“Wattpad. Hindi mo alam 'yon? Ano ba'ng mga binabasa mo?” tanong pa n'ya.

“Works of William Shakespeare, Rick Riordan, Jane Austen, Leo Tolstoy, Virginia--” agad n'yang pinutol ang sasabihin ko.

“Ay sorry, mare. Hindi kasi kaya ng brain cells ko 'yang mga gan'yan, e. Sorry ha, ito lang ako.” Napahawak pa siya sa dibdib n'ya, tila nag-e-emote.

I sighed and scratched my nape. I gave his envelope back to him and shook my head. “I'm sorry, Mr. Dimagiba... but I honestly don't want to accept a male boarder. Hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo, pero mas comfortable kasi ako kapag babae ang kasama ko rito sa bahay. Maghanap ka na lamg sa iba.”

“Eh sa 'yo ko gusto,” agad na saad n'ya.

My eyebrow arched. “What?”

“I mean, sa 'yo ko gusto mangupahan. Sabi nila 1k lang daw sinisingil mo buwan buwan... Gusto ko rito kasi mura. Saka wala talaga akong ibang matutuluyan,” tila nagpapaawa pang sabi n'ya.

I took a deep breath and shook my head. “I'm really sorry. Please leave now. I still have a lot of work to do and I don't have time for this,” I said and avoided his gaze.

“Ayaw mo ba talaga, Jomelyn?” tanong n'ya pa.

Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi n'ya. Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa kanya.

“What did you just call me?” My forehead creased.

“Jomelyn,” muling pag-ulit n'ya.

Napabuga ako ng hangin. “J-Just call me Liah, please. Ayoko ng tinatawag ako sa second name ko,” pakiusap ko sa kanya.

“Okay... Jomelyn,” tila nang-iinis pang sabi n'ya saka ngumiti sa akin.

Agad na nag-init ang mukha ko sa inis. “I said don't call me that!”

“Eh bakit ka galit?” tanong n'ya.

“Sabi ko naman kasi sa 'yo na Liah ang itawag mo sa akin,” nanggagalaiting saad ko.

“Bakit ba ayaw mo sa Jomelyn? Pangalan mo rin naman 'yon,” sabi pa n'ya.

“Eh sa ayaw ko, e. Ang pangit ng pangalang 'yon,” naiinis na sabi ko.

“So what? Pangit ka rin naman,” bulong n'ya na narinig ko naman.

“Ano?!”

“Wala. Sabi ko payagan mo na 'ko mangupahan dito, Liah. Please, lods... Sawang sawa na 'ko matulog sa tricycle na nag-iisang pamana sa 'kin ng tatay ko,” sabi pa n'ya saka napabuntonghininga.

I looked at him from head to toe. Mukha ngang hindi gaanong maayos ang buhay n'ya. He's just wearing a loose white shirt, a jersey shorts, and used flip flops... but he's still handsome as hell. Paano pa kaya kapag nagdamit siya nang maayos?

“Wala akong magagawa riyan, Cadence. Hindi ako matulungin gaya ng sinabi ng mga kapit-bahay sa 'yo. May sarili rin akong problema kaya please, umalis ka na,” sabi ko na lang at seryosong tumingin sa kanya.

Sumandal siya sa backrest saka matiim na tumitig sa akin. “Ano ba'ng problema mo?”

I arched my eyebrow. “Why would I tell my problems to a stranger?”

He shrugged. “Mas maganda raw sabihin ang problema mo sa strangers. Sabi sa facebook,” sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay. “Saka malay mo swertehin ka kapag sinabi mo sa akin. Baka biglang mawala 'yang problema mo,” nakangising sabi n'ya.

Napabuga ako ng hangin. “Yung kapatid ko na magtatapos na sana sa college para mapagaan na ang bigat ko sa pagtatrabaho, buntis ngayon. Galit lang ako sa kanya ngayon pero alam kong hindi ko rin naman siya matitiis at kailangang sustentuhan. Sumasakit na ang ulo ko sa trabaho pati sa kanila. Please, h'wag ka ng dumagdag Mr. Dimagiba,” sabi ko na lang.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon