KABANATA 1:PANAGINIP

20 0 0
                                    

Tumatakbo ako sa napakadilim na pasilyo habang may humahabol sa akin na isang nilalang na hindi ko mapangalanan, isang aso na hindi pangkaraniwan ang laki, mahahaba ang mga mapuputi at makikintab nitong buhok, napakalaki at napakatalas ng kanyang mga pangil, kulay green ang nasa gitnang bahagi ng kanyang mga mata na katulad ng ahas at kulay asul naman ang pumapalibot sa pinakagitnang bahagi, may tatlo itong buntot at napakaamo ng kanyang mukha ngunit mas nangingibabaw saaking kalooban ang takot na mahuli ng nilalang na ito.

"TULOOOOONNNGGG,  TULUNGAN NIYO AKO" malakas kong sigaw habang tumatakbo, umaasang mayroong makakarinig saakin at ako'y tulungan ngunit bigo ako. Walang bintana at pintuaan ang bumukas na tila walang mga tao ang nakatira sa lugar na ito.
Nagdadasal ako na sana hindi ako maabutan ng napakalaking aso.
May nakita akong isang pintuan na nakabukas at walang pag-aalinlangang pumasok at dali-dali kong isinara ang pintuan sa pagaakalang hindi na niya ako masusundan.

Sumilip ako sa maliit na butas na naroon sa pintuan ngunit hindi kona maaninag pa ang napakalaking aso.Hindi man tuluyang nawala ang aking pangamba at takot ay nabawasan naman ito nang makitang wala nanga ito.

Tumalikod ako sa pintuan at umupo dahil sa sobrang pagod ko sa pagtakbo. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi ako nito naabutan na kung nagkataon ay marahil bali bali na ang mga buto ko.

Maya maya pa ay biglang lumiwanag ang paligid at unti unting lumitaw ang kani-kanina lang ay asong aking tinatakasan,  sa aking sobrang pagkagulat ay napatulala nalang ako at dina nakatakbo pa.

Pinagmamasdan kong lumapit saakin ang napakalaking aso habang nakikita ko sa kanyang mga mata na wala itong balak na masama saakin.
"Huwag kang matakot sa akin, Ellah" kinakausap ako nito gamit ang aking isipan. "Malapit na ang nakatakda" dagdag nito.

"Si...s.ino ka? A.anong nilalang ka at bakit moko kilala?" kahit sa isipan lang ay nagkanda utal-utal ko paring tanong. Nagtataka kung bakit kilala niya ako at kung bakit ang isang hayop ay marunong makipag-usap gamit ang kanyang isipan.

"Ako ay ikaw, ikaw ay ako" sagot nito.
Hindi ko maunawaan kung ano ang nais niyang sabihin sa ako ay ikaw, ikaw ay ako. Maraming mga katanungan ang nais kong masagot.

"Anong ibig mong sabihin?" maya-maya pay tanong ko.

"Ang mga kasagutang nais mo ay nananalaytay sa dugo mo" matapos niyang sambitin ang mga bagay na iyan ay unti unti itong naglaho na parang bula at biglang dumilim ang paligid.

Pagkaliwanag ng kapaligiran ay mukha ng aking ina ang bumungad sa aking mga mata. Ang kaniyang mga mata ay kakakitaan ko ng pag-aalala. Nang tignan ko ang aking sarili ay basang-basa na sa sariling pawis habang nakahiga sa aking kama.
Panaginip lang pala ang lahat, tulad ng  nagdaang  buwan ay lagi akong dinadalaw ng isang napakalaking aso sa aking panaginip.

"Anong nangyayari sa iyo? Nananaginip kana naman ba anak?" nagaalalang tanong ng aking ina.

Tumango ako sa kanya na tila hindi pa nagrerehistro sa aking isipan ang mga napanaginipan ko kanina. Kung nuon ay hindi ako kinakausap ng aso sa aking panaginip ngunit ngayon ay kinausap na ako nito. May kinalaman ba  sa akin ang mga panaginip ko 'ngunit napakaimposible' sabi ng isang parte ng isip ko, napakaimposible ng aking mga napapanaginipan.

"Okay lang po ako" kapagkuway sagot ko sa aking ina, ngunit hindi parin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Napapadalas na ang pagdalaw ng lobo mo sa iyong panaginip anak" Nag-aalalang sabi ni nanay na labis kong ikinabigla. Ang kanyang reaksyon ay kakikitaan ko na parang natatakot siya sa ano mang posibleng mangyari.

"Paano niyo po nalaman nay? At anong lobo ko ang tinutukoy ninyo?" magkasunod kong tanong dahil sa reaksiyon at sa sinabi ni nanay na alam kong wala pa akong nasasabi sa kanya ay nahulaan na nito ang aking panaginip at batay sa pagkakasabi ni nanay ay mayroon siyang nalalaman ngunit hindi ko batid kung ano iyon.

