ito ay orihinal na likha ko. Kung sakaling may mabasa ka'ng kagaya ng tauhan, lugar, pangyayari, at plot twists sa ibang akda ay hindi ko na hawak iyon. Maaring naman din na nagkataon lang mangyari 'yon. Kakabanggit ko lang na inspired by Elon Musk ang pinagmulan ng mga ideya ko, okay?
Ito ay hindi maaring kopyahin ninuman sa kahit anong paraan at pagkakitaan (pag-repost, pag-publish sa pdf, at iba pa) nang walang anumang signal nang pahintulot sa akin. Ang mahuhuling lumabag ay may kaakibat na pagsuway sa batas.
Ito ay bukas sa kritiko sa isang may respetong paraan. Ngunit, ang pagtatama ay magkaiba sa pang-iinsulto ng gawa. Bilang epektibong manunulat, sa lahat ng pagkakataon ay dapat marunong ka'ng makinig sa komento ng iyong mga taga-basa. Iwasan din na i-kumpara ang aking storya sa ibang akda.
Ito ay angkop lamang sa may edad na 13 pataas, ngunit ang ibang parte ng storya ay may pagka-sensitibo na di basta-basta mauunawaan agad.
Read at your own risk!
Be open-minded at all times!
Enjoy Reading!
— Jane (Eccentric)
-
Next: Prologue
YOU ARE READING
Take me to the MARS
Science FictionDulot ng impluwensya, naging padalos-dalos si Joli sa pagpili ng karerang tatahakin niya sa buhay. Ang bawat desisyon niya ay nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Isang araw, naramdaman nalang niya na hindi na siya masaya. Sa likod ng ka...
