Chapter 8

5 2 29
                                    

Tumingin ako kay coach , syempre alam ko naman kase nga diba nakita ko? ,pero para hindi mahalata  nang usisa pa ako.

"Coach" pag-tawag ko dito , at lumingon naman ito "So anong sabi nung girl kanina ? Ilang months na daw sila?" dagdag ko pa

"Alam ko bago lang sila mga" nag-isip si coach , at muling tumingin sa'kin"wala pang isang linggo hija " sagot nito .

3rd quarter na at ang score nila Mike ay 76 làmang sila ng 10 sa kalaban , kaya naman habang nag di-dribol si Mike at mag sho-shoot ng bola ay tumingin muna s'ya sa'kin sabay kindat.

TSS.. ASA ka

Pa-palapit na ang Time out ng mag vibrate ang selpon ko at naka-kuha ako ng text mula Kay Janiah.

JANIAH 3<

HOY GAGA PUNTAHAN MO KO DITO , NATAGUSAN AKO BILIS HIRAM KA MUNA NG JACKET.

Agad akong lumingon kung nasaan  si Janiah at nakita ko syang kumakaway ng bahagya kaya naman kinuha ko yung jacket na naka-lagay sa upuan at tumakbo ng mabilis .

Nakalapit na ako kay Janiah at agad na inilagay sa kanya yung jacket na nadampot ko.

"Gaga kaninong jacket to?" pag-tatanong ni janiah

"Ewan" kibit balikat na sabi ko.

"Samahan mo muna ako , balik na lang tayo dito mabilis lang 'to " nakiki-usap na sabi ni Janiah

"Tara na, baka mangamoy ka" saad ko , sabay hatak sa kanya.

Dumaan kami sa likod ng court para walang makahalata .

Lakad takbo ang gawa namin ni Janiah kase na-iilang na sya , feeling nya daw tutulo yung dugo sa tuhod nya .

Nasa bahay na kami ni Janiah at agad syang pumunta sa banyo para magbihis . For sure maliligo pa yun , kaya naman nag-linga-linga muna ako dito sa kwarto ni Janiah at may nakita ako isang picture!

Kinuha ko yung picture at tiningnan kung sino ito at nakita ko si KUYA AT SI JANIAH! wuhaaaaattttt ? kelan pa? Kelan pa naging sila?

Naramdaman kung matatapos na si Janiah kaya naman ibinalik ko sa dating puwesto yung picture at umupo sa gilid at kunwaring nag se-selpon.

"Haysss sa wakas tapos kana rin" saad ko.

"Tara na gaga ,baka ma-miss out mo yung laro"aligagang sabi ni Janiah





Nasa  basketball court na kami at expected kalat na yung mga tao , mukhang tapos na yung game at sila Mike ata yung panalo.

Nakipag-siksikan kami ni Janiah at sa kamalas-malasan may naka-bunggo kami , at nakita ko na lang si WARREN.

"Sorry" paumanhin ko

"Oh Janiah, okay lang" saad ni Warren, at ngumiti ito

Aalis na sana si Warren ng nag-salita muli ako.

"Ahh Warren si Mike?" pag-tatanong ko.

"Naka-alis na , kanina pa baka nasa  bahay na ni Coach yun mag ce-celebrate daw kami eh sabi ni coach kanina" paliwanag ni Warren

"I see, pa-punta ka dun diba?" pag-tatanong ko .

Warren nod."oo"

"Pasabay?" alinlangan na saad ko.

"Geh" saad ni Warren , sabay sakbit ng bag nya

Naglakad kami nila Warren at Janiah pa-punta sa bahay ni coach ,pero habang papalapit na kami kinakabahan ako kaya tumigil ako sa pag-lalakad at napansin nila yun lalo na si Janiah.

"Bakit?" sabay na sabi ni Janiah at Warren

"kinakabahan ako "saad ko ,at hinawakan ni Warren kamay ko

" kaya nga , ang lamig ng kamay mo eh"kaswal na saad ni Warren.

"Wag na lang tayong pumunta?" saad ko, sabay tingin kay Janiah

"Bakit pa? Andyan na bahay ni coach eh" si Warren "wag kang kabahan ,andito lang ako " dagdag nito

Tumango ako at nag-patuloy na kami mag-lakad tatlo pero habang palapit ng palapit kami sobrang lakas ng kabog  na ng dibdib ko . Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko.

Nasa  tapat na kami ng bahay ni Coach ng tumigil si Warren . Lumingon s'ya Kay Janiah "May nag text ata sa'yo" si Warren

Kinuha ni Janiah yung selpon n'ya at tiningnan nga ito at nag type s'ya dun at nakita ko na galing Kay Warren yung text. Wuhaat? Texting pa ha.

Hindi ko sila pinansin at nag-patuloy lumakad at huminto ako ng ma-aninag ko yung babae na naka-tayo dun . Lumipat ako ng puwesto upang makita at makompirma na tama ang nasa utak ko and I confirmed na si Kayla nga yuon.

Magkahawak kamay sila ni Mike sa harap ng mga kasamahan nila , masaya sila, sobrang saya . Mike smile was so wide parang wala ng bukas at habang kumakain sila ay biglang tumahimik ang paligid yung kanta na Reggae ay napaltan ng sweet song at dun sa may bintana ni Coach nalaglag yung katagang "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND " at lumuhod si Mike.

Naramdaman kung may humawak sa balikat ko at nakita kung si Warren ito at inabutan ako ng panyo , siguro kanina pa tumutulo luha ko. Agad akong bumalik sa pinanood kung pangyayari at naabutan ko MIKE KISS KAYLA ON LIPS.

HUMAGULGOL AKO , wala na akong pake kung may nakaka-kita sa'kin dito 1,2,3 ,4,5 limang Segundo ang itinagal nun at nakita ko na lang na naka-tingin  na si Coach sa'kin ,Ewan ko kung pa'no n'ya napansin yun pero isa lang ang alam ko pinatay ni coach yung music.

Mula sa malayo kita ko kung paano mag react yung mga ka-team mates ni Mike sa inasal ng coach nila , pero sila Mike at Kayla balewala lang ito.

Iyak lang ako ng iyak habang pinapanood sila ,sa pag-bago  ng atmosphere ng nasa  paligid . Napansin kung hindi na pumunta si Warren sa celebration nila at nag-taka na rin ako kung bakit wala si Janiah.

Kahit humihikbi ako ay nag-salita pa rin ako "Na-na sa-saan s-si Ja-Janiah?" pag-tatanong ko.

Hindi umimik si Warren at itinuro nya lang ito. Lumingon ako sa sinabi ni Warren at laking gulat ko na lang ng sumugod si Janiah sa bahay ni Coach.




Rom-Com Series #1 : PAUBAYA (COMPLETE)Where stories live. Discover now