Umupo na lang ako at napansin kong wala na naman si Jesse. Wala na naman akong kakampi. Sabagay di din naman nya ako pinapansin.

Bumukas ang pinto at pumasok si Kathlea. Yung kaklase ko na mataray.

"Sorry Im late"

"Thats fine Ms. Mercado please take your seat"

Kitamo tong si mam. Nung ako nalate todo pagalit pa pero nung ito pumasok 'k.' lang.

It's all about the money talaga

Bago pa umupo si Kathlea inirapan na naman nya ako.

Usual thing. Loner naman ako eh. Ito ngang katabi ko kala mo kung sino sa dami ng restrictions.

Lumipas ang oras at si sir Lee na. Parang sya na lang ang kakampi ko sa mundong ibabaw basta galingan ko pa sa math.

"Alzea"

"Sir?"

 

Tinatawag na nya ako sa first name. Naaalala na nya eh.

"Nakarating sa akin na late ka"

Pati ba naman yun nababalita?

"It's a rule na for the first 2 weeks bawal malate but since kasisimula mo pa lang, effective pa din sayo yun"

 

May ganun nang rule? Ibig sabihin kung nagviolate ako may punishment.

@_@

*BLAG*

May pabalag na nagbukas ng pinto. Yun yung kaklase ko na madaming restrictions.

Ang dami namang late. Mas may late pa sa akin.

"Bad mood ata sya" 

"Oo nga. Paano yan magbibigay pa naman ako ng chocolate" 

"Wag muna ngayon. Baka masayang ang effort mo"

Nagbubulungan na naman sila. As usual.

Umupo na si Xiel yung madaming restrictions. Magkatabi kami remember.

Kapansin pansin nga na bad mood sya. Parang may lumalabas kasing bad energy sa kanya.

"......will teach Mr. Salvacion until the quarterly exams"

Nagsigawan mga kaklase kong babae. Parang nagdidisagree. Ano bang sinabi ni sir?

"Understand Ms. Marasigan?"

"Ah, sir?"

"Ms. Marasigan here is not listening" anla. Pahiya buong angkan ko "anybody cares to explain?"

Return of a NerdWhere stories live. Discover now