PAGKATAPOS e-serve ang mga pagkain ay agad na bumalik si Illyza sa counter. Kakadating palang niya nang mabilis na lumapit sa kanya si Mihira.

"Illyza! Oh my gosh, nakita ko ang pamangkin ni Señora asa parking area kadarating lang. Ang gwapo niya talaga!" Naeexcite nitong sabi. Tamad niyang tinignan ito. Heto na naman sila sa lalaking 'yon. "Halika chance mo na siyang makita!" Hihilahin na sana siya nito nang mabilis siyang umatras.

"Ano ba Mihira, may boyfriend kana umaakto ka pading ganito?!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata pagkatapos ay mabilis na lumingon sa likod. "At saka, nasa trabaho tayo pigilan mo ang sarili mo!" Bulong niya pero inikutan lang siya nito ng mga mata.

"Ano ka ba!" Tinapik siya nito sa braso. "Hindi ko siya gusto! Gusto ko lang na makita mo malay mo magustuhan mo, edi wow!" Balik na bulong nito.

Naningkit ang kanyang mga mata. "Sa tingin mo may panahon pa akong tumingin sa ibang lalaki? Buong araw nagtatrabaho ako at sa gabi inaalagaan ko ang anak ko. Wala na akong panahon diyan! Baka sa totoo e babaero pala 'yan. Ayokong mapasali sa listahan ng mga babaeng nababaliw sa kanya."

"Grabe ka naman makajudge! Malay natin hindi siya babaero at baka magkita kayo magkagustuhan pa kayo sa isa't-isa, edi may daddy na si Amarah!" Tinaas-baba pa nitong ang kilay.

Umiling-iling siya. "Managinip! Lokohin mo 'ko! Ang ganyang klaseng lalaki? Mayaman, maganda ang katawan, matangkad, gwapo— sabi mo, walang babae? Sos, madaming nakapila diyan hindi natin alam gabi-gabi pa!"

Pinadilatan siya nito ng mga mata. "Ay hala! Grabe kana makajudge te hindi mo pa nga iyon kilala!"

"At wala akong balak kilalanin, magpopokus nalang ako sa anak ko mas masaya."

Nginitian siya nito na parang may intensyon nang biglang haklitin nito ang pulsuhan niya, nanlaki ang kanyang mga mata. She don't want to create trouble kaya sumunod nalang siya rito.

Pero laking ang pasasalamat niya nang may madaanan silang table. The couple stopped them and asked for a glass of water.

She smirked at kinuha ang kamay mula sa pagkakahawak nito. She smiled tightly and raises her brows to her. Walang nagawa si Mihira kundi hayaan siya.

Tumalikod siya at naglakad palayo. Inaamin niya medyo nacucurious siya sa itsura ng lalaki dahil sa mga papuri ni Mihira rito. He must be very handsome dahil nakuha nito ang atensyon ng babae. Dalawang buwan na siya rito sa restaurant pero hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makita ang lalaki lalo na sa kapatid ng Señora. Sa tuwing nandito ang isa sa kanila palaging may dahilan para hindi niya sila makita.

Huminga siya ng malalim, makikita niya rin sila hindi man ngayon baka sa susunod pang mga araw.
















"New day, new beginning! Yeheyy! Thank God it's Sunday, day off day!"

Pakanta-kantang sabi ni Mihira. Napangiti si Illyza, sobrang jolly nito.

"Pasyal tayo," masayang sabi nito at umupo sa tabi niya sa sofa. She's now breastfeeding Amarah.

"Sa'n?"

"Sa World Plaza, shopping ng kunti gala ng marami..." Mihira wiggled her brows. "Sige na Illyza, isang beses na ngalang sa isang linggo ang day off natin hindi mo pa mapagbigyan. Boring na masyado dito, minsan lang naman 'to kaya tayo na!" Pakiusap nito.

Well, Illyza smiled and nodded.






Nang makarating sa mall ay nagtungo agad sila sa sinehan pagkatapos ay nagshopping. Nasa children's wear sila nang may mahagip ang mga mata ni Illyza sa labas.

SERIES 2: Trapped In SadnessWhere stories live. Discover now