Chapter 3
Hi
Ito agad ang tumambad sa 'kin matapos buksan ang locker. Hindi ko mapigilang mapakunot ng noo sa sobrang weird ng dating. Pangalawang araw ko pa lamang dito kaya sino namang magtatangkang mag-iwan ng ganitong bagay sa locker ko? Saka isa lang ang susi ko kaya papaano nila nailagay 'to?
Diretso kong itinapon sa basurahan ang invelope na naglalaman ng dalawang letra. Pinagtitripan yata ako ng mga tao dito.
"Magie! Patay na pala 'yong mga adik sa kabilang baranggay? Sila rin daw may gawa nung pagkamatay ni Mang Marvin. Buti nga sa kanila." Napatingin ako sa babaeng bigla na lang sumulpot sa kung saan. Siya na naman. Pansin kong palagi niya na lang akong dinidikitan saka ang daldal niya kaya hinahayaan ko na lang.
"Hoy wala kang imik. Ayos ka lang?"
Tumango lamang ako bilang sagot saka umupo sa puwesto ko. Masyado pa palang maaga, bakante pa ang mga upuan sa likod at iilan lang kaming nasa loob. Ayokong magtiis ng ilang oras sa babaeng 'to. Masakit sa tainga.
"Alu may nagpapatawag sa 'yo," singit ng lalaking kakapasok lang.
"Sino raw?"
Itinuro nito ang senior high building sa tapat. Sino namang kikitain niya do'n? May kuya ba siyang nag-aaral dito?
"Magsilabas na kayo, walang pasok ngayon." Biglang nagtama ang paningin namin pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Bakla ba siya?
"Ikaw naman! Maiwan ka dito, ikaw maglinis ng lahat ng kalat dito. Hindi ka puwedeng umuwi hangga't hindi mo natatapos ang pinapagawa ko sa 'yo."
"Pres may janitor naman tayo ah."
"Tinanong ko ba?"
Mukhang napahiya ang babaeng kaklase ko dahil nakayuko siyang naglakad paalis. May janitor naman pala bakit ako pa uutusan niyang maglinis?
"T-Teka!" Tuluyan na niyang isinara ang pinto at naiwan akong mag-isa. Wala akong nagawa kun'di huminga nang malalim at simulan ang paglilinis. Kaya ko 'to, tinuruan ako ni ina kung paano maglinis ng basura.
Magsisimula na sana akong maglinis nang mapansin ko ang pulang envelope na nasa sahig. Nakaimprinta sa harap nito ang letrang X na may diamond sa likod. Ano naman kaya 'to?
Tumingin-tingin ako sa paligid at hinanap kung kanino ang bagay na 'to pero wala akong makita. Binuksan ko ang laman at tumambad ang mga numero. Pinaghalo-halong numero na hindi ko maintindihan.
21 24 33 14 44 23 15 31 11 43 44 35 24 15 13 15
Pero ang mas pinagtaka ko ay ang nakasulat na pangalan sa ibaba.
Anong ibig sabihin nito? Sino ka nga ba talaga?
*****
P O L Y B I U S S Q U A R E
Ilang oras na ba akong nakaharap sa laptop? Sa totoo lang kanina pa sumasakit ang mga mata ko. Ilang site at links ang napuntahan ko para lang malaman kung anong ibig sabihin ng nakasulat sa papel pero wala pa rin. Para akong naghahanap ng ginto sa bahay ng mga bato.
Alas siyete. Wala sana akong balak pumasok kaso nakakahiya naman. Pangatlong araw ko pa lang kaya hindi pa ako puwedeng umabsent agad. Kinuha na agad ang bag at nagmartsa paalis. Palaisipan pa rin sa akin ang mga nakasulat. Nagsisimulang mabuhay ang kakaibang kutob ko na sana ay hindi magkatotoo.
Pagkasakay ko ng pampasaherong sasakyan ay hindi nakatakas sa paningin ko ang matandang nakatingin sa direksiyon ko. Si lola. Coincidence ba o talagang sinusundan niya na ako?
YOU ARE READING
REUNI X
Science FictionShe possess a powerful psychic ability that can't define by just words. She's Magie Dela Fuente, a woman who only want justice. After the death of her parents she became a wild lion, ready to eat her prey. In order to get what she want, she need to...
