He's always there kahit anong mangyari when I'm sad, happy, angry lahat nandon siya. I wake up just to see his smiling face. He made me a better person that I can be, and he only did that in a span of a year and half. Ganon kalakas ang epekto niya sa akin, ganon ko siya kamahal.

"Knowing you for two years, being in a relationship with you for a year was everything to me. Lagi mong sinasabi na ang swerte mo sa akin Clementine... pero mali ka ako ang maswerte kasi mahal mo ko. I fall for you over and over again it more on a cycle, I'll love you more today and I'll love you most the next and that cycle continues every day" Binitawan niya ang microphone at binuksan ang compartment nang kotse niya. Pag bukas noon ay may naglabasang mga lobo na nag form nang 'I love you' tapos ang loob nang compartment niya ay puno din nang lobo, bulaklak, regalo at cake. Napatakip ako sa bibig ko.

Nang masiguradong ayos na ay lumapit siya sa akin at inilagay ang pareho niyang kamay sa bewang ko at dinampian ako nang halik sa noo. Nasabay kami sa himig nang kanta bago ulit siya nag salita.

"Like what the song saying. You're my love, my life, my beginning"

Nagyakapan pa kami hanggang sa bigla na lang kami tawagin ni Vergel pero imbes na kami ang lumapit ay siya ang pinalapit ko para kuhanan kami nang litratong dalawa ni Clyde. Dala ni Clyde and DSLR ni Eli kaya yon ang ginamit namin.

Ang pinaka nagustuhan kong kuha namin ay yong naka upo siya sa gilid nang compartment niya at ako naman ay nasa harapan at yakap yakap niya sa bewang. Ang kanang kamay ko ay nakaakbay sa kanyang habang naka ngiti kaming naka tinggin sa pwesto ni Vergel na kumukuha nang litrato naming dalawa.

Nang mag sawa kami ay isinara na muna ni Clyde ang kanyang compartment at hinigit ko siya sa swing, nang nakita na naghanda din ako ay nagulat siya kaya agad ko siyang hinalikan sa pisnge.

"Suprise... hindi to kasing bongga nang suprise mo pero pinaghirapan ko yan"

"You cook all of this?"

"Yeah, hindi lang yan... wait" Humiwalay ako sa kanya at pumasok muna sa loob nang bahay at kinuha sa ref yong leche flan. Inilagay ko muna yon sa likod ko at dahan dahan na nag punta sa kanya.

Nang nasa harapan ko na siya ay saka ko dahan dahan na inilabas ang leche flan.

"It's your favorite right? I really work hard para lang ma perfect ko yan... hindi siya kasing sarap nang sa Mama mo pero edible naman yan" Nakatinggin lang siya sa hawak ko, hindi siya nagsalita nakatinggin lang siya doon, bigla ko tuloy naalala yong Clyde na mukha problemadong problemado.

"Hey, sweetheart... hindi mo ba nagustuhan? I can buy you gift if you don't l--"

"I like it, it just that this past few weeks hindi na ako masyadong nakain niyan" Kinuha niya sa kamay ko ang leche flan. "Thank you... for this" He doesn't seem happy about it pero hindi na lang ako nag tanong, maybe nasa utak ko lang yon, ayaw ko na sirain ang araw na to dapat masaya lang.

Umupo kami at nag patuloy nang kumain, we talked about stuff na hindi namin alam sa isa't isa katulad na lang kong paano siya sa bago niyang school. Well, he seemed to enjoy senior high.

Nag stay siya hanggang gabi kaya naabutan pa kami ni Papa, nagulat nga ako at may dala din siyang cake kasi anniversary daw namin si Papa talaga. Ano namang gagawin namin sa sandamakmak na cake ngayon sa bahay eh tatlo lang naman kami.

Nakaupo ulit kami sa swing at tinitigan ang magagandang bituin sa langit. Para akong nasa langit sa sobrang saya, buong buhay ko puro malulungkot na pangyayari ang nangyayari sa akin but when he finally came into my life, I started to see every good things in everything.

"Clyde?" Nakaakbay siya sa akin kaya nang humarap siya ay naglapit ang noo ko sa labi niya na hinalikan naman niya talaga.

"Hmm?"

Rules of Love (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon