Chapter 26 : Straight

Start from the beginning
                                    

"Good morning po, Tita Faye," bati ko na lamang sabay tago sa make-up box sa likuran ko.

"Your voice!" She gasped and clutched her chest. "Bakit namamaos ka? Did you scream too much at the afterparty?"

Kung alam n'yo lang, Tita. Pati anak n'yo muntik masiraan ng bait.

Marahan na lamang akong tumawa. "Thank you po pala sa gifts last night. I really like the jewelry po."

"That's good to hear!" She beamed. "But why aren't you wearing it?" she added with a smile.

Kinabahan ako sa ngiti ni Tita sa akin. Parang si Mommy lang na nagpipigil ng inis sa akin kasi nasa mataong lugar pa kami.

Napakamot ako sa ulo ko at tumawa na lamang ulit. "N-Nakalimutan ko po, sorry."

"Ah!" Tita clapped and chuckled in her high-pitched voice. "By the way, what brings you here? Do you want to see Alex--"

"Kuya Eric po." I moistened my lips and smiled.

"Really?" Tita Faye's lips curved to a smirk. Lalo akong kinabahan. 

"May importante po akong itatanong tungkol kay Kuya!" agap ko kaagad, bago pa siya mag-assume ng kung ano-ano. . . Kaso, sadyang hindi matanggal-tanggal ang malisyosang ngisi sa mukha niya.

"Alright. . ." She nodded and pointed to the stairs. "You can just go to his room."

Tumango ako at mariing lumunok. Literal na nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang tingin ni Tita Faye sa akin, lalo na ang ngisi sa mukha niya. Mali yata talaga ang desisyon kung pumunta rito.

Dapat nagpadala na lang ako ng eyebrow tutorial video sa anak niya!

Huli na ang lahat para umatras. Sa kabila ng mga agam-agam, umakyat na lamang ako sa hagdan at dumiretso sa kwarto ni Sawyer.

"It's Joe!" I quickly called out as I knocked on the door. Diretso lang ang tingin ko sa pinto. Natatakot akong lumingon dahil ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin. I can tell that Tita Faye followed me and her eyes are watching my every move!

Iniisip ko pa lang ang ngisi sa mukha niya habang sinusundan ang bawat galaw ko, para na akong maiihi sa kilabot!

Sa isang iglap, biglang bumukas ang pinto. Maliit lang ang pagkakabukas nito at pansin kong nakasara pa ang mga ilaw sa loob.

Wala sa sarili akong napalingon at huling-huli ko si Tita Faye na nagtatago sa likod ng isang malaking banga, sumisilip sa akin habang nakangisi. Nakumpirma ang kinakatakot ko kaya tumakbo na ako papasok sa kwarto ni Sawyer, dumadagundong ang kaba sa takot. 

Sinara ko kaagad ang pinto at pinindot ang switch ng ilaw na nasa gilid ko lang.

Kasabay ng pagsakop ng liwanag sa silid, nakita kong tumalon si Sawyer padapa sa kanyang kama—Nagtalukbong pa ng kumot!

"Anong ginagawa mo rito?" he asked, his voice muffled in the sheets.

"'Wag ka na ngang mahiya, nakita ko na 'yan at hindi naman kita pagtatawanan," pasinghal kong sambit. As much as possible, I don't want to sound like I pity him. Sawyer can be too prideful sometimes. Ayokong masamain niya ang pagtulong ko.

"Bakit ka nga nandito?" aniya, hindi pa rin gumagalaw.

"I'm going to teach you how to fix your eyebrows, so those assholes won't bully you anymore!" giit ko at sa puntong 'yon ay dahan-dahang bumangon si Sawyer, nakatalukbong pa rin ng kumot. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mga mata at ibabang parte ng mukha niya.

"T-Talaga?" tanong niya, walang ka-emo-emosyon ang mukha. Gusto yatang sumali sa kulto nina Kuya Jethro, Ate Silver, at Denver.

Bumuntong-hininga na lamang ako at itinaas ang dala kong make-up box. "Let's get down to business, Eric Thomasson."

The Fool's GoldWhere stories live. Discover now