Belle's P.O.V
" Lala, wag nga kasing matigas ang ulo, utos ni Gabb na dito ka lang."
" Di ako mapapakali Mina, baka mapano yung akin ko." At yun na nga lumabas si Ella sa van at agad na tumakbo papasok sa lumang bodega
" ELLA AVRIIIILL!!!!." Haaay
Ella's P.O.V
Hindi ko basta-bastang pababayaan ang akin ko kaya sumugod na din ako dito, hinahanap ko sila.
" Gabb? Akin? nasan ka???."
" Ate Ella, anong ginagawa mo dito?." Pagtataka ni Omar
" Sinusundan ko ang Ate Gabb mo, nakita mo ba sila?." Sambit ko
" Ate masyadong delikado, bumalik nalang po kayo sa Van." Sambit naman ni Jehan
" Hindi! kaya ko toh. wag niyo akong alalahanin." sambit ko at tumakbo palayo sa kanila
Gabb's P.O.V
Hinahanap ko sila hanggang sa makita ko si Abelaine.
" Su-supremo?."
" Gabb, tumakbo ka na sundan mo si Marsela." Sambit ni Abelaine, nagtututukan sila ng baril nga sarili niyang ama
" Ganyan ka ba talaga ka demonyo Supremo? na pati sarili mong anak kaya mong patayin?." Sambit ko
" TRAYDOR SIYA, MATAPOS NG LAHAT, KAKAMPI LANG PALA SA MGA KALABAN??!!."
" PAPA, SUMUKO KA NA PLEASE. MAY PANAHON PA PARA MAGBAGO PLEASE PA." Sambit ni Abby
Nang makarinig kami ng tatlong malakas na putok, napatingin kami kay Supremo na dahan dahang napababa sa sahig. At nakita namin si Sese na may hawak ng baril na ibinaril kay Supremo
" Para yan sa walang awang pag paslang mo sa aking ama at sa lahat ng atraso mo sa bansa!." Sambit ni Sese
" PA!." agad namang tumakbo si Abby sa naghihingalong si Supremo
" Sese, ayos na di na niya kayang lumaban." Sambit ko at kinuha yung baril sa kanya
" Lumayo ka saken, baka ikaw sunod kong mabaril." Nabigla naman ako sa sinabi niya, ano na naman bang kasalanan ko?
" Problema mo na naman ba saken? Marsela NAKAKAPIKA KA NA HA?." di ko napigilan at napagtaasan ko na siya ng boses.
" AKIN!." napalingon naman ako kay Ella.
" Akin, ba't ka sumunod dito?." Sambit ki at lumapit kay Ella
" Nag-alala kase ako sayo.teka si.." Napatingin siya kay Supremo na naghihingalo
" Oo akin, tapos na ang laban." Sambit ko at hinalikan ang noo ni Ella
" Sa wakas." Sambit niya at napayakap sa gilid ko
Lumapit kami kay Abelaine, at nakita naming binawian na pala ng buhay si Supremo.
" Wala na siya Gabo, wala na ang Tatay ko. Wala na rin siyang masasaktan at maaagrabiyadong tao." Sambit ni Abby na umiiyak
" Kahit pano pa siya kasama, Tatay mo pa rin siya, at hindi maipagkakailang minahal ka rin niya." Sambit ko
" Mahal na mahal ko rin ang Papa ko, pero hindi ko na rin kayang makitang buhay na buhay siya at napakasama." Sambit ni Abby
" Mabait naman siya eh, nung nagtatrabaho palang ako sa kanya, napakabait at napakamaunawain niya." Sambit ni Ella
Habang dinadamayan ni Ella si Abby ay napatingin naman ako sa paligid, bigla yatang nawala si Sese, Baka nainis na din yun sa pagtataas ko ng boses sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/263273788-288-k491363.jpg)
YOU ARE READING
HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)
General FictionPanibagong hamon, panibagong Giyera, Handa kaya silang sumulong at sumugal? o mas maiging kanila nilang itong susukuan? Muling Samahan ang pinakamatitinik, magaganda at poging SAF:Sulong at mga iba pang karakter. at mga panibagong karakter na darati...
C14: Huling Bakbakan
Start from the beginning