Tatay!

Kung pwede lang saktan ang ama niya ay gagawin niya pero dahil mabuti siyang anak ms pipiliin niya na lang na saktan ito sa isip dahil sa sinabi nito.

"H-huwag kang maniniwala sa kanya." Wika niya. Hindi siya makatingin rito ng deretso sa mata dahil sa kahihiyang sinabi ng ama niya. "Hindi yun totoo."

"Oh, really?" Tanong nito na halatang hindi kumbinsido. "Let me ask him again later."

"Subukan mo." Banta niya rito at pinisil ang ilong nito. "Ako mismo ang iitak sayo."

"Kaya mo?" Parang naghahamon na wika nito. "Do it. Pero magbabayad ka kapag ginawa mo yun."

"Ewan ko sayo." Ginamit niya ang buong lakas upang baklasin ang kamay nito sa bewang niya saka umalis ng pagkakakubabaw rito. "Bumangon ka na riyan."

Nakangiting lumabas siya ng kwarto nito. Nakita niyang pumasok ang ama niya sa loob ng kusina kasama si Kera at sumunod naman si Yako kaya nagtungo na rin siya sa kusina.

"Magandang umaga, Nay." Nakangiting bati niya sa ina at nilapitan ito saka hinalikan sa pisngi. "Si Lucas ho?"

"Baka palabas na rin iyon." Sagot nito at tinuro ang upuan. "Maupo ka na at kumain."

"Good morning ho." Napatingin siya sa pinto saka nginitian si Lucas nang magtama ang tingin nila. "Pasensya na ho ngayon lang ho ako nagising."

"Hay nako, ayos lang iyon alam naman naming pagod kayo sa byahe." Wika ng ina niya saka pinaupo ito sa upuang katabi niya. "Sanie, nasaan na ang amo mo?"

"Magandang umaga sa lahat." Hindi na niya kailangang tumingin sa pinto ng kusina dahil alam na niya kung kaninong boses iyon. Kahit kailan naman ay ito lang ang may boses na kasing ingay ng batang hyper.

"Iho, maupo ka na rito." Ani ng ama niya habang nakaturo sa upuang nasa gilid niya. Nasa kaliwang bahagi niya si Lucas at ang bakanteng upuan nasa kaliwa naman niya. "Halika ka na at kumain."

Tumango ito at naupo sa tabi niya. Iyon na yata ang pinaka-awkward na umagahang nangyari sa kanya. Masayang nakikipag-usap si Xylyx at Lucas sa pamilya niya pero ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

Ayaw niya mag-assume pero parang kailangan na niyang magpaputol ng buhok. Sinulyapan niya si Lucas na maganang kumakain at sinulyapan niya rin si Xylyx na nakikipag-usap sa ama niya na may ngiti sa labi.

Napangiti siya dahil sa ngiting nakasabit sa labi nito. Everytime he's happy, it makes her heart melt. Its an overwhelming scene for her.

Nang matapos silang kumain, lahat sila ay nagkanya-kanyang pasok sa kwarto upang mag-ayos. Ang kapatid niyang si Kera ay naligo at si Yago naman ay nagbibihis na.

Isang oras na lang ay magsisimula na ang graduation ng kanyang kapatid kaya naman kailangan na nilang mag-ayos. Lumipas ang ilang kalahating oras, lahat sila ay ayos na.

Kung hindi kasalanan ang pagnanasa, kanina niya pa siguro pinagnanasaan si Xylyx na super hot sa suot nitong simpleng black shirt with leather jacket at faded na pantalon.

What a hot man it is.

"Ate, sinong mas gwapo sa kanila?" Bulong na tanong sa kanya ni Kera habang papalabas sila ng bahay. "Si Lucas o si kuya Xylyx?"

"Manahimik ka nga, Kera." Aniya at mahina niya itong pinalo sa likod. "Pareho silang gwapo, okay? Nangibabaw lang si Xylyx."

"Yiiieee! Si Ate." Tukso sa kanya ng kapatid. Napatingin naman siya sa paligid dahil sa malakas nitong pagsigaw. "Akin na lang yung isa, Ate, ha?"

Capturing Her HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora