"Mom, I'm leaving!" I shouted para marinig ito ni mama. I didn't wait for her response at dumiretso na lang sa aking sasakyan. Hindi alam ni mama kung saan ako pupunta at hindi rin alam ni mama ang mga nararanasan ko ngayon and I don't have any intention to tell her dahil alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Even I, can't believe that this is happening.
Nang marating ko ang aking sasakyan ay dali-dali akong pumasok dito at nag-drive papunta sa paborito kong lugar. Paborito naming lugar. He is probably waiting there already mabilis pa naman 'yon mainip. Binilisan ko na lang ang pagda-drive upang hindi masayang ang oras. I won't waste any second just for nothing. Mahalaga ang araw na 'to sa akin. Dahil ito ang petsa ng kaarawan niya. Ito rin ang araw na ako'y magu-umpisang muli. New life, new beginning.
I parked my car beside the road nang makarating ako sa destinasyon ko at tiningnan muna kung anong oras na. 5:00 pm na pala. Bumaba na ako sa sasakyan at tumambad sa akin ang napaka-sariwang hangin. I suddenly missed those days. The day that I precious the most. The day that I won't forget 'til my death. The day I met him. Naramdaman kong may nangilid na luha sa mata ko kaya iwinaglit ko ang mga ala-alang namumuo sa aking isipan.
Naglakad-lakad ako ng bahagya at natanaw ang isang pigurang nakatayo sa tabi ng isang bench na nasa pagitan ng dalawang puno na hindi kalayuan sa akin. Nakatanaw ito sa asul na karagatan. Yes, I'm here at the beach. My favorite place. Our favorite place. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. At kung saan magtatapos ang lahat. It's time to face the reality. Reyalidad na wala na, tapos na. Na hindi na ito maibabalik pa.
Dahan-dahan akong lumapit sa lalaking minahal ko. Ang tanging lalaking nagparamdam ng hinahanap kong pagmamahal. Habang papalapit ay mas naririnig ko ang hampas ng alon na nagmumula sa karagatan, mas lumalakas ang kabog ng puso ko at mas lumalawak ang ngiti sa labi ko.
Nang tuluyan ko nang marating ang kinaroroonan niya ay naupo ako sa iisang bench sa pagitan ng dalawang puno. Palagay ko'y naramdaman niya ang presensya ko kaya't napalingon siya sa kinauupuan ko. Unti-unting sumilay ang matamis niyang ngiti.
"Did I make you wait?" I asked, nanginginig ang mga binti ko dala na rin siguro ng malamig na hangin. Iling lang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya. Napatitig ako bigla sa maamo niyang mukha. Claven naman eh! Don't make such face! Naiiyak lang ako lalo.
"You're so cute, baby lalo na kapag nakabusangot katulad na lang ngayon." He said dahilan para mamula ang mukha ko at mapayuko sa hiya. He always say that endearment 'baby' ever since na maging kami but I never call him that way. Ewan ko kung bakit. How I wish na marinig ko pa rin 'yon sa mga susunod na araw but it's not gonna happen anymore.
"Sira ka talaga, naiiyak na tuloy ako!" Saad ko. Lumapit siya sa harapan ko at lumuhod. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa mukha niya. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga tumutulong luha ko.
"From now on, ayaw ko nang iiyak ka. Ito na ang huling pagkakataon na iiyak ka. Wala na ako sa tabi mo para maging iyakan mo. Promise me that," He said. I beamed at him at tumango-tango. "I love you, baby. I will never forget you. I hope you will never forget me too after this day. I guess... it's time to say goodbye." Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko. He faced the beautiful view infront of us. The sun is already setting.
"I may not have been the best girlfriend but I hope I made your life meaningful. Happy Birthday, Claven." tumingin ako sa kaniya na saktong pagtingin niya rin sa akin.
Ngumiti siya sa akin. "You've been the best girlfriend I had and will always be. No one can be the best than you. Always remember that," He leaned closer to me and kiss me to my forehead, down to my nose and to my lips. "Can I hear it for once, baby?" He asked. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. The endearment I never call to him.
I smile at sinabi ang huling mga katagang, "You may now rest in peace, Baby. I will miss you."
Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at dahan-dahang lumapit sa karagatan. Kasabay ng paglapit niya ay siya ring paglalaho niya. Sa huling pagkakataon, lumingon siya sa akin at ngumiti at nilabi ang salitang I Love You bago tuluyang naglaho.
Yes, He died year ago dahil sa isang aksidente at ang Claven na kausap ko kanina ay ang kaluluwa niya. Nagising na lang ako isang araw na nakikita ko siya. I tried to tell it to my mom pero hindi talaga siya naniniwala so I decided to keep it to myself. Hindi siguro siya nakapag-paalam ng maayos that's why he suddenly appeared to me. And this is the place and the day He want to say goodbye.
Tuluyan na akong napahagulgol nang hindi ko na siya makita pa.
I love you and will always love you.
Until We Meet Again,
Baby.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Until We Meet Again (One Shot Story)
Kısa HikayeIt's time to face the reality. Reyalidad na wala na, tapos na. Na hindi na ito maibabalik pa.
