“Gaga, galit lang ‘yan pero mahal ka niyan. Bibigay din ‘yan sa ‘yo no,” sabi niya pa. Nagpaalam na ako sa kaniya at may gagawin pa din naman siya kaya binaba na namin ang tawag.

Bumaba na ako at nakita kong nanonood ng TV ang mag-aama. Hindi ko na lang sila inistorbo at dumiritso na lang sa kusina. Hindi pa naman sila kumakain kaya magluluto na lang ako.

“Ma’am magluluto po kayo?” Tanong sa akin ng isa sa mga kasambahay ni Caelus.

“Oo,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. Inihanda ko na ang mga kakailanganin ko. Hindi naman siguro mapapadpad dito si Cae dahil abala siya sa mga bata.

Nagluto ako ng pasta at ulam namin. Mabuti na lang at kompleto ang mga nandito sa ref, hindi na ako mahihirapan pang maghanap.

Nang matapos ay lumabas na muna ako para tingnan kung anong ginagawa nila at para sabihin na nagluto ako para sa amin.

Hindi ako nakapagsalita nang makitang kumakain na sila. Nagpadeliver sila! Sayang lang ang mga niluto ko dahil hindi naman pala iyon makakain. Hindi naman ako napansin ni Caelus kaya tumalikod na ako at bumalik sa kusina.

Naiiyak tuloy ako. Alam ko naman na galit talaga siya sa akin pero sana wag namang ganito ang trato niya sa akin. Mukha na akong tanga dito, kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito siya.

“Ma’am okay lang po kayo?” Tanong sa akin ni yaya.

“Oo, sa inyo na lang ‘yan. Hindi naman kakain si Caelus,” sabi ko.

“Sige po ma’am.” Nakangiting sabi niya at tinawag na nga ang iba niyang kasama.

Suminghot ako at hindi na lang lumingon sa kanila. Gusto ko na talaga siyang kausapin kung ano bang pwede kong gawin para pansinin na niya ako. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko ngayon.

Pwede naman niya akong kausapin eh, magkasama nga kami sa bahay pero kung tratohin naman niya ako parang ibang tao ako at parang hindi kami magkasama sa iisang bahay. Akala ko magiging maayos na kami nung lumipat kami ng kambal dito sa bahay niya pero hindi pala.

“Stop crying.” Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Caelus na buhat-buhat si Ashton, nasa gilid naman niya si Alistair na nakangiti sa akin.

“Mommy…” aniya at lumapit sa akin. Binuhat ko naman agad siya at pinaupo sa lap ko.

“Stop crying n-na..po…” sabi niya pa at niyakap ako.

“Mommy’s not crying,” saad ko at umiling sa anak.

“Stop crying, our babies are looking at you,” ani Caelus.

Tangina ka pala eh, kasalanan mo naman kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ako nagsalita at pinigilan na lang ang pag-iyak. Ayokong makita ako ng mga anak ko na ganito. Hindi pa naman sila sanay na nakikita nila akong umiiyak. Hindi ko naman kasi pinapakita sa kanila, kapag umiiyak ako. Gusto kong ako lang, para hindi sila mag-alala.

“Stop crying babe, it’s okay. We’re okay now,” he said as he held my hand. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.

“Naaawa ka lang ata sa akin eh,” sabi ko at umiwas ng tingin. Umayos siya ng tayo at lumapit pa sa akin.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Where stories live. Discover now