"Hirap na hirap na kasi akong unawain s'ya!" sumbong ni Bianca. "Pati nga pagiging agent n'ya suportado ko kahit ayaw ko talaga."

"Ano bang sabi?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Ang gulo. Paiba-iba ng desisyon," she replied and cried again. "Bakit kasi ganto? Ngayon gusto niya ako pero mamaya'y hindi na."

"Communication is the key, bitch," mabait kong payo sa kaniya... at para na rin sa akin.

Matapos maglabas ng hinanakit ni Bianca ay sinamahan ko na rin siya sa kwarto. Umalis na rin ako nang makita ko si Leandro na papasok ng dorm niya. Hindi kami nag-usap dahil mukhang nagmamadali siya. Tanging tango lang ang naibigay niya sa akin.

"Sorry for hurting you, mahal."

That was his words before I left completely. Tahimik at problemado kong nilakad ang kahabaan ng Agnes. Hindi ko maiwasang ma-mroblema kay Bianca dahil ngayon lang siya umiyak ng gano'n. She's always the bitch and strong one. Si Leandro lang talaga ang greatest downfall niya.

"Pupa, iniwan mo naman ako!"

Natigilan ako sa aking muni-muni nang biglang may umakbay sa akin. Kaagad akong umirap nang makita ko si Chano. Sisigawan ko pa sana siya pero natigilan ako nang may ibigay siyang bulaklak sa akin.

"W-what's this for?" tanong ko. Binitawan niya ako saka siya pumunta sa aking harapan. Namulsa siya bago paatras na naglakad habang sumasabay sa akin.

"Wala lang," he smiled. "Sumahod ako ngayon, e- aray, Pupa!" aniya nang malakas kong ipukpok sa ulo niya ang bulaklak.

"Bobo!" bulyaw ko. Nakita kong ngumuso siya at nagkamot pa ng batok. "Bakit ginagastos mo ang pera mo sa walang kwentang bagay? Are you nag-iisip ba?" inis kong dagdag.

"Pupa... seryoso kasi ako sa sinabi ko sa'yo!" sigaw niya. Natigilan ako dahil sa gulat. Masama niya akong tiningnan. Kaagad akong napaatras dahil mukha siyang galit. This is the first time that he's mad and serious.

And to be honest... this was his hottest side. I'm sorry but this really is.

"A-ano bang sinasabi mo?" nauutal kong tanong bago ko siya iwan. Mabilis siyang sumunod sa akin, hinawakan niya ako sa braso at pilit na iniharap sa kaniya.

"Liah, seryoso nga kasi!" mariin niyang sabi. Napalunok ako dahil sa sobrang kaba. "Ngayon lang ako naging seryoso! Seryoso nga ako na gusto kita kaya liligawan kita."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Chano. Nanatili ang titig niya sa akin kaya nailang ako, inalis ko ang kamay niya sa aking braso. Humalukipkip ako at umiwas ng tingin, pakiramdam kong nabibingi na ako sa tibok ng puso ko.

"Seryoso ka?" tanong ko makalipas ang sandali. Nanginig ang kamay ko kaya pinagsiklop ko ang mga iyon. Para akong naiiyak na dahil naiinis ako. "Seryoso kang magkakagusto ka sa taong peke, abandonado, at masama ang ugali?"

"E, ano?" agap niya. "Does love only required to good people-"

"Chano, wala akong pamilya-"

"Ako! Pamilya mo ako! Hati tayo sa magulang ko kung gusto mo!" putol din niya sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at pilit na ipinaharap sa kaniya. "Handa akong makipag-ayos sa daddy ko kung tunay na pamilya ang gusto mo, Liah. I'll share my family to you."

"Feliciano," umiiyak ko nang sabi. Humikbi na ako dahil parang kanta ang mga sinasabi niya. Pakiramdam ko'y lilipad ako dahil napaka-puro noon... pero napaka-sakit din.

"If you're thinking that it's still Chantal, you're wrong," said he. Bumuntong hininga siya at muli akong binitawan sa kamay. "Nito ko lang din nalaman. Noong... umuwi akong lasing."

A Martial's Query (Saint Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon