"Uy Happy at Greggy! Anong ginagawa niyo dito?" Sabay nila akong hinila palapit sa kanila at sunod sunod na sinundot ang tagiliran ko.



"Ikaw gurl ha. Akala ko hindi mo type si Fafa Prince?"



"Sus. Nagpapaka indenial pa!"



"Suportado ka naman namin bakla. Umamin ka nalang kasi."



"Saang lupalop ba kasi kayo ng Alveolar nagdate ni Hanson at ginabi kayong umuwi-"



Sabay kong tinakpan ang mga bibig nila ng marinig kong bumaba si Hanson sa sasakyan niya. Nilingon ko siya at nakita kong sumandal siya sa kotse habang naka cross arms bago ngumiti sa amin.



"Hello Happy, Gracie!" Napangiwi ako ng baliin halos ng dalawa ang mga braso ko.



"Hello Hanson! / Hi Fafa Prince~!"



"Aray aray! Bitawan niyo nga ako!" Nagpumiglas ako bago sinimangutan silang dalawa. "Ano bang ginagawa niyo dito mga people?"



"Ay wag mo kaming taray-tarayan diyan bakla. Kami ang mga susi para hindi ka mapagalitan ng Tatay mo, the second time around!"



Napangiwi ako ng sabay na magpose sina Happy at Greggy. Pagpapaluin ko sana sila sa mga pwet ng makita kong nilabas ni Happy mula sa bag niya ang isang familiar na cellphone.



"Hala! Cellphone ko ba yan?!"



"Oo babae! May nakapulot na estudyante ng ACHS." Mahinang hinampas ni Happy sa noo ko yung cellphone bago ko ito napasakamay. "Ang burara mo talaga ano?"



"Hindi ako burara! Nadukot to-!" Lumakas ang tibok ng puso ko ng maalala ko nanaman yung mukha ng lalaki. "Hay nako! Bahala na nga! Basta naibalik to sa akin!"



Dapat ba akong matuwa na bumalik sa akin ang cellphone ko o dapat ba akong kabahan?



Inaya ko na silang pumasok sa loob kasama si Hanson na mukhang nagdalawang isip pa kung papasok ba o hindi. Nakangiti kaming lahat na pumasok at binati si Tatay na halatang nagulat pa nang makita kami.





"Happy birthday, happy birthday~ Happy Birthday to you~!"



"Maraming salamat sa inyo mga bata, anak." Nakangiti kong inilapit kay Tatay ang cake bago siya pumikit at hinipan ng tuluyan ang apoy ng kandila.



"Yeeey! Kainan na-! Aray naman Happy!" Pinigilan ko ang tawa ko ng makitang nanggigigil na pinalo ni Happy si Greggy. "Ano bang problema mo?!"



"Pwede bang wag mong pairalin yung pagkapatay gutom mo? Nakakahiya kay Tito oh!" Sabay nilang nilingon si Tatay na napapailing at nagpipigil ng ngiti sa kanilang dalawa.



"Ayos lang Happy. Pwede na kayong magsimulang kumain." Napapalakpak naman ang bakla at agad na pumwesto sa isang upuan sa may lamesa.



Ilang beses na nagkurutan sina Greggy at Happy bago sila tuluyang nakaupo ng maayos sa upuan. May mga pinamiling pancit bilao, bucket ng chicken, pork humba, at bilao nanaman ng mga kakanin si Tatay. Ewan ko nga ba kung napredict niya ng may mga magiging bisita siyang mga patay gutom sa araw na to kaya siya bumili ng mga pagkain.



Bumalik ang tingin ko kay Tatay at nakita ko siyang nakatitig kay Hanson na nakaupo ngayon sa sofa habang nagiiscroll sa cellphone niya. Nilapitan ko siya at kinalabit bago niya ako tinaasan ng kilay.



"Sino yang kasama niyong isa? Bakit parang mayaman ang pormahan?" Patuloy na sinuri ni Tatay si Hanson na wala man lang kamalay-malay na tinititigan namin siya ngayon. "Wala ka bang balak ipakilala sa akin yan?"



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now