Chapter 9: Best Friends with Daddy Issues

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

Tumigil ito sa paghihiwa at naghugas ng mga kamay niya. Lumapit ito sa akin habang pinupunas sa damit niya ang mga basa nitong kamay. Nagulat ako nang bigla akong hinila nito patayo.

"Halika rito," sabi pa nito bago hinawakan ang mukha ko, gamit ang dalawa niyang mga kamay. Mata sa mata. "You really did great. Nahalata ko lang 'yung concealer na nilagay mo dahil namamaga pa rin eye area mo," bulong pa nito while his thumb was skimming my left under eye, his own eyes roaming around my face.

The sensation is making me feel heady... I can feel my heart pumping so hard, my breath hitched as his eyes met mine.

Okayyy... What the fuck is going on?

Napalunok ako sa tagal ng titigan naming dalawa. "T–Thank you," bulong ko sa kanya.

Ngumiti lang ito bago dahan-dahan bumitaw sa akin at bumalik na sa pagluluto niya. "Anong gusto mo gawin natin today?"

Napasalampak ako sa upuan ko at muling napahinga nang maluwag. Putang ina. Ano 'yun? What the fuck just happened?

"Ash?"

Napalingon ako sa kanya. "Uhh... Today? Wala ka bang pasok?"

Umiling siya. "It's Saturday."

"Hindi ka ba hahanapin ng girlfriend mo?"

"Nope. You get to have me the whole day," sagot nito bago kumindat.

Inirapan ko nga. "Wow ah. What a privilege," singhal ko pa. "Matapos nang isang buwan kang hindi nagpakita at nagparamdam, biglang I get to have you the whole day? Anyare, sis?"

Umiwas ito ng tingin. "Mamaya na natin pag-usapan kapag may alak na," sabi pa nito habang nagbabalat ng bawang, matapos magbati ng mga itlog.

Napangiwi ako. "That bad?"

"Yup."

Hmm... Kaya naman pala nagparamdam ulit. "So hindi lang pala ako ang may kailangan sa'yo, kailangan mo rin pala ako."

"Pretty much. Tsaka na-miss kita, sobra. Sorry kung nawala ako nang matagal tapos walang paramdam."

Napanganga ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig kong nag-sorry siya? Nang walang pilitan? "First time mong mag-sorry nang walang pilitan. Anong meron?"

"Wala. Ang kupal ko lang talaga, na-realize ko," sagot nito habang nagluluto na ng omelette. "Tsaka marami akong na-realize nitong mga nakaraang araw."

"Like what?"

Sumagot ito nang hindi lumilingon sa akin. "Girlfriends come and go. But friends are always there, no matter what."

Napatigil ako sa sinabi niya. "Wait... Break na kayo?"

"We're on a break, I think."

Wow. Ross and Rachel 'yan? "Bakit? Paano?"

"Mamaya na nga!" sita nito sa akin. "Pang-kwentuhang may alak agad gusto mo, hindi ka pa nga nag-aalmusal."

Sus. Ang arte-arte naman nitong leche na 'to. Pakipot pa sa kwento! "Sino unang nag-text at nagyaya ng inuman kaninang 7am?"

"Basta mamaya na nga."

"Hindi ako matatahimik!"

"Bahala ka! Sanay na ko sa ingay mo!"

***

Matapos naming pagsaluhan ang breakfast na niluto ng magaling kong best friend, nag-volunteer na akong maghugas ng pinaglutuan niya at pinagkainan namin. Matapos noon ay tumambay na kami sa living room at humilata na sa sofa.

When We Happenedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें