Chapter 1

0 0 0
                                    

Oct 2019
hello..

Hello.

May bago na naman ako naka match sa tinder. Sa whole month na pag gamit ko netong app na ito puro pervs at ka one night stand lang ang gusto ng mga nakausap ko. Pag napunta na doon yung topic di ko na nirereplyan or ina-unmatch ko na.

Where are you from?

Bulacan.

Tinignan ko ang profile netong guy na naka match ko. Mukhang matanda na, mukhang di ko ka-age. Inisip ko kung rereplyan ko pa dahil di ko naman bet si kuya pero dahil bored ako kausapin ko na lang din.

How old are you?

Im 24. How bout you?

28.

Sabi na nga ba. Mas matanda si kuya sa akin. Mukhang mama na siya sa photos niya.

"Nurse, tanggal po swero nung pasyente ko." Tawag sa akin mula sa labas ng nurse station ng isang bantay. Naka duty ako ngayon at dahil benign or hindi naman masyadong busy kaya nakapagcellphone ako. Pumunta na ako sa pasyente para kabitan ulit ng swero.

"Nurse kamukha mo yung sa pinapanood kong k-drama" kwento nung nanay nung pasyente habang busy ako na naghahanap ng ugat na pwede tusukan ng swero. "Sino naman po yan Nay? Hahaha" pabiro kong tanong.

"Yung bida sa..." hindi na natuloy nung nanay kung anong k-drama dahil umiyak na yung anak niya dahil naitusok ko naang IV cannula para makabitan ulit ng sweroang pasyente.

Pagkatapos kung kabitan yung pasyente bumalik na ako sa nurse station at naghugas ng kamay. Napatitig ako sa salamin sa may lababo kung san ako naghuhugas. Ilang beses na ako natanong kung koryana daw ba ako. Light brown ang aking buhok mula sa pagkaka hair dye na hanggang balikat lang at may bangs na tulad ng mga koryana. Singkit ang mga mata ko dahil may lahi kami ng chinese, maliit na ilong, mamula-mulang labi dahil sa liptint na ginamit ko kanina pero di katulad ng mga napapanod sa korean novela di ako kasing payat ng mga artistang babae doon. Hindi ako mataba pero hindi din payat. May hugis naman ang katawan ko,malaki ang hinaharap pati ang pwetan ko. Hindi ako sexy dahil may bilbil ako sa tiyan.

*ting*

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para icheck kung ano yung notification.

"Im from Caloocan. You're girl, right?"

Natawa ako dahil as usual natanong ako kung babae ako. Ang tunay ko kasing pangalan ay Joshua Mari, panlalaki pero babae talaga ako. Sa lahat ng nakausap ko lagi ako natatanong kung babae daw ba ako. May dalawang version lagi ang sagot ko depende kung tinatamad ako o sinisipag.

"My parents wants to break gender stereotype," yan ang tamad version pero yung sipag version is nakunan kasi yung mommy ko sa unang baby nila ng daddy ko na supposed to be kuya ko so sa akin na lang binigay yung name.

"Thats great. Almost all of the people I matched here are trans or gay"

Ay may pagka-homo phobe ata si kuya. Pasalamat ka bored ako.

"What do you do for a living?," I asked him.

"IT expert in a BPO Company, you?" Ohhh IT expert. Taray! Hahaha

"Nurse in a government hospital. Im actually on duty thats why I replied late earlier."  Ang pinaka mapagmamalaki kong achievement sa buhay ay ang profession ko. I graduated, passed my boards and practice my profession at the age of 19. Ngayon naman Im preparing for my english proficiency exam, isa din sa rason bakit ako nasa dating app para mapractice ang english communication skills ko. If sinabihan ako ng naka match ko na dugo na ilong niya, di ko na nirereplyan kasi need ko magpractice.

"That's cool! My kuya is actually a nurse. He graduated in FEU."  Ohhh, parang mas bet ko yung kuya niya. Charot!

"I graduated in a State University. Where did you attended college?" Iskolar ng bayan toh noh. Hahahah

"FEU too as well as my Ate who is an Engineer." Hmmm... mukhang good family background si kuya.

"I see, I have younger sister but she is still in senior high. By the way, in what hospital is your kuya working?" Baka same kami ng hospital lagot ako.

"He works in Capitol Med. My mom used to work there as an Accountant so my kuya decided to work there as well." Mukhang well off tong si kuya.

"That's nice." Honestly, nakakatamad na magintroduce na paulit-ulit sa dating app. Halos pare-parehas lang din naman tanong nila.

"How many boyfriend did you had?"

"None." I never had a boyfriend. Mataas daw kasi ang standard ko sa guy. Di ko naman tinatanggi. Alam ko naman na di ako ganoon kaganda. Average looking lang ako pero I have this feeling na pressured ako. I want my guy looks decent enough, stable job, came from a good family and most of all God fearing. Wala ko pake kung mayaman basta responsible. Etong si guy check ma sa stable job at good fam background.

"Really? How come, you are too pretty to get ignored by guys or you are ignoring guys?"

Bakit nga ba wala akong naging boyfriend? Sa totoo lang nung high school ako di naman ako desirable. Better version na yung itsura ko ngayon. Nung college naman, I like this guy na family friend namin tapos same pa kami ng course and university so feelingera ako akala ko destiny. After graduating and board exam nag career focus muna ako.

"Lol Im not pretty."

Cat fish nga ata ginagawa ko eh. Yung photos that I posted sa dating app is with filter and edited pero mare-recognize pa naman ako kapag nakita ako. I grew up insecure dahil bullied ako since elem until high school. I was called fat kahit di ako mataba so ever since Im insecure of my weight. My classmates before made me felt that Im ugly. Dahil sa bullying, I learned how to boost my confidence on my own kaso people interpret it na conceited ako.

Natapos ang shift ko na magkausap lang kami tungkol sa background naming dalawa. He asked me din kung may social media ako. I lied. Sinabi ko na wala dahil wala naman akong balak na imeet siya or kausapin siya ng matagal. I gave him an option because Im using kakao talk app para kausapin yung friend ko na korean. Usually pag sinabi ko na kakaotalk lang available kong messaging app, nagstick na lang yung guys sa tinder pero this guy he downloaded the app.

"Can we meet?"he asked me after two weeks of talking in kakao talk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Is Love EnoughWhere stories live. Discover now