Mabuti na lang at wala si tita ngayon. Inayos ako muna ang sarili ko bago bumaba. Sobrang lamig pa ng kamay ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko na siya.

Ano bang sasabihin ko sa kaniya? Pumunta ba siya dito dahil doon sa confession ko sa kaniya? Ano na ngayon ang sasabihin ko kapag nagtanong siya tungkol doon. Siguro sasabihin ko na lang na, joke lang iyon. Maniniwala naman siguro siya kapag sinabi ko iyon diba?

“A-Anong ginagawa m-mo dito?” Bakit ba ako nauutal.

“I just want to sure if it’s true,” mahinang saad niya sa akin.

“Ang alin?” Tanong ko sa kaniya kahit na alam ko na ang tinutukoy niya.

Kasi naman, bakit pa ba ako nag-chat sa kaniya. Ano na lang ang sasabihin ko sa kaniya ngayon, na gawa-gawa ko lang iyon at hindi ‘yon tototo. Hindi ko naman alam na pupunta siya dito eh.

“So? Is it true?” aniya at lumapit sa akin. Napaatras ako ng kaunti sa ginawa niya. “You like me,” mas lalo lang bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay dahil sa kaba. Hindi ko na din alam ang gagawin ko.

“Ano..k-kasi..” hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Kinakabahan talaga ako. Kanina lang ay sobrang gusto ko na sahihin sa kaniya ‘yung nararamdaman ko tapos ngayon bigla akong umatras. Kasi naman! Magkaiba iyon, sa chat ‘yung kanina at sa personal na ‘tong ngayon. Iba na, kaharap ko na talaga siya ngayon. Hindi ko magawang magsalita ng maayos dahil nakatingin siya sa akin.

“What?” Shit. He’s teasing me!

Gagong lalaki ‘to. Tangina pero ang hot at ang gwapo niya shit!

“If you like me, tell me. Ako lang ‘to,” nakangiting sabi niya sa akin. Nanliit ang mata ko sa sinabi niya.

“Ang kapal mo,” sabi ko at inirapan siya.

Talaga ba Chelsie? Gusto mo din naman.

“The time is running,” sambit niya.

“Excuse me ha? Kung ‘yan lang pinunta mo dito, umalis ka na lang. Hindi ko naman sinabi na pumunta ka dito para siguradohin na may gusto ako sa ‘yo at saka kung naiinip ka na edi umalis ka na,” inis na sabi ko sa kaniya.

Kung hindi siya makapaghintay sa sasabihin ko pwede na naman siyang umalis. Hindi ko naman sinabi sa kaniya na pumunta siya dito ah.

“Ang sungit,” aniya at umiling. “I’m willing to wait Aia, basta ikaw,” he whispered.

Lumapit ulit siya ng kaunti sa akin at hindi naman ako umatras. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mata.

“I love you Chelsie,” he said. Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya.

“I really love you. Be my girlfriend Chelsie,” sabi niya at hinapit ang bewang ko.

Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Caelus. Hindi ko alam na may feelings din siya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya. “Of course, I will be your girlfriend Caelus,” sabi ko at niyakap siya.

Kumalas siya sa yakap at tumingin sa akin. Pagkatapos ay inangkin ang labi ko.

“Scam ka talaga Caled,” sabi ko sa kaniya. Nasa gym kami dahil practice nila Caelus. Kinukulit ko kasi si Caled tungkol sa sinabi niya na magd-date na daw siya ng babae pero hanggang ngayon wala naman siyang dinadate.

“Gaga ka, wala pa nga kasi,” sabi niya at umirap sa akin. Hindi na nga siya nagd-date ng lalaki pero hindi ko din naman siya nakikita na may ibang kasamang babae. Hindi ko ba alam sa kaibigan kong ‘to. Nalilito na talaga ako sa kaniya eh.

“Ewan ko sa ‘yo, ang sahihin mo wala talaga no. Ayaw mo talaga sa babae,” sabi ko sa kaniya. Hindi agad siya nagsalita at uminom sa buko juice niya.

“Meron kaya lang ‘di pa pwede,” sabi niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Meron na daw? Sino at bakit hindi ko alam?!

“Gago ka! Sino?” Tanong ko sa kaniya.

“Basta, hindi pa nga sure,” sabi niya at umiling pa sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas na siya ng tingin sa akin at tumingin na sa gawi nila Caelus na ngayon ay naglalaro. Nakita ko kanina si Naih sa kabilang bleachers kasama sila Sandra. Umalis din naman agad sila dahil siguro sa may klase pa sila. Si Venn naman ay nasa may baba at hinihintay din si Troy. Nakita ko din sila Aria na nasa katabing bleachers.

Wala na naman kaming klase kaamya dumiritso na kami dito sa gym. Nag-text din kasi si Caelus sa akin ni may practice sila kaya pumunta kami dito ni Caled. Si Jeramae at Brian naman ay nauna nang umalis ng campus dahil sa may date pa daw sila.

Napatingin ako sa gawi nila Caelus nang tumili ang ibang mga babae na nasa gym. Naghubad na kasi ng damit sila Caelus dahil sa pawis. Papunta na din sila sa gawi namin.

“Girl ang hot talaga nila!”

“Sinabi mo pa! Sanaol girlfriend ng mga Salazar!”

“Okay pang kahit maging yaya na lang ako basta masilayan ko araw-araw ang mga mukha nila.”

“Gusto ko na lang maging jersey girl huhu.”

Natawa ako sa mga narinig at nag-abot na ng tubig kay Caelus. Bakit kahit sobrang puno na ng pawis ang katawan niya ay ang bango niya pa din.

“What?” Tanong ko sa lalaki. Kanina pa kasi siya nakatingin sa akin. Natapos na lang ako sa pagpunas ng pawis niya ay nakatingin pa din siya sa akin. May dumi ata sa mukha ko.

“Damn, ang ganda mo,” sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi.

“Hala pota, hoy bawal pda dito!” sigaw ni Troy nang makita ang ginawa ng pinsan niya.

“Gago ‘to ah, nangiinggit ka ba? Pasalamat ka wala bebe ko dito,” sabi naman ni Zymon.

“Tangina niyo,” malutong na mura ni Caelus sa mga pinsan. Narinig ko din naman ang mga tilian at ‘sanaol’ ng mga babae na nandito din sa gym.

“Practice ulit,” sabi ni coach sa mga lalaki. Tumango ako kay Caelus at ngumiti. Hindi naman agad siya umalis sa pwesto niya at tiningnan pa ako ng matagal.

“Mahal kita,” he whispered.

Perfect Match (Salazar Series #3) ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang