LTSC||ELEVENTH

Magsimula sa umpisa
                                    

“It’s okay. It’s going to be okay, hindi natin sila bati, okay?”

Halos kalahating oras akong umiyak sa bisig ni Shin. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya at isa-isa silang pinagmasdan. Nginitian akong bahagya ni Kuya Devin nang mapadako ang paningin ko sa kanya.

“I’m sorry, Kim, kung alam ko lang--”

“Wala kang kasalanan, Kuya,” pagputol ko sa sasabihin niya. “Wala kayong kasalanan. Wala akong sisisihin sa inyo, pinasok ko ’to,” garalgal kong sambit, I almost lost breath. “T-tama naman sila, e, masyado akong desperada.”

“Kim! Huwag mong sasabihin ’yan! Hindi totoo ’yan!” galit na sambit ni Shin.

Munting napailing ako.

“Ayan ganyan! Sabihin mo sa akin sino nagsabi sa ’yong desperada ka at kutkutin ko utak niya!” banas na sambit ni Shin, hinila naman siya paupo ni Laley.

“Hindi pagiging desperada ang magmahal, Kim,” mahinahong sambit ni Isabel. “Huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba.”

“Tama si Isabel, Kim. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka, normal lang ’yon,” pagsunod ni Laley, “Javin gave you access to be with him, he gave you access to be in his life. You are not desperate.”

Marahang hinaplos ni Shin ang buhok ko. “Kami ang saksi ng lahat iyon, Kim, ang genuine ninyo, e! Kakapal ng mukha nilang sabihan ka ng desperada! What with those people, haist!”

“Don’t worry, I’ll take legal action,” Kuya Devin reassures me. “Tell me if you need anything. Security, lawyer, anything, Kim.”

“Ako ba bahala sa mga hater mo! Puputok talaga labi ng mga ’yon kapag sinaktan ka nila physically and emotionally!” malakas na tinig ni Shin.

Them. God. Hindi ko alam gagawin kong pagpapahirap sa sarili ko kapag wala sila rito ngayon sa tabi ko.

“Oh, gift mo!” paglahad sa akin ni Ben sa malaking bagay, nakabalot iyon sa malaki at manipis na kahon. Kararating niya lang din. “Ako ang nagbigay ng pinakamalaki at pinakamahal na gift sa ’yo, hindi ka man lang ba mag thank you?” tudyo niya bago ilapag ang regalo sa kabilang sofa.

Hindi ko siya sinagot.

“Thank you, ha, Kim, salamat naman at na-appreciate mo gift ko!” sarkastikong sambit niya at parang tanga pa itong tumawa. “Ang pangit mo bumusangot, sa totoo lang.”

“Hey! Be gentle with your words,” sabad ni Kuya Devin, hindi nakaiwas sa akin ang pagbatok niya kay Benedict.

“Kj mo naman, pinapatawa ko lang isang ’to. Sige at samahan ko muna si Laley kumain sa may kitchen, huwag kang matuwa sa gift ko, Kim, ha?”

Napabuga akong hangin.

“Ano ba handa ng pinakamagandang best friend natin?” dinig ko pang tanong niya. Psh.

Isiniksik ko ang sarili sa dulo ng sofa at parang walang buhay na tumunganga sa kawalan.

We’re here.”

Hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako dahil ayokong masanay sa ganoong presensiya niya. Mabilis akong lumabas ng sasakyan niya. Hinintay ko lang na ilabas niya ang maleta ko sa likod ng kaniyang kotse.

“Here’s your things.”

Inabot ko ’yon.

“I’ll clear your name, hindi ka dapat nadadamay sa issue ko. I’m sorry.”

Napaiwas akong tingin nang magtama ang paningin namin.

“Aalis na ako, Jane,” matamang sambit niya, halos pabulong iyon. “Ako na bahala sa lahat, just take care of yourself. Please...”

Let The Song CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon