#Kabanata 6
DARREN'S POV
Kala ko isang batang paslit na makulit, madungis, pasaway, salbahe, iyakin, mahilig sa candy, ang babantayan ko. Pero mali ako, maling-mali. There are right,maraming namamatay sa maling akala.
Nandito ako ngayun sa Garden, nasa likod ako ng puno, nagtatago. Muka na nga akong tanga dito, biruin nyo, Isa't kalahating oras na ko nandito na dapat ay nag-lu-lunch ako kasama ang mga Baby Doll ko. Pero wala, kailangan kong sundin ang pinag-uutos ni Kaicy at yun ay ang bantayan ang kanyang kapatid.
Ang kapatid nyang masungit, tahimik, cold, at kinakatakutan ng lahat, si .... Kael. Si Kael ang kapatid nya. Si Kael na ayaw ng kausap, snobber, nakakatakot kahit mukang Angel ang muka, at Si Kael, na kapag-nakikita ko ay naaabnormal ang tibok ng puso ko. At meron pa pala, si Kael na mahilig din sa Dark-Chocolate na favorite ko rin. Ang akala kong madaling pag-babantay ay sobrang hirap pala. Kaya pala Good luck ng Good luck si Kaicy.
Anung oras kaya matatapos si Kael na magbasa?. Gutom na gutom nako, 25mins. na lang tapos na ang Reces namin.
"Darren...My Love...So Sweet"
Napatingin naman ako si sa unahan ko, kung saan tumatakbo at sumisigaw ang babaeng Tungaw ... este ... si Yna pala. Kumaway-kaway naman ako sa kanya. Lumingon muna ako sa pwesto ni Kael para masigurong di pa sya umaalis. At ng nasiguro ko na, ay muli akong humarap kay Yna. She put her hands on my nape, at nilagay ko naman ang kamay ko sa kaniyang bewang.
"I miss you"
Wika nya at hinalikan ako sa labi.
"Totoo ba? kayo ba talaga ni Kaicy the bitch?"
Wika nya. Huminga muna ako ng malalim, hindi ko kase alam ang sasabihin ko. Pag-sinabi kong oo, lalayo si Yna at magagalit si Kaicy, pag-sinabi ko namang hindi, lalong lalapit sakin si Yna at hindi ko mababantayan ng maayos si Kael.
"Ano....Friend ko lang si Kaicy"
Wika ko, agad namang nagliwanag ang muka nya.
"Really? tsk.tsk.tsk pilingera talaga"- Yna said.
Muling pinulupot ni Yna ang kaniyang braso sa batok ko at muling akong hinalikan, at dahil lalake lang ako, hindi ko napigilang tumugon sa mga halik nya.
*So you could give me wings to fly, and catch me if i fall... or pull the stars down from the sky, so i could wish on them all*
Napatigil naman ako ng biglang mag-ring ang phone ko.
"Wait...Yna"
"Don't answerd it"
Wika nya, pero wala rin syang nagawa ng sagutin ko ang tawag.
"HOY YUNG PINABABANTAYAN KO, MAMAYA DYAN NAKIKIPAG-LANDIAN KA LANG KAY TUNGAWWWW..."
Agad kong nilayo ang phone ko sa tainga ko, putsa, kailangan nya ba talagang sumigaw, pambihirang Kaicy yan.
"Bye na"
Wika ko at binababa ko na ang phone.
"Sino yon?"
Wika ni Yna, pero diko nalang sya sinagot. Lumingon ako sa likuran para makita si Kael.
"Shit"
Napa-mura ako, wala na kase sya sa pwesto nya. Patay saan ko hahanapin yon, patay ako nito kay Kaicy.
"Ah...Yna next time na lang ah"
Hindi ko na siya inantay at tumakbo na ako paalis. Shit.
Takbo lakad takbo, yan ang ginagawa ko ngayon, hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Kael. Eto na nga ba ang sinasabi sakin ni Kaicy, wag na wag kong ihihiwalay ang paningin ko kay Kael, dahil sa oras na mawala siya, mahihirapan ka ng hanapin sya. At eto na nga hirap na hirap na ako sa paghahanap, sampung minuto na lang magsisimula ng muli ang Klase. Sinubukan kong pumunta sa Physics at Chemistry Lab. pero wala dun, sa Library wala din, saan ba kase sumuot yon. Limang minuto na ang lumilipas pero wala padin, pumunta nakong room nya pero di pa raw pumupunta doon si Kael. Baka nasa Cr ng Girls, yun na lang kase ang hindi ko pa napupuntahan. Kaya mula dulo ng 4th floor ay muli kong nilakad ang pinaka-dulo nito. Tahimik sa floor nito, madalang lang ang mga estudyante dito kase ang floor nito ay para lamang sa mga Special Students galing Star Section. Patuloy parin ako sa paglalakad, hanggang sa bigla nalang may humila saakin at sinakal ako ng napakadiin.
Tumama ng napakalakas ang likuran ko sa pader, tapos lalong humigpit ang pagkakasakal saakin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata, at nagulat ako ng mapagtanto ko kung sino ang sumasakal saakin, unti-unti kong iniangan ang aking mga kamay para hawakan ang kamay nyang nakasakal sa akin. Habang tumatagal pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa aking leeg.
"D--i a--ak--o maka---hi--n--ga"
Wika ko, pinilit kong tanggalin ang kaniyang kamay pero masiyado itong mahigpit.
"Bi---taw"
Nakatingin lang sya saakin, walang makikitang emosyon sa kaniyang muka, tinitigan ko ang kaniyang mata, ngayun ko lang napansin na ang ganda ganda ng mga mata niya. Itim na itim ito at bilog na bilog.
"Tigilan mo ang pagsunod"
She said in a cold tone, nag-iwas rin siya ng tingin.
"K---a---e--l"
Wika ko, dahil konti na lang talaga ay mauubusan na ako ng hininga. Agad din naman nyang binitawan ang leeg ko.
YOU ARE READING
KAEL (on-going)
ActionSi Kael isang babae na may kakaibang pagkatao, isang babae na may dalawang pagkatao. Si Darren isang lalake na walang patutunguhan ang buhay, isang lalake na hindi alam ang tunay niyang pagkatao. Magawa pa kaya nilang ipaglaban at mahalin ang isa't...
