Part 1/9

17.7K 215 12
                                    

Author's Note:

When you write a story, you also create a unique story for each of your characters. And to be able to make it, at times kailangan may pinanghuhugutan ka.

Even you're a writer or a reader, for sure each of us has a  story to share. And so, here is mine...

Everything in this story is just 'nothing but the TRUTH'. Even the given names of the characters are actually their real names except mine :D Hihi. Okay lang iyan, super lapit naman ng sound sa real name ko. Kaya itago niyo nalang ako sa pangalang "YHANNY". Hindi ko alam bakit iyan ang  pumasok na name sa isip ko.

I just wanna share na minsan din akong naging tanga sa mga decision ko XD Haha.

Enjoy ;)

---

"You will never know how strong you are, until being strong is the only choice you have."

I met Raymond.

It started noong sinali ako ng loka kong pinsan sa isa sa mga clans niya. Iyong sa text? Uso iyon noon ehh. Hanggang ngayon ba?

Wala akong hilig sa ganoon pero dahil loka nga ang pinsan ko,  pina-welcome niya ako sa mga members nila kahit hindi naman ako sumali. No choice na ako dahil after a minute na na-GM [group message] ang number ko, jusmiyo! Flooded agad ang inbox ko. Inis na inis ako that time.

Puro 'delete all' lang ang pinaggagawa ko kasi puro away lang naman ang nasa GMs nila. Pakialam ko naman doon, di ba?Mayroon pa ngang nagkakasulutan ng jowa. Jusko.

After an hour, may isang member na nagtext sa akin. Actually it was a PM [personal message] kasi he mentioned iyong code name ko na ibinigay ng pinsan ko.

I can't explain pero ang gaan ng loob ko agad sa kanya. Ni hindi nga pumasok sa isip ko kung gwapo ba siya or not sa personal ehh. Haha.Basta't enjoy ako na katext siya.

"Oyy! Mahipan ka ng hangin diyan, forever kang magmukang tanga diyan! Hahaha." Puna sa akin ng pinsan ko.

"Problema mo, Fey? Bakit ka ba nanggugulat?" Badtrip talaga pinsan ko minsan ihh.

"Sino ba katext mo diyan? si Mr. cRiMe_tHug'zs iyan noh? Naks! Enjoy na niya ang clan."

(A/N: Huhuhu sige na, tawanan niyo na ako. Pero dumaan din talaga ako sa jejedays na 'yan. Iyan ang uso noon eh. )

"Ohh tapos?"

"Ayiiih. Sumbong kita kay Yves! HAHAHAHA. First jowa mo pa lang iyon, nagagawa mo ng magtwo-timer!"  Abnormal na 'to! Binato ko nga ng unan.

"Sssssh! Kapag narinig ka nina mama diyan, kutos ka sa akin! Kapag ako binitin sa puno, ipapasama kita!"

"Oo na. Oo na! Bet mo ba kasi iyan? Bakit kinikilig ka diyan? Ikaw huh! Noong una, kahit super bawal ka pang magjowa, pasikreto mo pa ring ginawa. Tapos ngayon, feel mo namang magtwo-timer. Ano next? Susubukan mo naman maging kabit?"

"Siraulo! Hindi nuh! Certified Yvesnatics ako. Sa bait at gwapo ng bf ko, ako pa talaga ang magtutwo-timer? Ang gaan lang kasi talaga ng loob ko sa kanya. Basta hindi ko ma-explain."

"Halaaa. Baka naman lukso ng dugo iyan huh! Baka kapatid mo siya sa labas?"

"HAHA. Patawa ka! Umuwi ka na nga!"

Sabay tayo niya habang tatawa-tawa pa rin. Kung minsan, ang hirap talaga kapag may pinsan kang abnormal. Bago pa siya lumabas ng pinto, humarap siya sa akin ...

"Nga pala, general meeting ng clan sa Sabado. Punta ka para makita mo na siya. Hindi ko pa rin kasi siya kilala dahil isa rin siya sa mga new members. Okay, baboossh!"


Nag-usap nga kami ni Raymond sa text.

Napagkasunduan namin na umattend pareho para magkita na kami personal. Super close na kasi talaga namin sa text. Madalas tinatawagan na rin niya ako. Hirap kaya magkwentuhan sa text, katamad magtype sa keypad! (Pang mga rich kid lang ang touch screen na cellphone noong mga panahong iyon. Sa amin noon, masaya na kami sa Nokia 3315. Kahit nakapikit, kaya naming magtext. Pabilisan pa. Hahaha.)

+++

It was Saturday afternoon.

Nasa meeting place na ako ng clan. Badtrip kasi pinsan ko ehh! Siya ang isa sa bumuo ng grupo na ito at siya na nga lang kilala ko sa clan na ito, pero hindi siya pupunta. Mayroon daw silang activity sa school nila. If I know, makikipagkita lang iyon sa isa sa mga boyfriendsssss niya.  Take note, with "s" sa dulo.

Bakit, boys? Akala niyo sa inyo lang uso ang word na "playboy"? Naku, you have to meet my cousin. 

Just so you know, ang mga boyfriend niya ay palaging hindi bababa sa lima. Ang tawag niya sa kanilang lahat ay "BABY". Para daw kapag nagtext siya like "Kumain ka na, baby?", "Ano gawa mo, baby?" etc., isesend niya lang sa kanilang lahat.

Edi isahan lang. Grabe, di ba?

Back to the clan thing...

Nagpakilala sa amin ang "founder". Tapos lahat ng mga new members pina-form ng circle.

I swear! Kinabahan ako. Akala ko kasi ginood time lang ako ng pinsan ko at fraternity meeting pala itong napuntahan ko. HAHA. Para kasing may initiation na mangyayari.

Isa-isa ko tinitingnan ang mga kasama ko sa circle especially ang mga lalaki. Hinuhulaan ko kasi  kung sino sa kanila si Raymond. Tinuro ng founder ang katabi ko para unang magpakilala. So ibig sabihin, ako ang last na magpapakilala.

Woooh! Swerte.

Hanggang sa magpakilala na si "Mr. cRiMe_tHug'zs".

Halaaaa! Parang gusto ko na umalis sa pwesto ko at umuwi. Siya pala iyong lalaking kanina pa pinag-uusapan ng mga babaeng old members. May itsura kasi talaga siya!

Bigla akong nahiya. All eyes nga sa kanya lahat ng members ng grupo. Baka madisappoint siya sa akin. Hindi naman pang-Beauty Queen ang ganda ko nuh. Pero hindi naman din siguro ako pangit. Bahala na! Nandito na ako eh.

Pagkatapos ko magpakilala, bilang ako ang pinakahuli, nakipagshake hands na sa amin ang mga old members.

Ang daming nakikipagshake hands sa kanya. Pagkakataon ko na ito para tumakas sa kanya. Hiya na talaga ako! 

Dahan-dahan akong lumakad paalis nang may humawak sa balikat ko...


"So, aalis ka na agad? Hindi mo lang naman ako kakausapin?"

Pinay Meets Fil-Am Guy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon