Lumingon lingon ulit ako sa paligid nagbabakasakaling makita si Cael at Veigne.
Naglakad lakad ako para magpahangin narin.

Babalik na sana ako sa bahay na tinuluyan namin nang makita ko si Cael kausap si Veigne. Gusto ko na sana maglakad at bumalik sa bahay pero parang ayaw makisama ng paa ko. Para bang pinipilit ako na makinig sa pinagu-usapan nilang dalawa.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na nagtatago at nakikinig sa pinagu-usapan nila. Pinupunasan ni Cael ang pisnge ni Veigne. Umiiyak s'ya.

Tumahan naman si Veigne sa pag-iyak at ngumiti kay Cael. Ngumiti naman pabalik si Cael sa kan'ya. Buti pa s'ya concern kay Veigne hmp.

Hindi ko naman s'ya masisisi. Alam naming lahat na matagal ng gusto ni Cael si Veigne. Ewan ko ba kung anong nagustuhan n'ya sa bastardang babaeng 'yan. Nagf-feeling reyna kasi si Veigne sa pinapasukan naming University although mabait s'ya kay Cael at sa iba naming kaibigan pero saakin hindi.

Animoy may ginawa ako sa kan'yang masama at para bang sinusumpa n'ya ako palagi tuwing nagkakatinginan kami.
Kahit wala naman akong ginagawa sa kan'yang masama. S'ya nga 'yung may ginawang masama saakin tapos s'ya pa ang may ganang magalit. Wow ha, wow talaga.

Aalis na sana ako ng makita kong magkayakap silang dalawa. Ewan ko, pero biglang kumirot yung puso ko ng makita kong magkayakap silang dalawa.

Umalis na ako sa pinagtataguan ko at bumalik sa bahay. Sigurado naman akong hindi nila ako nakita o napansin na nagtatago doon. Imposible, naka focus lang silang dalawa sa isa't isa. Animoy parang wala silang ibang kasama at hindi nila alintana na nakakulong kami sa isang lugar na hindi namin alam.

Katabi ko ngayon si Serenity sa labas ng bahay. Dinala namin sa labas yung mahabang upuan para doon kami umupo at lumanghap ng sariwang hangin.

Nakapatong ang ulo n'ya sa aking balikat at ni isa saamin ay walang nagbabalak na magsalita. Parang ang lalim rin ng iniisip n'ya. Pero hindi ko na s'ya tatanungin tungkol doon.

Huminga ako ng malalim at magsasalita sana ng makita kong paparating sina Veigne at Cael. Muling kumirot ang puso ko. Ang hilig kumirot ng puso ko ngayong araw ha.

Pinagmasdan ko silang maglakad papalapit sa bahay hanggang sa makapasok sila. Nakita ko namang nakatingin din saakin si Cael kaya ako na ang unang bumawi ng tingin. Baka kung ano pa ang isipin n'ya.

Tumingin ako sa langit ni isang bituin ay wala akong makita. "Anong lugar ba ito? At bakit ako nandito?" Bulong ko sa sarili ko bago ko ipikit ang aking mata at isinandal ang aking ulo sa pader.

******

Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa gilid ko. Ala sais palang ng umaga mamaya pang alas otso ang pasok ko sa University.

Humikab ako at inunat ang aking mga braso.
Tumingin tingin ako sa paligid. Tahimik at mukhang natutulog pa ang iba kong kasama sa bahay.

Grabe ang panaginip ko kagabi nasa isang Abandoned Place daw kami. Tapos kasama ko pa ang magbabarkada sa University na pinapasukan ko. Akalain mo 'yon? Kasama ko yung mga sikat sa Paaralan na pinapasukan ko. Talaga naman.

Hindi ako isang scholar. Kung iniisip n'yo na isa akong scholar na istudyante sa University na pinapasukan ko ay nagkakamali kayo. May kaya kami ano, kayo talaga.

Ang weird lang talaga ng panaginip ko kagabi. Minsan hindi ko din alam kung anong pumapasok sa imagination ko e.

Inunay ko ulit ang mga braso ko sa pangalawang pagkakataon. Gusto ko pa matulog pero may pasok pa ako mamayang alas otso hindi ako pwede mahuli sa klase.

Bumangon na ako sa pagkakahiga at inayos ang aking higaan. Binuksan ko na rin ang dalawa kong bintana sa kwarto. Tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Napahikab ulit ako, antok na antok pa ako.

Abounded CityWhere stories live. Discover now