Serena? Kasintahan ba ito ni Lauro?

"Asshole" akmang tatayo na ito upang sugurin si Lauro ngunit maagap na pinigilan ito ni Engineer Raios

Tumingin ako kay Lauro at nakangisi lang ito habang pinapanood ang lalaki na nanggagalaiti sa galit.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari at kung sino ang Serena na pinagtatalunan nila. Walang alinlangang umalis ang lalaki at iniwan ang lamesa

"Man, hindi talaga pwedeng magkasama kayo sa iisang lugar ano?" umiiling na sabi ni Engineer Raios. Tahimik lang naman na nakamasid ang tatlo pang lalaki na kasama namin sa mesa. Hindi ako komportable sa mga tingin na ibinabato sa akin ng mga ito at parang gusto ko na lamang umuwi.

Maya maya lang ay nagsalita na ang host sa stage at pansamantalang napunta doon ang atensyon. Gumapang ang kamay ni Lauro papunta sa aking kandungan at pinisil ang aking kamay.

"What are you thinking?" 

"w-wala"

"Just look at me. I forbid you to look on other men, got it?" huminga ako ng malalim at tumango sa kanya.

Nagtagal pa ang titig niya sa akin at pareho kaming natigilan nang marinig namin ang pagtawag sa kanya papunta sa stage upang magbigay ng speech. 

Nahihiyang napakagat labi nalang ako nang mapunta sa amin ni Lauro ang atensyon ng lahat. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang kusang nagalis ng kanyang kamay sa akin

"T-tawag ka sa stage" 

"I'm watching you, don't go anywhere"

Tumayo na siya at naglakad papunta sa stage. Biglang napunta sa kanya ang atensyon, nang makatuntong siya sa stage at nagsimulang magsalita tungkol sa proyekto nila ay hindi ko mapigilang mamangha. Siya ba talaga ang Lauro na sapilitan akong kinulong sa mga bisig niya? Madalas niya akong angkinin at sabihan ng mga salitang pilit kong isinasantabi dahil alam kong kapag nagsawa siya ay walang alinlangan niya akong iiwan.

Dapat bang matuwa ako kapag nangyari ang bagay na iyon?

Inalis ko ang tingin kay Lauro at gusto ko sanang umalis sa upuan ko upang mapag isa at makalanghap ng hangin ngunit alam kong hindi pwede.

"Mayumi right?" 

Nagangat ako ng tingin at naabutan ko ang alanganing ngiti ni Engineer Raios sa akin.

"So, saang club ka nakita ni Lauro? Don't get me wrong you really look stunning kung hindi ko kilala si Lauro malamang iisipin kong seryoso siya sayo" kaswal na sabi niya sa akin.

Hindi ko alam kung paanong tila namanhid ang mga kamay ko at namanhid ang aking dibdib

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Oh damn, he didn't tell you? " umiiling na sagot niya sa akin

"Just don't get too attached with him, he always use girls to make her girlfriend jealous"

"girlfriend?" diko sinasadyang ulit sa sinabi niya dahil sa gulat

"Yeah, Serena she's his long time girlfriend"

Nakatitig siya sa akin na parang tinatantya ang aking reaksyon. Nag iinit ang aking mga mata kaya't kinuyom ko ang aking mga palad sa ilalim ng mesa. Narinig ko ang malakas na palakpakan ng mga bisita tanda na tapos na si Lauro sa kanyang speech

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili dahil alam kong palapit na si Lauro sa aming mesa

Gaya ng palagi niyang ginagawa ay naramdaman ko ang pagpulupot ng kanyang isang braso sa aking bewang. Nakatingin lamang ako sa baso na tila ba andon ang sagot sa lahat ng gumugulo sa aking isipan

Dark Dominant: Conquer YouWhere stories live. Discover now