Chapter 19

193 9 0
                                    

Chapter 19

Sound of crashing waves, feeling of cold breeze, and sight of ocean blue sky.

Everything is like a whirlwind. Mabilis, hindi nahahalata, hindi mapigilan.

Sino'ng mag-aakala na sa isang iglap lang nawala at nasira ang lahat.

"My!"

Kasabay ng pagkawala niya at ng lahat ay ang pagdating ng anghel ko.

"Mommy!" Pilit niyang binibigkas ang salita kahit pa hirap na hirap siya.

"Yes, baby! Say Mommy!" Nawala man s'ya sa akin, nandito naman ang anak ko.

Sa mga nagdaang taon, wala akong balita sa kanya. Walang kahit anong sinasabi si Rina. Alam niyang ayaw kong makarinig ng kahit ano tungkol sa kan'ya kaya siguro nanahimik na lang siya. Ang huling kita ko pa sa kan'ya ay noon sa park.

Hindi ko alam kung hinanap niya ba ako, pero bakit ba siya ang iniisip ko ngayon? Baka nga naka-move on na 'yon, may bagong girlfriend o baka naman mayroon ng asawa. Napabuntong hininga na lamang ako at itinuon ang pansin sa anak ko.

He wants a baby girl and he wants it to named Gianna.

Stop it, self.

"Mommy!" Tuwang-tuwang tawag niya habang pumapalakpak.

Her laugh and smile is my everything.

"Mommy? Thats good baby!"

My two years old daughter crawl towards me and hug my legs.

"Aw whats my baby wants? Hm?" binuhat ko siya at hinalikan.

"Swim! Swim!" She said and clap her little hands again.

"You want to swim, Calla?" Humarap ako sa mga nag-uunahang alon sa harap namin.

Sa nakalipas na dalawang taon, dagat na ang naging karamay ko sa lahat ng sakit.

"Hoy! Kayong mag ina! Hapon na nandiyan pa kayo!" Sabay kaming napalingon ng anak ko sa sumigaw. Sino pa ba?

"Aba! Baka mahamugan yang inaanak ko, Calli. Malaki na puhunan natin diyan!"

Punuhan. Gaga talaga.

"Anong puhunan pinagsasasabi mo diyan, Rina? Kulang ka sa landi 'no?" Inirapan niya ako at lumapit sa amin para makuha mula sa akin ang anak ko.

"Anong landi pinagsasasabi mo dyan? Kay baby Ashjon lang ako kakalampag ano!"

"Harot mo! Mabuntis ka sana tapos hindi niya panindigan 'yong anak nyo!"

"Ay, teka lang ah. Ako ba 'yan o ika-"

"Shut up!" sigaw ko na agad bago pa niya matapos ang sasabihin.

Humagalpak siya ng tawa dahil alam niyang wagi siya sa pang iinis at pati ang anak ko ay nakitawa kahit hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng ninang niya.

"Kawawa naman ang mommy mo, baby Calla. Kaya wag kang gagaya sa kanya, huh? Paglaki mo, wag kang loyal sa boyfriend mo. Manlalaki ka! Or better,wag kang mag-jowa. Nako, sakit sa ulo 'yan." Pangaral niya sa anak ko, kung masasabi nga bang pangaral yun.

"Hoy, Rina. Wala ka talagang magandang idudulot sa anak ko kahit kailan."

Inirapan niya ako at pumasok na sa loob dala ang anak ko.

Sabay sabay kaming naghapunan ng gabing 'yon. Magkatabi kaming matulog ng anak ko gabi-gabi. Halos hindi na rin siya humiwalay sa akin kapag umaga.

"The end," pagtatapos ko sa kwento. Tiningnan ko si Calla na mahimbing na palang natutulog. Pinagmasdan ko siya at hindi mapigilan ang sarili na pangigilan siya.

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Where stories live. Discover now