Ulan

8 2 0
                                        

"Reigh!! San ka na naman pupunta! Umuulan oh!"

Narinig kong sigaw ni Mama. Papayag naman siguro siya sa gagawin ko kaya sumigaw ako pabalik ng "Maliligo lang sa ulan!"

"Ikaw talagang bata ka! Magkakasakit ka nyan eh, sige ka! O'sya, ingat ka sa daan ah!"

Nasa pintuan na ko ng bahay namin at konting hakbang ko na lang nasa labas na ko at mababasa na agad dahil sa lakas ng ulan.

Napangiti ko sa sinabi ni mama. Maalalahanin talaga kasi siy at kahit na kaya niya kong pigilan, hindi niya ginagawa. Siguro kasi alam niyang mahal ko 'to, yung maligo sa ulan kahit mag-isa lang.

Tuluyan na akong lumabas at naramdaman ko na ang pagpatak ng malakas na ulan dahilan kung bakit nababasa na ako.

Wala masyadong dumadaang sasakyan pero hindi pa rin ako pumunta sa gitna ng kalsada kahit gustuhin ko pa. Kapag nasa gitna kasi ko ng kalsada kapag umuulan, ang sarap ng pakiramdam. Parang carefree lang. Walang pakialam sa ibang tao o bagay.

Naalala ko pa nung bata pa ako, ang mga kaibigan ko no'n mga kapitbahay lang din namin. Pero syempre, yung dalawa kong kapatid na lalake ang original na kalaro ko. Ayun nga, umuulan nun, nanonood lang ako ng Kim Possible kasama yung mga kapatid ko. Yung sa Disney Channel? Tapos biglang may kumatok sa bintana namin, binuksan ko na lang yung pintuan namin at nakita ko yung mga kaibigan kong basang basa na ng ulan.

Sinabihan ko pa nga sila nun na, "Bakit kayo nagpapaulan?! Hala kayo, papagalitan kayo nyan!"

"Minsan lang 'to, Reigh. Sama ka sa'min?" Tanong sakin ni Ate Marj, anak siya ni Nanay Tina.

"Ha? Pero.. pwede pong ako lang talaga? Wag na sina Michael." sagot ko naman sakanya.

Ngumiti sila, at sabay-sabay sumigaw yung mga mas matanda samin ng "Tara!"

"Teka lang! Paalam muna ko kay Nanay!"

Pumunta naman ako sa kusina nun tapos nagpaalam ako kay Nanay Tina na kung pwede ako sumama kina Ate Marj, kina Ep. Buti na nga lang pinagbigyan ako ni Nanay. Si Nanay Tina kasi yung katulong namin pero mas focus talaga siya sa pag alaga kay Angelo. Bunso kasi yun.

Excited akong lumabas ng bahay kasi first time ko din naman yun, pero lumabas ako na nakasilong pa sa payong na dala ko. Nakita kong nagtatawanan yung mga kaibigan ko na nasa gitna ng kalsada. Nung nakita nila ko, pinalapit na nila ko.

"Reigh! Halika dito, dali!"

Lumapit naman ako agad sakanila.

"Raisin, alisin mo na 'yang payong mo." Kung bakit Raisin, hindi ko din alam eh. Pero inalis ko naman yung payong ko nun.

Kahit san kami napunta nun, naikot nga yata namin yung buong barangay eh. Ewan ko lang.

At nung uuwi na kami, tumigil kami sa gitna ulit ng kalsada.

"Tara, tingin tayo sa taas." Narinig kong sabi ni Ate Kyleen. Ginawa namin lahat yun, tumingala kami pero lahat kami napapikit kasi umuulan pa din naman, pero patila na.

Pagkatapos nun, nagsiuwian na silang lahat. Kasama ko naman si Ced, nagpaiwan.

De, joke lang.

Malapit na kasi ko sa bahay nun, eh isang bahay lang pagitan namin eh kaya siguro, sumabay na siya sakin.

"Raisin, sa sunod kasama na dapat sina Michael."

Close kasi talaga sila ni Michael. Hay. "Kung payagan. Ba-bye, Ced."

Naglakad na ko palayo sakanya nun kasi harap na ng bahay namin, pero narinig ko pa siyang nagsabi na, "Ligo ka agad, Raisin!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UlanStories to obsess over. Discover now