SC 15

864 36 4
                                    

Maris' Pov

" Tanda.... " hindi ito panaginip. totoo ito, si daniel.. nasa harap ko si Daniel.

" Bata.. " tumakbo sya papalapit sakin sabay niyakap ako ng sobrang higpit.. " sorry bata kung nagsinungaling ako.. sorry kung iniwan kita.. sorry kung-- "

" Tanda, napatawad na kita.. ang mahalaga nandito ka.. " 

" I Love you bata.. "

" I Love you too tanda " unti unting inangat ni tanda ang mukha ko.. ito na! dahan dahan nyang nilalapit ang mukha ko sa mukha nya.. totoo na to.. magdidikit na ang labi namin ni tanda.. 

*Blag*

" Bastos ka! bat mo hahalikan si maris! " sigaw ni louise mula sa likod. hala! sinapak nya si tanda!! " Ano ha! Maris? okay ka lang ba? inano ka nitong kumag na to? " hinarangan nya ako. 

" Louise ano ba.. kilala- "

" Sorry miss, Lasing lang " tumayo si tanda at umalis na. 

" Wag ka ng babalik dito! " sigaw ni louise. " Okay ka lang ba? Tsk. Patay ako kay inigo nito eh " 

" Hindi nya malalaman.. tara na.. " bakit hindi nanaman ako kilala ni daniel? ano ba pag nauntog ba ulo nun nakakakalimot agad?

--

Pag gising ko ng umaga, nagkakatinginan lang kami ni louise..

" Hoy lalake saan ka galing kaninang madaling araw? " tanong ni jhan kay louise at agad tong tumingin sakin. 

" Sa labas lang. nagpahangin ako.. " maikli nyang sagot.

" Si Maris din nawala kagabi magkasama ba kayo? " singit ni ate chen.. tumingin naman ako kay louise.. halata sknyang hindi nya alam ang isasagot nya.

" Hindi, hindi mo ba ako napansin sa baba ng kama ko ate chen? Nalaglag kaya ako " 

" Hahaha hindi eh. Ayun pala yung narinig kong kumalabog. hahaha " at tumuloy kami sa pagkain.. buti nalang at hindi na sila nagtanong ng nagtanong kasi baka madulas itong si louise..

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, alam kong hindi ako nananaginip.. totoo sya.. pero bakit ganon? Bakit umalis sya? 

" Okay ka lang ba maris? " tanong ni ate chen.. bumalik ako sa ulirat at tinuloy ang pagkain ko.

" Okay lang ako ate chen, pwede mo ba ako samahan mamaya sa labas? Parang gusto ko ng Ice cream eh " alam kong sa mga ganitong sitwasyon, si ate chen lang ang makakausap ko.

" Ice Cream? Sama ako, diba palagi natin ginagawa yan noon " singit ni inigo. oo nga pala, hindi na nga pala ako nito hinahayaan lumabas mag-isa.

" Dito ka nalang kilay, ibibili nalang kita okay? " tumango naman sya. buti nalang at nadaan sa lambing ang mokong.

--

" Alam kong may gusto kang sabihin maris, ano ba yun? " bungad ni ate chen paglabas namin ng bahay.

" Ate chen.. bumalik sya eh.. bumalik sya.. hindi ko alam ang gagawin ko.. " 

" Ano bang nangyari? Ikwento mo " 

" Kasama ko si louise kagabi, sa likod ng malaking bato, bigla syang sumulpot.. pero sinapak sya ni louise dahil akala ay di ko kilala, akala ko sasabihin nya magkakilala kami, pero hindi, naiba nanaman ang ihip ng hangin " gulong gulo na ako sa nangyayari, isang araw susulpot syang sya si kenji, tapos sya si daniel, tapos ngayon di nya ako kilala?

" Alam mo maris, may tinatago sya sayo. bakit hindi mo alamin? mamayang gabi, sasamahan kita dun sa sinasabi mo. para malinawan ka na sa mga nangyayari. " 


Ano nga ba ang tinatago ni tanda?

" Maris? " isang babae ang tumawag sakin.

" Ate Lizzy? Akala ko umalis kayo ni Kenji? " hindi kaya, kaya umalis agad si tanda ay dahil magkasama sila ni linta?

" Umatras sya sa flight nya, kaya hinanap ko sya.. sabi kasi ng mga kaibigan nya ay nandito daw si Kenji.. Ikaw? Ano ginagawa mo dito? Dito ka na nag-work? " 

" Uhm excuse me lang guys, gusto nyo pag-usapan natin to sa isang ice cream house? Tara, kesa nasa gitna tayo ng kalsada hehe " pag alok ni ate chen at di naman nakatanggi si linta.

--

Time check 2:00 am. 

" Maris.. tara na " bulong sakin ni ate chen.. inabot nya sakin ang flashlight at dahan dahan kaming lumabas ng kwarto.. 

" Shhhh " senyas nya sakin dahil mejo maingay ang yapak ng paa ko.. maayos kaming nakalabas ng bahay.. 

" Tumakbo ka na, look out ako. susunod ako dun " tumango ako at agad na tumakbo, pupunta ako sa likod ng malaking bato, magbabakasakaling nandun si tanda.

Ilang minuto rin akong naghintay, pero walang kumilitaw.

" Ano maris? wala pa ba? 5am gumigising si jhan, baka maabutan tayo " tanda.. nasaan ka na ba -___-

" 10 minutes nalang ate chen, please? " pagpipilit ko sakanya.

" Osige na nga.. 10 minutes ha. kapag wala pa, balik tayo bukas " tumango naman ako.. 

" Maris! " sigaw ni louise?! " Wala sya jan, halika! " tinawag nya kami ni ate chen at pumasok kami sa loob ng parang gubat.

" Louise? Anong ginagawa mo dito? " tanong ko.

" Nauna akong pumunta sainyo dito. Nakita ko sya, tinanong ko sya kung bakit sya nandito, hinahanap ka daw nya at magkakilala daw talaga kayo. Ayun dinala ko sa Tree House. " Isang bahay mula sa taas ng puno ang nakita ko. Umakyat kami at nakita ko doon si tanda.

" Bata.. " niyakap nya ako ng sobrang higpit. " Sorry kung iniwan ulit kita, Natakot kasi ako.. Marami kang dapat malaman.. " seryoso ang mga mata nya.. 

" Ikaw din tanda. May dapat kang malaman, nandito si Lizzy at hinahanap ka. " 

" Wait What?!! Shit. Anong ginagawa nya dito? " inis na sabi ni tanda.

" Ang sabi nya, may importante daw syang sasabihin sayo " singit ni ate chen.

" Ehem guys! Kailangan na natin bumalik. Daniel okay lang ba? Pwede mo naman gamitin tong Tree House Anytime. ako lang may alam nito. pero syempre hindi na dahil alam nyo na, ito nalang gawin nyong hideout ni maris tuwing magkikita kayo " 

" Salamat louise " 

" Tanda bukas ha? Dito ulit " sabay yakap ko kay tanda.

" I Love you bata " sabay halik nya sa forehead ko.

" Tara na, baka magising pa si Jhan " at umalis na kami.

Ano kaya yung mga kailangan kong malaman? hindi naman siguro importante yun. ang mahalaga, magkasama na ulit kami. Pero nakokonsensya ako sa ginagawa ko kay inigo. Cheater na ba ako? Hay..

 

Second Chance (Danris) (My Petite Wife Book 2)Where stories live. Discover now