Ang gapos na dulot ng kasalukuyan. Ako parang isang aso na nakagapos sa kalungan na ninanais na makamtan ang kalayaan. Maging isang agilang matayog ang lipad at may kalayaan.
Hindi alam ang isasagot sa tanong na "kumusta ka?" o "okay ka lang ba?" kasi kahit ako mismo ay hindi alam sagot. I want to isolate myself sa lahat pero hindi puwede. Ang hirap na parang wala kang takas sa lahat, pakiramdam mo responsibilidad mo lahat, wala kang karapatan na magdesisyon, wala kang karapatan tumanggi kahit pagod ka na, at walang kang karapatan magpahinga. Ginawa mo na lahat pero parang sa'yo iyong balik ng lahat ng hindi tama o ayos. Ginawa mo naman lahat pero naiiwan sa'yo iyong guilt. Kapag sa isa ka sumunod may masasabi iyong isa, kapag sa kabila ka naman sumunod may masasabi at masabi pa rin sa'yo at Minsan may damay pang mga tao. Kinukumpara pero Hindi naman dapat. Ang hirap takasan. Nauunawaan ko lahat na walang aasahan pero Minsan kailangan din ng kalayaan. Kalayaan na magdesisyon at kalayaan na pumili. Walang panghuhusga na " Hanggang buhay kami na magulang mo Wala kang karapatan na magdesisyon na magdesisyon mag-isa." o " Sa kanila ka lang naman magaling, kapag sila nag-utos ang tulin-tulin mo."
Nakapapagod na scenario araw-araw. Hindi mo alam kung saan patungo ang lakbayin. Ninanais na maging isang agila na makalipad ng matayog na may kalayaan dahil ang pakiramdam ay isang aso na nakatali at nakagapos sa kanyang kulungan.
