•She's My Delphinium #1•

Start from the beginning
                                    

Walang makikitang emosyon ang kanyang mga mata, ang kanyang kamay Naman ay nakasuksok sa bulsa nya.

"President may gusto kabang sabihin o itanong sa Transferee? I mean Snow?." Tumango ako.

"Bakit dito ka nag enroll? Mukha ka namang mayaman." Nag tataka kong tanong.

"Dahil wala akong choice" walang pag aalinlangang sagot nya.

"What do you meaning walang choice?" May kakaiba. . .kinakabahan ako.

Tanging kitbit balikat lang ang isinagot nya. Nakakatakot ang bosses nya, mahinhin Sya kung mag salita pero walang kabuhay buhay at tipid kung sumagot, siguro dahil bago palang Sya at nanibago pa.

"Pwede na ba akong maupo ma'am?" Baling nya sa guro namin, tumango lang si Ma'am Trisha at bahagyang ngumiti sakanya.

"By the way I'm Kahel Yhel Tan president of class C and SSG Vice president kung may kailangan ka lapitan mo lang ako" inilahad ko sakanya ang kamay ko bilang pag papakilala, tinignan nya muna ito bago tanggapin.

"Thank you but I can handle my self" yun ang sinabi nya bago bitawan ang kamay ko, naupo sya sa bakanteng upuan malapit sa bintana. "By the way Nice to finally meeting you Tan."

°° °°

Nag rereview ako para sa exams mamaya--nasa canteen kami ng kaibigan ko sila Carlo, miguel, at cristof . . .

May sari-sarili kaming mundo pag nasa klase at pag vacant time naman may mga sarili din kaming mundo

Si Carlo Isa sa mga mananayaw ng university namin.

Si Cristoff Naman Isang basketball player ang MVP ng university habang

Si Miguel ay singer madalas sa ibang lugar tumutugtog ang banda nya.

Habang ako Naman Vice President ng buong university. . . iisang school at classroom lang kami pero madalang kaming mag usap pero pag Friday ng gabi hanngang sa sabado ng gabi mag kakasama kami.

"Anong masasabi nyo doon sa babae?" Tanong ni Cristoff habang nakatingin sa mga studyanteng nakapila kaya sabay sabay kaming napatingin sa pila.

Nakapila doon si Snow.

Hindi ko na sinabi sakanilang nakita ko sya kanina bago ako pumasok dahil wala rin namang Sense kung sasabihin ko.

"She's like kitten look at her eyes" mahihimigan mo ang paghanga sa bosses ni Miguel.

Sinusundan ko ng tingin si Snow at nagulat ako ng makitang may bitbit syang tray puno ng pag kain.

Maraming nakatingin sakanya, lalo na mga babae na halatang insecure sakanya, may mga lalaki naman na pinag uusapan Sya, pero parang baliwala lang sakanya.

Halatang nahihirapan sya sa bitbit na tray dahil halatang mabigat yun. . . Luminga linga sya sa paligid at habang salubong ang dalawang kilay
Pero agad din yun nawala ng makitang syang bakanteng maaaring upuan.

Tahimik namin syang pinag mamasdan habang kumakain, maingat nyang inaalis ang laman ng tray patungo sa mesa.

Isang platong may tatlong takal ng kanin , Isang malaking mangkok ng nilaga at limang pirasong chicken wings.. may nakahiwalay ding sawsawan at Isang litrong gallon ng tubig.

'Wow?.'

"Gutom na gutom ba Sya?" Nakangiwing turan ni Miguel.

Nag angat sya ng tingin at nag tama ang paningin namin-- masyadong seryoso ang itsura nya.

Hindi ko alam ang naging reaksyon ko kanina nung sinabi nyang 'By the way Nice to finally meeting you Tan'.

Sya na ang unang nag-iwas at kumain nalang. . .mabilis ang bawat subo nya at malaki, bahagya pang lumalaki ang pisngi nya dahil sa puno na ang bibig nya. Pero kahit ganon makikita mo parin ang pagiging elegante ng kilos nya

She's My DelphiniumWhere stories live. Discover now