Akmang sasakay na siya sa tricycle n'ya nang biglang may tumawag sa kanya.

“Cadence!”

My forehead creased when I saw a tall and handsome man walking to our direction. He looks like a foreigner with his blond hair. I looked at Cad. Natigilan ako nang mapansing napalunok siya nang makita ang lalaki.

“What the heck are you doing here, man? We couldn't reach you out for days. Xanthos thought you were dead or something,” sabi ng lalaki. “Good thing I saw you here so I got off my car and approached you... and what the hell are you wearing? Are you miraculously financially unstable now or something?” dagdag na tanong ng lalaki.

Cadence looked at me and cleared his throat. He laughed awkwardly and tapped the man's shoulder... Sino naman kaya ang lalaking 'to?

“Sir!” Naiilang na tumawa si Cad. “Sir Ashteroh, pasensya na kung hindi ako nakakapasok sa trabaho. Pakisabi na lang kay Sir Xanthos na babalik din ako sa trabaho next week. Sige, Sir. Alis ka na,” pagtataboy ni Cad sa lalaki.

Sir Ashteroh? Siguro amo ni Cad ang lalaking 'to or something.

“What the hell are you saying, asshole?” nakakunot-noong tanong ng lalaking tinawag ni Cad na Sir Ashteroh.

“Cad, sino siya?” pasimpleng bulong ko kay Cad. Mukha namang hindi nakakaintindi ng tagalog ang lalaking kausap n'ya.

“H'wag mo na lang pansinin, Liah. Isipin mo na lang na isa siyang foreigner na nagtatanong ng daan,” bulong din ni Cad sa akin pabalik.

The foreigner guy looked at me. I blinked and avoided his gaze because I felt embarrassed for some unknown reason.

He smirked and looked at Cad again. “Hindi pala mababaliw sa babae, ha,” napapailing na sabi nito.

Napasinghap ako. Kung gano'n nakakaintindi pala siya ng tagalog.

Muling natawa si Cad saka tinulak na palayo ang lalaki. “Sige na, Sir. Alis ka na, mukhang busy ka. Bye!”

Natatawang napailing na lang ang lalaki at umalis na. Pinaikot-ikot nito ang susi sa daliri nito saka sumakay sa kotseng nakaparada sa gilid. Sumakay na ito sa kotse saka umalis na rin agad.

Napatingin ako kay Cadence. Napabuga siya ng hangin at tila nakahinga nang maluwag.

“Amo mo ba siya?” tanong ko.

Cad smiled awkwardly and nodded. “Oo, lods... Halika na, baka ma-late ka pa sa trabaho.”

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Cad pasakay sa tricycle n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan siya.

Mukhang tumatakas si Cadence sa trabaho n'ya.

* * *

“See you tomorrow, class. Please prepare for your next subject.”

Agad na nagkagulo ang mga estudyante nang makalabas na ako ng classroom. Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko habang papunta sa canteen. Bibili muna ako ng makakain bago magpunta sa english department.

“Pst! Teacher na maganda!”

I instantly stopped walking when I heard that familiar voice. I roamed my eyes around the place. Napasinghap na lang ako nang makita si Cadence na nakaupo sa bench mula sa silong ng puno na malapit. Nakasuot siya ng damit na pang-janitor at may hawak pang walis. Agad ko naman siyang nilapitan.

“What are you doing here?” I asked, still flabbergasted.

“Diba sinabi ko na sa 'yo na marami akong raket? Kasama na 'to sa mga 'yon,” nakangising sabi n'ya habang pinupunusan ang pawisang leeg.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon