Chapter 10: Vampire Attack (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang saglit pa ang nag daan ay tuluyan ng natanggal ang ulo ng bampira na babae. Nasaksihan namin kung paano tumalsik ang ulo nito't kung paano ito gumulong sa sahig na para bang bola. Hindi nagtagal ay binitiwan ni Fire ang katawan nito't napabaling ang tingin sa dalawa pang bampira na lalaki na nagngingitngit sa galit. 

"Pinatay mo ang kapatid namin!" Umilaw ang mata ng isang bampira, at ganoon din ang isa. Sabay silang sumugod na nanlilisik ang mga mata't walang kahit anong nais bukod sa makapaghiganti sa pagkamatay ng kapatid nila. Napatigil na lang sila sa pagsugod nang biglang mawala na parangt bula si Fire. Kahit kami'y hinagilap kung saan na siya napunta.

"Asan ka!?" galit na sigaw ng isa. Teka- nakakalito naman 'tong dalawang bampirang 'to. Magkaparehas ng mukha, marahil ay kambal silang dalawa. Ang tanging pinagkaiba lang talaga nila ay ang kulay ng kanilang buhok. Ang isa ay may kulay itim na buhok, ang isa naman ay blonde.

"Look above." Mabilis na tumingala ang dalawa. Mula roon ay biglang lumitaw si Fire, at huli na upang makaiwas sila sapagkat nakadagan na ito sa kanilang likuran. Natawa na lang ako dahil sa kapilyuhan niya. 

"Oy Kylla para kang tanga!" Napasimangot na lang ako sa narinig ko galing sa mongoloid na si Onyx. Maka-tanga 'to akala mo naman hindi siya tatanga-tanga. Mas tanga pa nga siya sa akin.

"I'll ask only once, and you better answer me correctly." Ngumisi nalang ang dalawang bampira na nagpapahiwatig na 'wala-kang-makukuha-saamin-'

"Who.is.the.traitor.in.here?" Malamig ngunit kalmadong wika nito. Imbis sumagot ay nanatiling tahimik ang dalawa, kaya namaman tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanila na siya namang ikinataka ng dalawang bampira. 

"Hindi mo manlang ba kami pipilitin?" Tanong ng bampirang may kulay blonde na buhok. Oo nga, hindi niya man lang ba sila pipilitin? O 'di kaya'y pahirapan man lang at parusahan hanggang sa sabihin nila ang totoo?

"That girl that I killed, She's not your sister." makahulugan na sabi ni Fire bago umupo sa upuan na gawa sa apoy. Teka, kailan pa siya gumawa niyan? Hindi ko man lang napansin. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ng isang bampirang may kulay itim na buhok.

"Simple, you are fooled by the Dark Wizards! You tried to sneak in, and get our gems in exchange they will revived your sister? Don't make me laugh, she's not your sister.Look at her, after vampires are killed they turned to ashes but she's still in one piece."

 Matapos niya itong sabihin ay tila ba natauhan rin kami. What the hell? How can I forget about that? That's right, after vampires are killed they turn to ashes.

"A-ano ang ibig mong sabihin? N-na hindi namin siya kapatid? No! Don't try to mislead us!" matapang na wika ng lalaking may kulay itim na buhok.

"Exactly, They already killed your sister." Tumayo siya mula sa pagkakaupo habang mays eryosong tingin sa mga mata. 

"Hindi totoo ang sinasabi mo! Huwag mo kaming bilugin upang makuha ang mga crystals! Hindi niyo kami malilinlang!" Kasunod ng pagsigaw ng bampirang may kulay blonde na buhok, sabay nilang sinugod si Fire. 

Nagtaka na lang ako nang biglang magpakawala ng light spheres ang mga ito. Saglit, bakit light spheres? Hindi ba't dapat itim na mahika ang lumalabas mula sa kanilang dalawa? 

"Bakit Light Spheres?" Rinig kong tanong ni Onyx sa sarili. 

Sa bawat tirang pinapakawalan nilang dalawa'y walang ibang ginawa si Fire kun'di ang umiwas lang nang umiwas. Nagdaan ang ilang minuto'y napapagod na kakatira ang mga bampira ngunit wala pa rin siyangs awa sa pag-iwas at ni isang daplis ay wala siyang natamo mula sa mga ito. 

"My turn." Inangat niya ang kaliwang kamay niya, at kasaba'y ng pangyayaring 'yon ay kusang lumapit ang leeg ng isang bampirang may kulay blonde na buhok. Marahas itong napalapit sa kaniya hanggang mapunta ang leeg niya sa mismong kamay ni Fire. Bakas ang gulat sa kanilang mga mata, at kahit kami rin dito ay halos hindi na huminga sa pagkamangha at pagkagulat. 

"I once told you trust no one but yourselves. Trusting the dark side only means you sell your soul to devils who will only kill you once you are no use for them." Matapos niya itong sabihin ay walang kagatal-gatal niyang hinigpitan ang pagkakasakal dito hanggang sa mawalan ito ng hininga't kinalaunan ay naging abo na lang. 

"NO!" Umalingaw-ngaw ang sigaw ng natirang bampira habang walang humpay ang pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata. 

"See? The Dark Wizards will also kill you just like what I did to Josh" Nagulat naman ang bampira nang banggitin ni Fire ang pangalang 'yon. Saka, Josh? Kilala niya ang bampirang 'yon? 

"Paano mo siya nakilala?" puno ng pagtataka nitong anas. Fire just shrugged and walk a step closer,and everytime she took a step forward, he would took a big step backwards.

"It doesn't matter how I know his name. Does it, Jas?" Bumalata na naman ang pagkagulat sa mukha niya sa pangalawang pagkakataon.

Nakakalito na ang nangyayari ngayon.Sino si Jas at Josh? Magkakilala ba sila ni Fire? Paano niya nakilala ang dalawang bampirang 'to? Hindi kaya'y matagal na silang magkakilala? O 'di kaya'y magkakampi? 

I must say na naghihinala ako kay Fire na baka siya ang espiya rito. Simula nang dumating siya rito iba't-ibang gulo na ang nangayayri. What can I do? Her legend is undefined and no one else can exactly know what she's thinking. 

"W-what? S-sino ka ba talaga?" naguguluhan nitong anas. Kung naguguluhan siya, ano pa kaya kami? Ang tanging makaksagot lang sa mga katanungan namin ay si Fire mismo at wala ng iba pa.

"You can never see your sister again but we can protect you and your brother if you bare with us," Imbis pumayag sa naging alok ni Fire, tumawa lang ito ng pagak. 

"You are a white vampire afterall." Napakurap ako. White Vampire? 

"Paano ako nakaksiguradong ligtas kami kung ikaw mismo ang pumatay sa kapatid ko sa harap ko!" nanggagalaiti nitong sigaw. Isang ngisi ang kumawalwa sa manipis niyang labi, at ang kasunod na sinabi niya ay ang nakapagpalito sa aming lahat.

" Do you certainly think I can kill the people I saved before? Don't give taht shit, Jazsy." 

Nanlaki kaagad ang mata ni Jas. Mabilis itong tumakbo at dinampa ng yakap si Fire na para bang miss na miss na niya ito at ilang taon na niyang hindi naklita at nakasama. 

Okay? What the hell is going on? 

To be continued...

Legendary Academy: The Strongest Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon