"Sa CR lang ako," pagpapaalam ko sa kan'ya.

Cad nodded. "Okay, lods. Wait na lang kita rito sa labas," sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko.

Napaismid na lang ako at marahang tinapik ang kamay n'ya bago pumasok sa CR na located malapit sa private pool. Dalawa ang CR, may isa na para sa mga babae at isa naman para sa mga lalaki. Magkatabi lang din 'yon. 

Pumasok ako sa loob. Natigilan ako nang mapansing may babaeng nagme-make up doon. Hindi ko na lang siya pinansin at akmang magtutungo sa isang cubicle pero nagsalita ang babae.

"Excuse me," sabi n'ya saka tumingin sa akin.

I looked at her too and smiled awkwardly at her. "Yes?" I asked.

"Boyfriend mo ba 'yung lalaki sa labas?" tanong n'ya saka inilagay ang lipstick n'ya sa pouch.

Natigilan ako nang mapatitig sa kan'ya. Doon lang siya naging pamilyar sa akin... Bakit ngayon ko lang napansin? Mukhang siya ang babaeng nakaupo sa kandungan ni Cad kagabi. Ngayon ko lang din napansin na mas maganda siya sa malapitan. Nanliit ako bigla sa sarili ko... Siya ba ang babaeng nagawang tanggihan ni Cadence?

I didn't get to answer her question. I remained staring at her. I just honestly don't know what to say to her. I know Cad is not my boyfriend but I suddenly want to tell her that he is... for some unknown and weird reason that I don't want to admit to myself. Bakit ba nangyayari 'to sa 'kin.

"Chill, girl. I just want to warn you that your boyfriend is a psychopath. I tried to seduce him last night and invited him to have sex with me. But he told me he will crush my bones, choke and beat me up to death, and worse, might accidentally kill me if I insisted on having sex with him. Damn. He can just tell me that he doesn't want to. I honestly can't determine if you're lucky or in danger having a boyfriend like him.. Trust me, girl. His sexy eyes are something. He's dangerous... and look at you, you look innocent and gullible," mahabang sinabi n'ya saka muling tumingin sa salamin. 

Hindi ako nakakibo sa sinabi n'ya. Hinabol ko na lang siya ng tingin nang makalabas na siya sa CR. Hindi ko rin namalayan kung gaano ako katagal nanatili sa CR dahil pino-proseso ko pa sa isip ko ang mga sinabi n'ya... Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi n'ya sa akin. Kung matutuwa ba ako dahil hindi naman pala nakipaglandian sa kan'ya si Cad o kung matatakot ba ako. 

Sinubukan kong timbangin ang nararamdaman ko... hindi ko matukoy.

"Huy, bakit ang tagal mo? Tumae ka ba?!" tanong ni Cad sa malakas na boses paglabas ko. 

Napasinghap ako at naiinis na hinampas ang braso n'ya dahil nagtinginan sa amin ang ibang mga nadaan. Natawa na lang siya saka kinurot ang pisngi ko. 

"Have you got no shame, Mr. Dimagiba?!" naiinis na tanong ko.

"Bakit? Normal lang naman 'yon, Mrs. Dimagiba. H'wag ka na mahiya," nakangiting sabi n'ya saka muling niyakap ang baywang ko. 

"Hindi naman kasi ako nag-poop," sabi ko na lang saka inunahan siyang maglakad. Baka pumutok lang ang ugat ko kapag tinuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kan'ya.

"Sus, eh bakit ka natagalan?" bulong n'ya sa akin saka inakbayan ako.

"Whatever," I mumbled and rolled my eyes at him. 

Bumalik na lang kami sa dagat para mag-swimming. Maya-maya rin aahon na rin ako at magbabasa na lang sa hotel room namin. Sasamantalahin ko na dahil parang hindi naman totoo ang sinabi ni Cad na pwede ako mag-uwi ng books.

"Pst! Sir--este Cadence!"

Natigilan kami ni Cad at napatingin kay Denise na nasa tabing-dagat at sinesenyasan si Cad na lumapit. Cadence looked at me and caressed my hair. 

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon