Pangarap [complete]

373 6 0
                                    

(Ang kwentong inyong mababasa ay pawang likhang isip at malayo sa katotohanan)

Ako at ikaw, nagkukuwentuhan. Isang araw. Isang hapon. August 17, 2000. Walang magawa. Palipas oras. Hayun. Sinimulan mo ng..

Ikaw: Alam mo, ang sarap mangarap.

Ako: Totoo, tska libre naman kasi. Malay mo baling araw matupad din, eh di hindi na siya pangarap.

Ikaw: Oo nga eh. Andami kong pangarap. Magandang bahay para sa magulang ko, maraming pagkain para sa lahat, yung tipong hindi ka na magugutom!

Ako: Wow, susyal naman iyan. Ako naman simple lang pangarap ko. Happiness.. Love..

Ikaw: Ang korni mo ha, mangangarap ka na nga lang vague pa. Dapat yung sigurado na. Parang ganito, April 20, 2010, may ipon na akong 100,000 pesos sa bangko!

Ako: Grabe ha, specific kung specific talaga!

Ikaw: Oo naman, ganun talaga! At the age of 26, may kotse na ako. At the age of 29, papakasal na ako. At the age of 30, may anak na kami.

Ako: Wow, kung mangarap ka eh sagad! Sobrang sagad!

Ikaw: Eh bakit ba kasi? Pangarap nga eh. Ikaw ba anong pangarap mo?

Ako: Ha? Ako?? Pangarap ko? Uhm, pangarap ko kasi eh..

Sabay tunog ng cellphone mo kasi tumatawag na si Mae..

Ikaw: Mae, andito na kami ni Mia. Inaantay ka naming dito..

Ako: Ikaw. Pangarap ko kasi eh ikaw.

Ikaw: Sensya na, tumawag si Mae, malapit na daw siya. Ano na nga ulit?

Ako: Ha? Eh wala. Ikaw, ikaw. Yung pangarap. Ikaw na ulit. (sabay ngiti, sabay tungo tapos tingin sa langit)

Pangarap [complete]Where stories live. Discover now