"You sure?" I nodded bago kami mag kahawak kamay na pumunta sa parking kong saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Nang pagbuksan niya ako ay may nakita akong bouquet nang white roses sa passenger seat, lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"I remember our first prom together" He giggled after remembering our first prom together. He held my hands and kisses it softly.

Sumakay na kami sa kotse niya at agad na siyang nag maneho. I have no idea kong saan kami pupunta ngayon basta ang alam ko kasama ko siya kaya wala akong reklamo.

Ilang minuto pa ang lumipas ay luminaw sa akin ang destinasyon naming dalawa. Tumingin ako sa kanya na nagtataka pero tumingin lang ito sa akin.

Nang tumigil kami ay nakumpirma ko nga na doon nga kami pupunta, sa sementeryo.

Bumaba siya agad at umikot para mapagbuksan ako nang pintuan, inalalayan niya ako at mag kahawak kamay kami na naglakad. Nakasunod lang ako sa kanya kasi hindi ko din alam kong ano ba talaga ang ginagawa namin dito.

Ilang lakad pa ang ginawa namin hanggang sa tumigil kami sa isang museleyo, binitawan niya saglit ang kamay ko at kinuha ang susi sa bulsa niya para mabuksan niya ang gate nang nito.

Sabay kaming pumasok at doon ko naabutan ang isang puntod.

"Dulce... meet my mom" Gulat akong tumingin sa kanya nang sabihin niya yon pero agad din naman ako nakabawi at lumapit sa puntod nang Mama niya. Kahit nagtataka din ako kong bakit Dulce ang tawag niya sa akin kasi never naman niya ako tinawag nang ganon as in kahit isang beses hindi niya ako tinawag na ganon ngayon pa lang.

"Ahm... H-hi po Tita ako po si Dulce" I was so hesitant to say something because I don't know what to say. I'm stunned kasi hindi naman nasabi ni Clyde na dadalhin niya ako dito, not that I needed a script.

"My biological mother who's in front of you died when I'm only four years old, breast cancer stage four. I was too young to even realize that my mom was already dead, that time tanda ko ang akala ko nag bakasyon lang siya pero habang nalaki ako unting unting pumasok sa isip ko na wala na ang Mama ko and it hurts me kasi ni hindi man lang ako nakapag luksa. My mind was too young for that" Hinawakan ko lang ang kamay niya habang nag kwento siya, nakita ko din na naiiyak siya nang kaunti kaya iniangat ko ang libre kong kamay at marahan na pinunasan ang kanyang mga luha.

"And then my stepmother came out of nowhere, walang warning basta isang araw nasa bahay na siya at palagi akong kinukulit at kinakatok para kumain nang leche flan. Nong panahon na yon masama pa ang pakiramdam ko sa lahat, that was the time na alam kong wala na ang Mama ko, na patay na siya at hindi na nakatulong na may papalit agad sa pwesto niya gayong kailan lang namatay ang Mama ko so at first I was so angry, to her and to my father" Hinawakan niya din ang kamay ko na nakahawak sa kanya and then he kissed my temple softly.

"Pero hindi rin naman nag tagal nakuha niya din ang loob ko and I eventually love her as a mother, I was happy not until recently" Nagpabalik balik ang tinggin niya sa akin na para bang may masasabi siya na hindi ko alam kong ano.

"Magiging maayos din si Tita okay? Wag kang mag alala we'll pray" Namutla siya sa sinabi ko kaya hinawakan ko ang pisnge niya at hinalikan siya doon. He's weird pero siguro dahil lang yon sa mga recent events sa buhay niya.

Buong taon na nasa hospital si Tita at palala nang palala ang karamdaman nito kaya hindi ko masisi if Clyde will look weird or something, I know it hurts him to see his mother to suffer like that when he knows she didn't deserve it. Wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuting ina kay Clyde kahit hindi niya to kadugo kaya hindi niya deserve ang lahat, sana talaga umayos na kahit papano ang kalagayan niya.

Nag stay kami don ni Clyde hanggang sa makaramdam na kami pareho nang gutom, naglakad kami nang mag kahawak kamay papunta sa sasakyan niya.

Sa isang mamahaling restaurant na naman kami kumain, yong totoo marunong ba siyang kumain sa jollibee? Simula mag kakilala kami never ko pa siyang nakitang kumain don siguro nga pang mamahalin lang ang tiyan niya, chos.

Rules of Love (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon