I can't help but to smile a bit. I don't know why.

Umalis na rin ako dun pagkatapos and proceed to my next subject.

---------------------------------------

Lunch break na at nandito ako sa garden kumakain ng lunch. Dito ko na kasi nakaugaliang kumain ng lunch dahil tahimik at walang masyadong tao tuwing lunch.

I was busy munching my food ng may naramdaman akong umupo sa gilid ko.

I looked at him and I was surprised...

It was 

Blake.

"Whoo.. grabe! Ang init!" sabay punas ng pawisan niyang mukha.

Tumingin siya sa akin ang smiled. Inilahad rin niya ang isang towel at tumalikod. Anong gagawin ko sa towel?

"Tss. Put it on my back." sabiniya tila nahulaan kung ano ang iniisip ko. Agad ko namang inilagay ang towel at humarap ulit siya. Kinuha niya ang bag niya at may hinalungkat.

Pinapanood ko lang siya. Hanggang inilabas na niya ang lunch box na ginawa ko para dapat kay Treck...

Bigla naman akong nasimangot.  

"Oh ba't nakasimangot ka? Papanget ka n'yan." natatawang sabi nito at sumubo ng pagkain. Mabulunan ka sana. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain.

"Psst." tawag sa akin ni Blake pero di ko lang siya pinansin.

"Psst." pero dedma pa rin.

Ilang sandali ay natahimik na lang ito sa gilid ko. Tiningnan ko siya baka nalagutan na ng hininga di ko man lang napanin. Nakita ko na lang na napabuntong hininga nalang siya.

"You really like Treck." seryosong sabi niya at sumilay sa mga labi niya ang isang pilit na ngiti.

Tumango na lang ako bilang pag-sangayon sa kanya.

Natahimik na lang siya't itinuloy ang pagkain. Hanggang sa makatapos siya ay tiningnan ko lang siya. Tumayo na siya't ibinalik sa akin yung lunch box at ngumiti siya ulit pero this time, isang sincere na ngiti na. 

"Thank you nga pala for this. Ang sarap ng luto mo. Hoping to see you again, Steph." sabi niya at tumakbo na palayo. I don't know pero di ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa isang thank you nagkakaganito na ako? Magpacheck up na kaya ako?

-------------------------------------------------------------------------------------

The next day, the same set up pa rin. Nagluto pa rin ako ng lunch para kay Treck at inabangan na naman sila sa hallway pero in the end, same scenario yung naganap katulad ng nangyari kahapon. Si Blake pa rin yung kumuha ng lunch ko. Sinamahan rin niya akong kumain ulit sa garden.

Tama Na Where stories live. Discover now