"Gusto kong umalis ka"

Sino yun? May sumagot sakin.

Joke lang. Imposible

"Ayos lang naman na magturo pero asan na yung tuturuan KKKOOOO!!!!"

"T*ng*na naman oh! Sabi nang umalis ka eh!!"

Si Salvacion galit. Lutong pa ng mura.

Meaning may kasama talaga ako at siya din yung sumagot sakin.

Worse, dinedma ko pa saka pinagpatuloy ang pagiingay.

Ano naman kung sumisigaw ako dito. May karapatan naman ako.

"Ano tatanga ka pa?"

"Ah, kasi kailangan daw kitang turuan"

Mali to. Dapat galit ako. Pero sa tono ng pananalita ko parang umurong dila ko.

"Pati ba problema mo kailangan kong problemahin?! Lumayas ka nga"

"Ano ka?! Sayo to? Saka makisama ka nga"

Nagbago yung tingin nya. Kung kanina makikita pa yung galit ngayon hindi na. Wala na syang expression.

Masasabi ko lang na mas nakakatakot yung ganyang mukha.

Yung tipo bang di mo alam yung iniisip nya at baka kung anong magawa nya.

Basta yun di ko maexplain ng ayos.

"Alis" plain nyang sabi. And still no emotions.

Sa sobrang di ko na malaman ang irereact ko umalis na ako pero nagpahabol pa ako.

"E di umalis. Sayo to eh"

Di ko na alam yung pwedeng mangyari kaya umalis ako ng mabilis.

Tutal naman pinalayas na ako dito, lulubos lubusin ko na pangaaway ko.

Bumalik na lang ako dito sa room.

"I thought you're teaching Mr. Salvacion?"

Thought. Thought. Utot mo sir. Ayaw nya.

"Ayaw daw po nya problemahin yung problema ko"

"Hahaha. Dapat lang sayo yan. Dapat nga maexpel ka na" sabi ni Kathlea. As usual. @_@

"Tsk. Tsk. Basta bukas kailangan mo na syang turuan"

"Pero sir---"

"No buts. Ako bahala"

Ikaw na bahala sir. Gusto mo yan eh. Saka ang sabi ko 'Pero' di naman but.

Nerdy philosopher on the go. @_@

"Okay po"

Paguwi ko ng bahay nakita ko na ang kalat ng gamit ni Uno. Tapos yung gitara nya nakakalat saka parang sira.

Anla. Palagi nyang dala dala yung gitara na yan saka alagang alaga. Bakit nagkaganyan?

*TOK.TOK*

"Uno.... Ayos ka lang ba?"

Inakyat ko si Uno kasi parang may problema sya.

Syempre naman. Kahit na may galit sya sakin mahal ko naman ang kinakapatid ko at responsibilidad ko sya.

"U--"

"ANO KA BA?! Sabi ko UMALIS KA NA!!!"

Sinarahan ulit nya ako ng pinto pero di pa din ako umalis. Instead kinausap ko sya.

Malay mo naman makatulong ako.

"Uno alam mo ikaw yung pangalawang tao na nagpaalis sa akin ngayon pero unlike him hindi kita susundin. Not because kasi kilala na kita at pwede kong iasal ang gusto ko sa harap mo but because you are a family to me. Alam mo dapat pilitin mong maging close sa mama mo kasi sya na lang ang meron ka pero at least may nanay ka pa at kaya mong mapalapit sa kanya. Di tulad ko na imposible na. Kahit di ko alam problema mo sa tingin ko makakatulong talaga yung pagiging close mo sa mama mo because she can give you advice that only a mother can give"

"Ganyan ba talaga kayong mga nerd? Bakit parang lahat ng tanong kaya mong sagutin?"

Nagulat ako nung sumagot sya. Nasa tabi lang din pala sya ng pinto.

"It's not me. It's how you find the correct answers thru my words"

"Uhm, okay"

I guess that's the start of acceptance.

Akala ko magmomonologue lang ako pero sumagot sya. Maganda dun hindi pasigaw.

---------------------------------------------

dedicated to: IamBeatreze_o8

Return of a NerdWhere stories live. Discover now