At ang pinaka masaya sa lahat ay sabay sabay kaming grumaduate, walang naiwan..... goals talaga.

"Congrats Tita". Bati ng pamangkin ko.

Niluhod ko ang isang tuhod para mag pantay kami. "Aw, ang cute ng baby ko! Pwede bang pa-hug si Tita ha?" Panlalambing ko at niyakap sya ng pag kahigpit-higpit

"Ah gusto ko talaga ng baby!" I exclaimed after pulling Ate's Daughter, Geisel.

Bakit kasi ang cute ng baby nya!

"Sagutin mo muna manliligaw mo! Baby baby ka dyan". Pang aasar ni Ate

Naka pang doctor attire pa ito at mukang kakalabas lang sa trabaho. Nang mapansin nyang nakatigin ako sa suot nya ay natawa sya.

"Ito ba? Sumaglit lang kasi ako ng break para makita ang baby girl naming makapag tapos". She smiled

I pulled her in a hug and cry. "Ate naman eh! Pinapaiyak mo ko sa effort mo alam mo ba yun ha!" Saad ko na naiiyak

Tumawa naman ito at nilayo ako para makita nya ang muka ko. "Iyakin ka talaga eh!" Pang aasar nya habang marahang pinupunasan ang luha ko.

Ang sunod ko namang niyakap si Mom at Dad. "Thank you Mom and Dad! Kayo talaga dahilan nitong lahat eh! Thankful ako na kayo parents ko". I said and hug them both.

Pag katapos ko noon ng second year college ay tinangalan na ako ni Dad ng scholar. He wants to see me work for my fees and bills.

Mahirap oo pero dahil sa challenge nyang iyon ay mas natuto akong mag tipid. Dalawang trabaho ang pinasok ko at doble aral ang ginawa ko.

Sa loob ng apat na taon ko sa kolehiyo ay nan-ligaw si Kenji. Hindi sya nag reklamo at talagang tinupad nya ang pangako na hihintayin ako.

At ito na yun......

Ito na yung hinihintay nya, kailangan ko lang makapag tapos at pwede na kami..... next stage of relationship naman.

"Mom what do you think of saying yes to Kenji tonight?" I whispered to my mommy while we're in the car

Lumawak naman ang ngiti ni Mommy. "It's a good idea sweetie! Dapat videohan ko ang pag sagot mo sa kanya para may remembrance!" Mommy exclaimed

Napatingin naman sa amin si Kuya na nasa passenger seat. "Kenji's reaction in different situation with the same person". Singit nito

Natawa naman ako. "Wala ka ngang video nung Christmas na sinabi kong payag akong mag paligaw!" Pang aasar ko

Ngumisi naman ito. "Wag ako Zin! May picture naman". Pang aasar nya

Agad kaming bumaba nang makarating sa bahay nila Ate. Dito kasi sya nakatira sa Manila kasama ng family nya.

Agad kaming sinalubong ni Manang na nandoon din pala. Matagal na itong nag retired pero lagi pa rin syang dumadalaw sa aming mag kakapatid.

"Manang!!!" I shouted and hug her. May katandaan na ito at talagang puti na ang buhok nya pero ubod pa rin ng lakas at healthy!

"I miss you po". I said

Yumakap din ito. "Ang laki mo na! Noon ay sipunin ka lang... ito na ngayon at graduated na". Pang aasar nito

Natawa naman ako. Noon pa man ay mahilig na talaga ako nitong asarin.

Naalala ko pa nung sya ang nag pa-realize sa akin na gusto ko si Kenji.... grabe!

Ang saya din pala alalahanin ng nakaraan.

Nakakatuwa dahil nakarating din sila Tita and Tito. May dala pang strawberry jam!!!

Nang mag gabi ay inaya ko si Kenji sa garden. Sa likod ito ng bahay, sa may gazebo kami na upo.

To be alone (Publish under Ukiyoto Publishing Inc)Where stories live. Discover now