"Sige iha upo kana at kainin mo ang lahat ng gusto mo kainin,"natatawang sabi ng matanda.

"Sure kayo Don Manuel baka mamaya hindi ito libre ha wala pa namang akong pera pambayad sa inyo,"nakangiti nitong sabi.

"Yes iha kainin mo lahat for free lang iyan,"sabi pa nito uli.

"Lahat po ha saka magtatrabaho naman ako dito kaya pwedi mo pong ikaltas sa sahod ko ang kinain ko Don Manuel huwag kang mag alala hindi ako tatakbo sa inyo. Promise ko yan Cross my heart mamatay man ang pusa ng kapitbahay namin hehehe,"nakataas kamay pa nitong sabi.

"Ikaw talaga iha nakakatawa ka at gusto ko iyang pagkahonest mo,"nangingiting sabi ng Don.

Kumuha na si Alondra ng pagkain at baka kasi mabago pa ang isip ng Don. Sayang naman mukhang masasarap pa naman ang mga pagkain na nakahain. Halos mapuno na ang pinggan nito ng pagkain dahil halos lahat ng putaheng nakahain sinasandok niya. Minsan lang siya makatikim nito kaya lubus lubusin na niya. Pagkatapos ng ulam at kanin nagdessert pa ito.

"Ang swerte ko talaga ngayong araw na ito dahil nakatikim ako ng masarap ng pagkain at may trabaho pa ako,"anang isip nito.

"Pero ano kayang klaseng trabaho ang naghihintay sa kanya. Napaisip tuloy siya. Pero hindi naman kaduda duda na baka masama ang trabaho niya at mukhang mabait naman ang matanda.
Nasa ganun akong pag iisip ng magsalita ang Don."

"Iha tapos kana ba kumain kasi kung huo punta na tayo sa opisina ko para pag usapan ang trabaho mo,"sabi ng Don.

"Tapos na po Don Manuel. Sorry napadami yata ang kain ko masasarap kasi ang nakain,"

"Okey lang yan iha masaya ako habang tinitingnan ka kumain walang halong kaplastikan hindi tulad sa ibang babae na pa sosyal sosyal pa,"seryosong sabi nito.

"Thank you po Don Manuel."

"Halika na iha para makapag usap na tayo at makapagpirma kana ng kontrata mo,"sabi ng Don.

Sumunod  siya dito papasok sa pintuan na malapit lang sa kinainan nila kanina. Malaki ang opisina ng Don meron pang sofa sa loob at kumpleto ang gamit parang apartments na ito eh.

"Upo ka iha,"sabi nito sabay turo sa upuan na nasa harap ng mesa.

"Thank you po Don Manuel,"magalang nitong sabi.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa iha but I want to hired you as my son new personal secretary. I check your background sa mga dati mong sideline na trabaho kaya alam ko na kaya mo siyang ihandle kasi matiyaga at masipag ka and didecated ka sa lahat ng naging trabaho mo,"seryosong sabi ng Don.

"Po?ako maging secretary Don Manuel hindi nga ako nakatapos ng college eh.Nagbibiro po ba kayo?Huo madami nga akong sideline at saka didecated ako sa trabaho ko kasi kailangan kong galingan ako lang naman kasi inaasahan ng pamilya ko,"sabi ko dito.

Ngunit secretary wala naman akong alam dun eh. Paano ko gagampanan ang pagiging secretary kung una palang hindi ko na alam ang ginagawa nila.Sideline ko lang naman kasi waitress,product promoter,minsan nagmomodel din,make up artist,saleslady,at kung ano ano pang raket na pwedi kahit pag make up nga sa patay kung pwedi palang niraket ko na eh.Pero secretary tapos sa apo pa ng Don ibig sabihin mga social dun at Englishera hindi ako nababagay sa mga ganung trabaho.

"Huwag kang mag alala iha may magtuturo naman sayo kung ano ang gagawin mo kaya alam ko kayang kaya mo yan.Saka iha hindi mo na kailangan pa ng ibang raket kasi dito malaki ang sweldo mo more enough for your family at libre lahat,"pangungumbinse ng Don.

"Eh mawalang galang na po Don Manuel magkano po ba ang sasahurin ko kung sakali pumayag ako na maging secretary ng apo mo?"curious kung tanong.

"Name your price iha",sabi ng Don.

"Ha!!anong name your price Don Manuel naman eh ginugoodtime mo yata ako eh!"napamaang kung sabi.

Sino ba naman kasing matinong mag isip na magsabi na siya ang bahala kung magkano swelduhin nito. Eh kung magpagsamantala lang siyang  tao at sabihin kong 100k a month huhuo ba siya. Nagjojoke yata si Don Manuel at saka bakit ba ako ang gustong gusto niya maging sekretarya ng apo niya. Di kaya masama ugali niyon kaya ako ang ipapain nila. Bibiruin ko nga si Don Manuel.

"Oh ano iha magkano sahod gusto mo?"

"Hahaha sure kaba diyan Don Manuel? Okey po kasi mabait ako na tao uh..uh..50k a month po ang gusto ko,"nangingiti at kunyaring nag iisip nitong sabi.

"Okey iha if yan ang gusto mo deal,"walang halong biro na sabi ng Don.

"Oyyy...teka lang po nagbibiro lang po ako sa sinabi ko alam ko naman hindi ganun ang sweldo ng sekretarya eh. Pero Don Manuel curious lang ako sino po ba ang apo mo at ako ang gusto mo maging secretary niya?At sa sweldo naman ikaw na po bahala dun kasi ikaw naman po ang boss eh,"seryosong sabi ko.

"Makilala mo ang anak ko bukas iha huwag kang mag alala mabait ang naman iyon medyo tupakin lang minsan pero alam ko kering keri mo siya ihandle baka nga matulala iyon pag nakita ang kagandahan mo eh,"pagbibiro pang sabi ng Don.

Bakit kung makapagsabi ang Don akala mo kilala ako ng anak niya. Sino ba kasi ang anak nito napakamisteryoso naman ng magiging boss mo. Pero malaking opportunity na itong trabaho na dumating sa akin kaya grab ko na.Madali naman ako matuto eh kaya alam ko kakayanin ko itong trabaho.

"Okey Don Manuel tinatanggap ko na po ang trabaho malaking tulong din ito sa akin,"sabi ko.

"Good decision iha. Pirmahan mo na ang magiging kontrata mo para tomorrow you can start your work,"sabi ng Don sabay lahad ng papel na pipirmahan ng dalaga.

"Done thank you po Don Manuel
sabay lahad ng kamay nito pagkatapos niya pumirma sa kontrata.

"Welcome to Del Mundo shipping industries iha,"nakangiting sabi ng Don.

"Thank you din po Don Manuel promise hindi ka magsisi na binigyan mo ako ng chance na makapagtrabaho sa inyo,"masaya sabi ni Alondra.

Pero teka lang Del Mundo parang pamilyar sa kanya ang kompanya n binanggit ni Don Manuel.

Enjoy reading..

Don't forget to click the star below and comments..

Thank you..

I CLAIM MY DESTINY Où les histoires vivent. Découvrez maintenant