Kabanata 15 - Tuluyang Pagbabago

Start from the beginning
                                    

"Hindi na iyon mahalaga, Angel." Sabay muling hablot sa kaniya kaya nagpumiglas na naman siya.

Ang malinaw na tingin niya sa mukha ni Erickson habang nanlalaban ay unti-unting nanlabo, hangang sa tuluyan binalot ng karimlam ang kaniyang panigin na puro itim na ang ang kaniyang nakikita.

Dahil wala na nga maaninag na kahit ano ay tila may sariling isip na kusa nang dumilat ang kaniyang mga mata. Panaginip lang ang nangyari. 'Salamat naman at panaginip lang iyon, dahil kung totohanin n Erickson ang ginawa nito sa kaniyang panaginip ay hindi na niya ito talaga mapapatawad baka isumpa pa niya.

"Aidem," usal niya sa pangalan ng binata. Marahil ang kaniyang panaginip ay senyales ng sobrang pagkasabik na niya sa binata. Bumahd ang lungkot sa kaniyang mga mata "Nami-miss na kita."

Mag-two weeks na ang lumipas simula ng maganap ang insidente sa bar. Nang umagang umalis siya sa condo nito ay iyon na rin ang huling pagkikita nila ng binata at hindi na nasundan pa. Hindi na talaga nagpakita si Aidem o kahit man lang ang tawagan siya nito ay wala siyang natangap. Maging si Erickson ay hindi na rin siya pinuntahan pa rito o kahit man lang sa opisina.

Kung si Erickson ay baliwala sa kaniya kahit hindi na ito magpakita ulit sa kaniya ng habang buhay ay ayos lamang, huwag lamang si Aidem. Hindi rin naman kinusang tawagan ito ni Angel or kahit man lang puntahan sa isa sa mga pag-aari nitong bar, higit lalong ang Heavens Gate.

Kahit paano naman kasi ay umiiral pa rin sa kaniya ang pride. Hindi rin siya nagtangkang magtanong kay Dylan o kahit man lang kay Mond sapagkat nahihiya siya.

Nang bigla niyang maalala na bukas na pala ang sorpresang proposal at kasal ni Dylan kay Rhaime. Sa isiping makikita niya si Aidem roon ay bigla siyang na-excite. Nasasabik na siyang talaga na muling itong makita.

Nilingon ni Angel ang digital clock na nakapatong lang sa mini table niya kung saan nakapatong rin roon ang kaniyang lampshade. Alas-seis na pala ng umaga. Kaya nagpasya siyang bumangon na sapagkat maya-maya lamang pala ay aalis na siya patungong Tarlac upang puntahan ang kaniyang Nanay Rosa upang ito ay sunduin at isabay sa pagpunta sa batangas kung saan magaganap ang sorpresa nila kay Rhaime.

Bago tuluyan lumabas ng silid ay nagtungo muna si Angel sa bintana para hawiin ng bahagya ang kurtina upang pumasok ang liwanag mula sa labas sa kaniyang silid. Biglang lumukso ang puso nito ng matanaw mula sa labas ng kaniyang gate ang isang sasakyan na pamilyar sa dalaga.

Hinintay ni Angel ang lalabas mula roon at tuluyan nagdiwang ang puso niya ng matanaw si Aidem. Nagmamadali siyang pumunta sa harap ng kaniyang malaking salamin, sinipat ang sarili inayos ang suot na nighties at hind na nag-abalang patungan pa. Mabilisang ding nagsuklay. At tsaka lumabas ng sariling silid at nagtungo sa kaniyang pintuan at planong salubungin ang binata.

Eksaktong pagbukas niya ng pinto ay naroon na rin si Aidem. Ang lapad ng ngiti ni Angel at hindi maikakaila ang tuwa sa maganda niyang mukha. Saglit na nagtama ang kanilang mga mata.

Humagod ang paningin ni Aidem sa kabuuan ni Angel. Simula mukha hangang paa, paa pabalik ulit sa mukha ni Angel.

Sa mga hagod na tingin na iyon na ginawa ng binata sa kaniya ay walang nakitang emosyon si Angel. Nanatili iyong blanko at ni hindi man lang niya nakitaan ng pagkasabik sa muli nilang pagkikta. Hindi gaya niya na masiyadong halata dahil sa lapad ng ngiti niya rito.

Ang kaninang malapad na ngiti ni Angel ay tuluyan naglaho at napalitan ng pag-aalala na baka galit pa rin ito sa kaniya.

"Pa-palaka, masaya akong makita kang muli."

"Dont call me that name," seryosong turan ni Aidem kay Angel. "May pangalan akong matino at iyon ang itawag mo sa akin."

Hindi na hinintay ni Aidem na papasukin siya ni Angel dahil ito na mismo ang pumasok sa loob. Diretso ito sa sala at doon ay kampanteng naupo.

Angelzy, You're Mine Forever - Old Maid Series 3 (COMPLETED) Where stories live. Discover now