Prologue

4 0 0
                                        

Prologue

Papunta ako ngayon sa office ni Dad dahil pinatawag nya daw ako. Kaba ang una kong naramdaman dahil alam kong hindi ako pinapapunta ni Dad sa office nya na walang importanteng sasabihin. Hindi rin kami ganun ka close ni Dad kaya natural lang na kabahan ako.

"Hermione. You're transfering  to a new school," bungad niya nung makapasok ako.

"What school?" I curiously  asked.

"Phantom Academy. It is a hidden school. Mga matatalino at kinakatakutang mga tao lamang ang nakakapasok dyan." Inabot ni Dad sa akin ang isang folder na agad ko rin namang tinanggap. Tiningnan ko ang mga nakalagay na impormasyon dito habang si Dad naman ay patuloy na nagpapaliwanag. "Diyan nag-aaral si Eunice or should I say ang pinsan mo. Tatlong taon na siya sa paaralang iyan. Wala pang natatanggap ang parents niya na balita tungkol sa kanya. Ganundin ang iba pang mga magulang. Hindi pa sila nakakatanggap ng balita sa mga anak nila. Hindi ito sakop ng gobyerno at ilegal ang pagpapatakbo sa paaralan na ito kaya ito nakatago. Eunice was sent para imbestigahan ang paaralan ngunit nag-aalala na ang parents niya sa kanya. Ang mga files na nandito ngayon ay galing kay Eunice ngunit two years ago pa lahat ng to."

"What is my mission on that academy?"

"The last section. Unfortonately, it was treated to be the weakest section in the whole academy and people with low skills or levels was thrown on that section."

"Then what's my mission?"

"You're mission is to protect the students in the last section until they graduate."

"Yan lang ba Dad?" , tanong ko kay Dad na abala sa pagbabasa ng mga papeles sa table nya.

"According to the files, madaming sekreto ang Phantom Academy. May isang section din dito na kinakatakutan ng nakakarami. Hindi nakalagay sa files na ibinigay ni Eunice sa akin kung ano ang dahilan kung ba't ito kinakatakutan at kung ano ang tawag sa section na ito," pagpapaliwanag ni Dad saka tumayo. "You have to protect the last section, bring Eunice Dimitrov back and you also have to know what's the secret behind this hidden academy."

"Paano ang ibang sections at students?"

"Kapag natapos mo ang misyon mo, kami na ang bahala sa kanila."

Hindi na ako nagdalawang isip pa matapos sabihin ni Dad ang misyon ko. "Okay, Hermione Ashanti Dimitrov will accept the mission."

———

Matapos mapag-usapan ang tungkol sa misyon ko ay tumungo ako sa kwarto ko at naupo. This is the most challeging mission for me.

Kasama ko palagi si Eunice at ang isa pa naming kaibigan sa bawat misyon na ginagawa namin. Nung tumungtong kami sa edad na onse ay pinaghiwa-hiwalay kami. Ang lolo namin ni Eunice ay nagmamay-ari ng isang sikat na organisasyon kung saan marami na ang misyon na natapos. Lahat ng mga empleyado dito ay secret agents.

Ang mga batang secret agents ay pinapagawa ng mga simpleng misyon at may sarili itong grupo upang hindi mahirapan. Naging agent ako sa edad na six ganundin si Eunice at ang isa pa naming kaibigan. Nagtratrabaho kami sa organisasyon ng lolo namin ngunit simula nung naghiwa-hiwalay kaming tatlo ay hindi na rin namin nakita ang isa't isa. Mga agents din ang parents namin at iba pa naming kamag-anak. May isa akong kapatid ngunit hindi ko pa ito nakikita. Sabi ng mama ko, nung naging agent ito ay baby pa raw ako. Kapag nakatapos ako ng expert level na misyon ay may tsansa na makilala ko siya. Ang misyon na ibinigay ni Dad sa akin ay isang expert level kaya kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para matapos ko ito at makita ang kapatid ko.

Inihanda ko ang maleta ko saka itinago dito ang mga gamit na kakailanganin ko. Dumiretso ako sa kama matapos ayusin ang mga gamit ko. Bukas na bukas din ay magsisimula na ang misyon ko. Ipinikit ko na ang aking nga mata at tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.

———

©September 3, 2021

This is not the exact date nung pinublish ko ang story na ito. Inayos ko po siya at yubg date na nakalagay, yan po yung araw kung kailan ko siya inayos. Kung may tanong kayo, magtanong lang po kayo. Sasagutin ko po kayo isa-isa.

FB: @Xathieur Minerva

The Last SectionOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz