"May alam ka ba kong bakit nasa baba ang parents ni Julliana?" Pinapawisan na ako sa pagtatanong pa lang sa kanya. Naiisip ko kasi baka ma misunderstood niya.

"Yeah, but gusto niya na siya ang mag sabi sa inyo. Don't worry she's gonna be fine, okay?" I smiled tapos ay nag sketch nadin ako sa isa sa mga notebook niya. If may masamang nangyari for sure sasabihin naman sa amin yon ni Eli, she's not the type of pf person to lie about what's happening around her well except things about her family.

Ganon din naman ako, there are things I'm not saying to them kasi hindi na naman kailangan. It's part of my past already at mananatili lang yon don.

Natapos ang mag hapon pero hindi na talaga bumalik si Julliana sa room. Magkakasabay kami nina Aaron ngayon paglalakad, may practice nang graduation ngayon sina Clyde kaya nag presinta na ako na hindi ako sasabay kasi gagabihin lang siya kong ihahatid pa ako.

Kahit hindi ko pa na meet ang pamilya niya ayaw ko naman na isipin nila na hinahayaan ko lang si Clyde na ihatid sundo ako kahit alam ko na gagabihin na siya.

Nasa tapat kami ngayon nang guidance counselor hindi kasi talaga mapakali si Aaron, pakiramdam niya may nangyari kaya hindi na nakabalik si Julliana.

"Let's just go, Julliana's fine" Paulit ulit na yang sinabi ni Eli pero hindi nakikinig sa kanya ang mga kaibigan ko.

"Kong okay siya bakit hindi na siya bumalik diba?"

"She got it; she can do it just trust her"

"Trust her from what? Can you just tell us what's happening Eli? Kasi hindi naman kami mapapakali kahit sabihin mo na ayos lang ang lahat"

"Okay, just calm down and let sit first" Nakinig naman sila kaya nag punta kami sa pinaka malapit na pwedeng upuan at agarang tumingin kay Eli na huminga nang malalim.

"Tita's aware of what happened between the Contreras twins and to us. Julliana tried everything para hindi nila malaman but at some point, nag sumbong ang mga bodyguard niya kay Tita at galit na galit si Tita especially nalaman niya na dahil doon hindi tinanggap nang school at council ang certificate of candidacy ni Julliana and to make the story shorter nag punta sila dito ni Tito para mag reklamo sa pagiging unfair nang school towards their daughter" Eli awkwardly smiled to all of us after spilling that. If Julliana's parents are aware sure ako na hindi talaga sila papayag sa nangyari.

Savannah should not do it in the first place. Ako naman ang kaaway nang kapatid niya kaya hindi niya dapat dinamay pa si Julliana sa lahat nang to.

Agad akong tumayo at nagtatakbo palabas nang school. Tinatawag nila ako pero hindi ako tumigil nag patuloy lang ako hanggang sa makasakay ako sa tricycle.

Kailangan kong mag paliwanag sa magulang ni Julliana, walang ibang ginagawa si Julliana kong hindi maging mabait at hindi niya deserve ang ginawa nina Savannah.

Sinabi ko sa tricycle driver ang address ni Julliana at buti na lang ay alam nito ang papunta. Isang beses pa lang ako nakakapunta doon at siguradong mahihirapan akong makapasok ngayon dahil sa dami nang security, bahala na basta kailangan ko silang makausap.

After the ride ay nag bayad ako at tumambad sa akin ang napakataas na pader at gate nang bahay nila. Kita ko din ang napaka daming guard na nakapalibot dito.

Nanginginig ako habang naglalakad ako palapit nang gate. Hinarang ako nang guard bago pa man ako makalapit nang sobra.

"Anong kailangan mo?"

"Ah... kaibigan po ako ni Julliana, gusto ko lang po sanang maka usap si Governor Meneses" Tiningnan ako nito na parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero maya maya din naman ay may tinawagan siya mula ata sa loob. Makalipas ang ilang minuto nilang pag uusap ay pinapasok niya ako at pinasakay sa sasakyan na hindi ko alam ang tawag.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now