Nagugulat akong tinignan ni nanay. "Huwag mong intindihin ang sinabi ko, mabuti pay magpalit kana ng damit mo at nabasa iyan ng iyong pawis, papalitan ko pa itong kumot at banig mo. Mahaba pa ang gabi" sabay iwas ng kanyang tingin na para bang sinasabi niyang ayaw na niyang pag-usapan pa ang bagay na ito kung kayat wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Kinaumagahan ay nadatnan ko si nanay sa kusina na naghahanda ng agahan hindi paman ako tuluyang nakakalapit ay nahulaan kona ang aming ulam ayon sa amoy nito, itlog at longganisa tsaka sinangag.

"Ang sarap naman niyan nay.hmm" lumapit ako kay nanay saka yumakap sa kanyang tagiliran at inamoy amoy ang masarap na agahang inihahanda niya.

"Syempre ako ang nagluto niyan" tumatawang saad ni nanay ngunit nakiikita ko sa kanyang mga mata ang masyadong pag-aalala na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

"May problema poba kayo nay?"

"Ano bang pinagsasabi mo jan Ellah, kumain kana at maaga pa ang pasok mo" ginulo ni nanay ang buhok ko.

"Si nanay naman dalaga na ako pero ginugulo niyo parin ang buhok ko" natatawang sabi ko

"Anong dalaga ka jan eh disi-syete ka palang"

"Nay, eighteen na ako sa susunod na buwan" nawala ang emosyon sa mukha ni nanay ng banggitin ko ang kaarawan ko ngunit agad agad din itong itinago ang kanikanina lang ay walang emosyong mukha ni nanay.

"Kumain nalang tayo at alam kong nagugutom kana,baka mahuli kapa sa klase mo" yun ang sinabi ni nanay at inumpisahan na namin ang agahan.

Eksaktong pagkaupo ko sa aking silya ay siya namang pagdating ng aming guro na may malawak na ngiti at nakadapo ang kaniyang paningin saakin na para bang ako ang kukumpleto sa kanyang araw.

"Natapos na ang huling semester kung kayat nasaakin na ang listahan ng mga honor students at masayang masaya ako na lahat kayong mga nasa ikalabindalawang grado ay nakapasa" nakangiting wika ni maam at kaming lahat ay masayang-masaya at nagpapapalakpak pa at ang iba ay humiyaw pa sa sobrang saya.

"Hindi pa napirmahan ng ating principal ang listahan ng mga may honors at awards kung kayat pagkatapos na pagkatapos niya itong mapirmahan ay ipapaskil kona ito sa bulletin" sabay pakita ng envelop na ang laman ay listahan ng mga may awards. "Hindi ko muna papangalanan ang mga may honors pero alam ko naman na alam niyo na ito batay sa inyong mga performances.Tignan niyo nalang mamaya sa bulletin ang inyong mga pangalan" magiliw paring patuloy ni maam.

"May mga nais ba kayong itanong bago ako umalis? " tanong ng aming guro at ang mga kaklase ko ay nagsimula na sa kanilang mga katanungan na puro graduation ang nilalaman at sinagot naman ito ng aming guro.

"Kung wala na kayong katanungan ay maaari na kayong lumabas at maaari na kayong magpapirma ng inyong mga clearance" pagkalabas ng aming guro  ay kaniya kaniya na ng pinupuntahang mga guro upang magpapirma.

Bago matapos ang pananghalian ay inanunsiyo ng aming principal na wala kaming pasok mamayang hapon para paghandaan ang aming graduation sa susunod na linggo,unang linggo ng marso, ang buwan kung kailan ako ipinanganak.

Sinabi din niya na maaari na naming tignan kung kasali ba kami sa listahan ng may mga awards. At syempre excited ang karamihan lalo na't sa mga gaya kong nageexpect na mayroong parangal, hindi naman sa pagiging hambog pero alam ko naman sa sarili ko na may ibubuga ako.

Bago umuwi ay pumunta muna ako sa bulletin board ng HUMSS strand para tignan ang pangalan ko at ayun nga...

Delgado, Michaella P. (95.8%) -With High Honors

Hindi man ako ang may pinakamataas na parangal sa aming lahat ay masayang-masaya na ako dahil meron akong maipagmamalaki kay nanay na awards. Kailangang pagbutihin ko ang aking pag-aaral para naman makaraos kami sa buhay.

Simula palang nung bata pa ako ay wala na akong kinalakhang ama, ang sabi sakin ni nanay ay namatay na daw ito nung ako'y ipinagbubuntis palang niya. Gusto kong makita kung ano ang itsura ng ama ko kaya minsan ay humingi ako ng litrato ni tatay pero walang maipakita si nanay dahil hindi pa daw masyadong uso ang litrato kung uso man ay sa mga mayayaman lang daw ito. Kung kinukulit ko naman siyang magkwento tungkol sa aking ama ay idinadahilan na lamang niyang marami siyang ginagawa, kaya hindi na ako nakakapagtanong sa kanya. Kung kaya't uhaw ako sa pagmamahal ng isang ama.

The Long Lost Three-Tailed LunaWhere stories live. Discover now