Amari's Love - Part 1

Start from the beginning
                                    

"Nasaan na sila ngayon?" Mapait na tanong ko sa kapatid. Wala na sa akin ngayon ang ginawa ng magkaibigan na iyon. Matagal ko na silang napatawad pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang sakit na ibinigay nila sa akin.

"After a year, Harlyn left the country and settled there for good. And Zsamira, she died. Cancer."

"Oh my God!" gulat na bulalas ko at napailing na lamang. Marami na talagang nangyari sa nagdaang anim na taon. Everything changed now. Ako na lang yata ang hindi nakakausad tungkol sa nakaraan namin.

I sighed.

"Everyone made a mistake. Everyone suffered. Hindi lang ikaw, Amari."

Hindi ako nakapagsalita at pinagpatuloy na lamang ang pag-inom. At noong nakaramdam na ako ng kaunting pagkahilo, sumandal ako sa may kama ko.

"Siguro nga sa una pa lang ay mali nang mahalin si Von Sirius," nahihirapang sambit ko at ipinikit ang mga mata. "Siguro kung hindi ko pinagsiksikan ang sarili ko sa kanya, siguro'y hindi magkakaganito ang lahat. Wala sanang masasaktan kung tinanggap ko na lang ang kapalaran ko noon."

"Katumbas ng pagmamahal ang masaktan, Amari. And no, hindi mali ang mahalin si Von. Hindi mo kasalanan iyon. I know Zsamira for a long time. Von doesn't love her the way he loves you. Magkaiba ang pagmamahal na ipinakita at ibinigay nito sa inyong dalawa."

"Love." Napaayos ako nang pagkakaupo at binalingan muli ang kapatid. "All I wanted was to be loved but I got pain, heartaches and loss. Mukhang hindi para sa akin ito."

"Amari-"

"Sa tingin mo ba... mahihintay pa ulit ako ni Von?" tanong ko na ikinatigil ni Adliana. "Kung hindi ko ito pagbigyan ngayon sa nais niya, titigil ba ito sa paghihintay at pagmamahal sa akin?"

"Anim na taon na itong naghintay sa'yo, Amari. Sa tingin mo ba hindi magagawa ni Von na maghintay ulit? Amari, you're the love of his life. He can do that for sure." Ngumiti si Adliana sa akin at muling uminom. "So, nakapagdesisyon ka na?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tinanguhan si Adliana.

Kanina pa ako nakapagdesisyon at dahil sa pag-uusap namin ngayon ng kapatid ko ay mas naging sigurado na ako sa desisyon ko.

I will do this.

Ito na lamang ang magagawa ko para sa aming lahat.

Panay ang mura ko noong magising ako kinabukasan. Hindi ko alam kung ilang bote ng wine ang naubos naming dalawa ni Adliana. Napahaba ang naging usapan namin kaya naman ay nagpakuha pa ito ng inumin sa kasambahay namin. Late na rin kaming natapos kaya naman ay tinanghali na ako ng bangon. At kagaya ng inaasahan ko, sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hang-over.

"Damn it!" bulalas ko noong matapos na akong maligo at lumabas na sa banyo. Panay ang hilot ko sa sintido ko at noong mamataan ko ang kung sinong nasa loob ng silid ko, mabilis na napakunot ang noo ko.

"Xavi?"

"Sorry pumasok na ako. Panay ang katok ko kasi kanina. Hindi ka sumasagot man lang kaya akala ko kung ano na nangyari sa'yo." Paliwanag nito sa akin na siyang ikinatango ko na lamang. "Nag-inuman kayo ni Adliana? Kayong dalawa lang?"

"Ewan ko ba sa kapatid ko na iyon," naiiling na sambit ko at pinagpatuloy ang paghilot sa noo ko.

"Next time, isama niyo si Sasa." Natatawang sambit nito na siyang ikinatigil ko.

"Where's Sasa by the way?" Tanong ko at niligpit ang ilang kalat na naiwan naming kagabi ni Adliana

"She's busy. Abala ito ngayon para sa kasal namin. We finally have a date for our wedding," anito na siyang ikinatuwa ko.

"Oh my God! Congratulations, Xavi!"

"Thank you, Destiny," nakangiting tugon nito at matamang tiningnan ako. "How about you and Von? Nakapag-usap na ba kayong dalawa?"

Natigilan ako sa naging tanong ni Xavi. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago sagutin ang tanong nito.

"Alam na niya ang totoo. Sinabi ko na sa kanya ang lahat-lahat."

"That explains why he fvcking punched me last night," anito na siyang ikinatigil ko.

"Sinuntok ka niya?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"Oo." Kita kong napangiwi ito at napailing na lamang. "He kept on asking why I didn't tell him about your pregnancy."

"Jesus!"

"And I told him that he was an asshole back then. Iyon naman talaga ang rason kung bakit hindi ko ito ipinaalam sa kanya. And... and I respect your decisions back then. Alam kong may dahilan ka kaya naman noong makita ka namin ni Sasa sa New York, hindi ko pa rin ito magawang sabihin sa pinsan ko."

"Kahit sabihin mo naman na nakita niyo ako sa New York, wala rin namang mangyayari. Hindi pa bumabalik iyong mga alaala ko noon, Xavi. Hindi ko pa rin naman makikilala si Von kung nagkataong pinuntahan niya ako."

"Pero ngayon Amari, may magbabago na, hindi ba?" matamang tanong nito na siyang ikinatigil kong muli. "Ngayong nagbalik na ang lahat ng alaala mo, may pag-asa pang maayos ang lahat sa inyo ng pinsan ko, hindi ba?"

"Xavi-"

"Tiniis ko siya noon, Amari, dahil alam kong dapat nga itong magdusa sa ginawa niya sa'yo. He suffered, just like you. Nasabi na ba niya ang aksidenteng kinasangkutan niya habang pilit na hinahanap ka?"

Bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko.

"Aksidente?" Naguguluhang tanong ko dito. "Wala... walang nabanggit si Von sa akin na naaksidente ito."

"Such a coward," sambit muli ni Xavi at matamang tiningnan ako. "Naaksidente ito at ilang buwang hindi nakalakad dahil sa injuries nito. Kung hindi ko pa ito kinulit noon na gawin ang therapy niya, tiyak kong hanggang ngayon ay nasa wheelchair pa rin."

What?

"Naaksidente ito dahil sa akin?" Napaatras ako. "Nangyari iyon kay Von?"

"Hindi iyon dahil sa'yo, Amari. Na-aksidente ito dahil sa sariling kapabayaan niya. He almost gave up."

"That was the same thing, Xavi. Dahil sa paghahanap sa akin, na-aksidente ito!"

"Kung iyan ang pagkakaintindi mo sa nangyari, then, go," aniya at hindi pa rin inaalis ang matamang titig sa akin. "Now tell me. Gagawin mo rin ba ang ginawa niya noon sa'yo, Amari?"

What? Anong ibig sabihin nito sa tanong niya?

"Will you give him up, too?"

I froze.

Give up.

Can I really give up Von Sirius?

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now