DISCLAIMER: this is a work of fiction. Names, characters, businesses, locales, and incidents are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system without written permission from the author.
PLAGIARISM IS A CRIME!
Expect typo, graphical errors, grammatical errors, wrong spellings, and whatsoever errors ahead.
Please be advised that this story may contain strong language that are not suitable for very young audiences.
If you're looking for a perfect story, don't continue reading this. Thanks!
Read at your own risk!
R-13
Kasalukuyang nagtuturo ang guro sa harap ng klase. Lahat ay tahimik na nakikinig, maliban siguro sa akin. Ang boring kasi niya magturo. Imbes na pag-aralan namin 'yung subject, kinwento na niya ang talambuhay niya. May matututunan ba ako sa mga nangyari sa kanya noong bata pa siya?
Wala na sa topic namin 'yung sinasabi niya, pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita. Hindi ko nga sigurado kung nakikinig ba 'tong mga kaklase ko o lumilipad na ang utak nila dahil sa pagkabagot.
Dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang magsimula ang klase pero nawawalan na agad ako ng gana mag-aral.
Paano ba naman... "class, cigarettes or cigarette butts have 5 - 7 mg or 0.08 - 0.11 of nicotine. Ibig sabihin, 25% of one cigarette stick is nicotine. Masama ang sigarilyo sa katawan, masama nicotine sa katawan. Maaari nitong sirain ang baga ng sinong gumagamit nito. Kahit pa sabihin niyong isang beses, dalawa or tatlong beses lang kayong gumagamit nito sa isang araw, malaki ang magiging epekto nito sa katawan niyo. You see, you inhale the smoke, hindi niyo alam kung lahat ba ng usok ay mai-exhale mo. May particles ang nicotine na kumakapit sa baga. It will affect the lungs badly." Iminu-muwestra pa niya ang kamay niya kasabay ng pagsasalita niya.
"Naalala ko ang itang ko noon, dalawang beses lang siya gumagamit sa isang araw ng sigarilyo, pero mula nu'ng siya'y kasing edad niyo pa lamang ay gumagamit na siya nito. Overtime, naipon ang nicotine particles sa katawan ni itang na nagpahina sa baga niya. Ayon, nag-aaral pa lang ako ay binawi na siya ni Lord sa amin. Hindi na-addict ang itang ko sa sigarilyo, gumagamit lang siya nito para magpalipas oras. Pero nasaan na siya ngayon? Kasama na niya si Lord, mas mahaba niya pang nakasama si Lord kesa sa akin. Ano pa kaya 'yung mga naadik sa sigarilyo? Hindi pa yata sila nagkaanak ay binawi na agad sila ni Lord."
Mapapahilot ka na lang talaga sa sintido mo dahil sa bagal niyang magsalita. May sense naman 'yung talambuhay niya, pero mahirap kami makausad sa lessons dahil sa ginagawa niya.
Dahil nga tinamad na akong makinig dahil kinukwento na lang naman niya ang buhay niya, nag-pen tap na lang ako. Medyo may kaingayan ito, pero nalilibang ako nito. Maganda 'to para ma-enhance mo ang kaalaman mo sa pagtugtog dahil nakakalikha ng beat ang ballpen na ginagamit mo at ang mesang pinang-hahampasan dito.
"Ms. Mendez, you are disturbing the class. May natutunan ka ba sa lesson natin ngayon? Let me ask you a question, aside from cigarette, what other object has nicotine?"
Mas marami pa akong alam sa buhay niya kesa sa lesson namin talaga.
Wala na akong nagawa kundi tumayo na lamang at sumagot dahil lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin.
CZYTASZ
I Kissed My Bestfriend
Dla nastolatkówI like my bestfriend for three months now. May nakita rin akong trend sa tiktok na 'kiss your bestfriend challenge'. Gusto ko sanang gawin kaso...
