Nauna akong natulog kay Rina. Hindi niya ako tinantanan hanggat hindi ako natutulog, natakot yata na ulitin ko ang ginawa ko kanina.

Pagkagising ko naman ay wala na siya sa tabi ko. Bahagyang sumusilip ang sinag ng araw sa kurtina.

Agad akong naligo at bumaba na. Mabuti na lamang at wala akong morning sickness, kaunting hilo lang.

Sa hagdan palang ay amoy na amoy ko na ang niluluto. Amoy adobo!

"Good morning, buntis! Wait lang, malapit na 'tong maluto!"

"Morning,"

"Kumusta? Hindi ka ba nagsusuka?"

Umiling ako.

"Cravings?"

Napaisip ako. Wala naman akong gustong kainin, pero... parang biglang gusto ko nang mangga at alamang?

"Mangga at alamang?"

"'Yon lang ba?" Tumango ulit ako  "Maraming alamang dito. Pupunta ako sa bayan mamaya, gusto mo bang sumama? O magpapahinga ka na lang?"

Gusto kong makarating doon pero tinatamad naman akong kumilos.

"Dito nalang ako."

Tumango siya at pinatay na ang apoy.

"Kung gusto mo pagdating ko, papasyal tayo."

"Okay."

Sariwa pa sa akin ang ginawa ko kagabi. Naiinis ako sa sarili ko tuwing dadaan iyon sa isip ko. Paano kung hindi ako nasagip ng lalaking 'yon at nalunod? Paano na ang baby ko? Wala naman siyang kasalanan. Kung may dapat mang sisihin dito ay kaming dalawa ng kanyang ama dapat 'yon.

Bakit ko sasayangin ang huling bagay na naiwan sa akin ng lalaking mahal ko? 

That Razam guy is right. This baby symbolize my love for him. My wrong love for him but this baby make me feel like it's right.

Pero isang bagay lang ang alam ko sa ngayon, hinding hindi ako muling magpapakita sa kanya. Kung kailangan kong magtago sa pinakasulok ng mundo gagawin ko huwag niya lang akong mahanap, gusto ko munang maka move on. Gusto kong humarap sa kanya na wala na akong kahit katiting na nararamdaman para sa kanya.

Natapos kaming kumain at busog na busog ako dahil sa adobo ni Rina. Pagkaalis niya ay saka naman ako lumabas ng bahay.

Agad akong sinalubong ng maalat na hangin.

I taste a bitter taste on my mouth. Kung hindi niya ba hinanap ang kapatid niya, mananatili ba kami sa relasyong 'yon?

I am Aliza Arellano and not Nhicalli Acasio. But in my heart I am Calli at hindi mababago 'yon kahit kailan at kahit anong mangyari.

Humiga ako sa isang sun lougage, enjoying the view. I want to relax. I was stress this past month.

"Kumusta na? Di ka na ba magpapakamatay?" Napabangon agad ako dahil sa boses galing sa likod ko.

Ah. The Razam guy.

"I-Ikaw pala."

"Iniisip mo ba kung paano ulit magpapakamatay?" His brows shot up kaya inirapan ko siya.

"Thank you pala kagabi," hinaplos ko ang wala ko pang umbok na tiyan.

Tumawa siya. What is his problem? "Ah! Hindi ka na magpapakamay? Mabuti!"

Umupo siya sa kabila bago humarap sa akin. Are we close?

"Huwag mo nang isipin yung lalaking 'yon-" agad ko nang pinutol ang sasabihin niya.

"Excuse me, Mr., thank you for saving me and my baby, but you dont have to meddle with my personal issue. We're not close."

Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko hanang tumatawa. He's geting into my nerves.

"Easy! Ang sungit mo naman, Miss Preggy!"

"What did you call me?" Ngayon ko palang siya nakausap ng matino pero alam kong nakakabiwisit siya! Parang ibang tao ang kausap ko kagabi. Does he have a disorded? DID?

He's annoying. Hindi ko alam kung dahil ito sa pagbubuntis ko o talagang nakakairita siyang tao.

Tumayo na ako at pumasok sa bahay ng hindi man lang siya nililingon.

Matutulog nalang ako habang wala pa si Rina kaysa pakinggan ang sasabihin ng feeling close na Razam guy na yun.

Agad na lumipas ang mga buwan. Hindi ko na rin namamalayan, noon ay iniisip ko kang magpakamatay ngayon naman ay halos hindi na ako makatayo dahil sa laki ng tiyan.

Kabuwanan ko na ngayon, talaganh malaki na ang tiyan ko kaya hindi na ako masyadong makagalaw.

Kinakabahan ako, this is my first time. Hindi muna namin inalam kung babae ba o lalaki ang anak ko. Gusto namin na surprise.

Sa ilang buwan ng pagbubuntis ko ay ako lang mag-isa, minsan ay dinadalaw ni Razam, na naging kaibigan na namin, kapag wala siyang trabaho sa hotel. Nasa Manila si Rina dahil nag-aaral pa siya kaya umalis agad dito at bumibisita nalang tuwing walang pasok. At noong makagraduate na noong isang buwan ay umuwi siya dito.

"Is he or she?" Agad kong tanong kay Rina pagkapasok palamang niya sa aking kwarto karga karga ang aking anak. Malapad ang ngiti niya.

"Ang cute cute, Calli! Manang mana sa akin!" Umirap ako sa hangin.

Siya ba ang ina?

"Rina! Babae ba? Lalaki?"

"Kasing ganda ko nga, Calli!"

Babae.

"G-Girl?" Maingat niyang ibinigay sa akin ang baby ko. Mamula-mula at maputi ang kanyang balat. Malusog na bata.

"Kamukhang-kamukha mo! Mata lang yata ang nakuha sa ama niya!" Maingay niyang sabi.

Tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang mahimbing niyang pagtulog.

"I-Is she my daughter... or my n-niece?" I asked.

-

Unconditionally Loving You (Loving you Series 1)Where stories live. Discover now