Para akong baka na naghahabol ng hininga ng walang modo akong pumasok sa SSG office at naabutan si Leander. Kulang nalang siguro ay lumawit ang dila ko ngunit naitikom ko ito ng makitang puro lalaking member ng government ang nasa likod niya ngayon at nakatitig sa akin habang kumakain.



"Leander!"



"Oh Sunshine. What's wrong?"



"Good afternoon-este good evening na ata sa inyo!" Awkward ko silang binati dahil halos lahat naman sila ay kilala ko bago ako muling bumalik kay Leander. "Uy Leander! Sorry sa istorbo pero kailangang kailangan ko ng tulong mo!"



Hindi na ako nagsayang ng oras para magpaliwanag at hinila siya papunta sa surveillance room. Doon ko na lang in explain sa kanya kung anong nangyari dahil nagkataon din na maraming estudyante ang nagrereklamo tungkol sa nawawala nilang gamit. Medyo natagalan bago masimulang i-check ni Kuya Guard ang mga kuha ng CCTV around sa oras na nawala ang phone ko.



Hindi ko nga alam kung lalamunin na ba ako ng hiya ng makita ko ang reaksiyon ng mga kasama ko. Palihim kasing nagbubulungan yung ibang estudyanteng nakikiusyoso kasabay ng naririnig kong pagpipigil ng tawa ni Kuya Guard.



"Akala ko magnanakaw lang ang makikita ko ngayon. I didn't have any idea that I will be seeing sweet highlights of your day." Napahawak si Leander sa baba niya at naningkit ang mga mata sa monitor.



"O-Oy Leander! Walang sweet diyan no! Anokaba!" Sinulyapan ako ni Leander at binigyan ako ng nangiintriga na look bagong muling nagfocus sa monitor.



"Wag mo ng itanggi. Kuya Guard and the rest can totally give a conclusion what you both feel for each other." Kinalabit ni Leander si Kuya Guard at tinignan ang mga estudyante sa likod na para bang naghahanap siya ng makakakampi sa pagpapahiya sa akin. "Am I right everyone, Kuya?"



"Nako bata. Ganyan din kami ng misis ko noon. Wag mo ng itanggi dahil kitang-kita naman sa mga mata at kilos niyo." Humalakhak si Kuya Guard na mas nagpapula ng pisngi ko. "Kaso lang hindi ako parehas niyang kaibigan mo. Hindi ako torpe, nagtapat kaagad ako sa babaeng gusto ko!"



"Wow! Lodi ka talaga Kuya Guard!"



Napahilot nalang ako sa sentido ko ng magsimula ng magkantsawan na ang mga estudyante at sinimulang magkwento ni Guard sa talambuhay niya. Mabuti nalang talaga at wala pa dito si Hanson dahil baka kung ano ng isipin ng lalaking yun. Baka pagtripan niya nanaman ako tulad nung insidente sa swimming pool.



Natigil lang sa pagdaldal si Kuya ng dumating na sa part kung saan tapos na kaming kuhaan ni Poli ng pictures ni Hanson. Kitang-kita sa footage na may bumangga sa aking lalaki na mabilis na nagpapitik sa aming tatlo.



Jackpot. Pagkatapos ng banggaan namin ay dun ko lang na realize na wala na yung phone ko! Siya lang ang number one suspect dahil wala naman ng ibang umaligid sa akin pagkatapos ng pagpasok ko ng cellphone sa bulsa ko.



"This is the reason why I didn't want the school gates to be open. The Government didn't bother to hear my side kahit na alam nilang marami talagang nangyayaring nakawan kapag ganito ang mga event." Napakamot sa ulo niya sa Leander na para bang frustrated na siya dahil sa nangyari.



"Hindi niyo talaga mapipigilang mangyari ang mga ganito bata. Kailangan niyo lang talagang maging maingat sa pagbabantay ng mga gamit niyo para hindi kayo manakawan." Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya Guard. Parang tinamaan ako doon sa part na naging burara nalang ako sa gamit ko.



Ang tanga ko nga siguro talaga para ilagay sa bulsa ko yung cellphone ko kahit na hindi naman pare-parehas ng mindset ang lahat ng mga taong nasa paligid ko. Haist. Kailan nga ba ako matututo?



A Little Bit of SunshineWhere stories live. Discover now