"Isaw, okay ka lang ba?" Lumapit si Hell sa akin pero...

"Don't touch her," Heaven said tapos bigla niya akong hinila papunta may likod nya. Nagmukha ang turumpo sa ginawa niya. Magkahawak ang kamay namin ngayon.

<*Wild palpitations*>

<*Dugdugdugdugdug!*>

Jusko! Malalaglag na yata ang puso ko nito e.

Dahil sa inasta ni Heaven ay 'di naiwasan ni Hell na pumalag at bago pa man kwelyuhan ni Hell si Heaven ay agad na akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Teka nga! Ano ba? Ba't ba kayo nag-aaway ha?" medyo nababanas kong bulalas habang nakataas ang leeg at palipat-lipat ang naiinis na pangingin sa kanilang dalwa. Nakakabanas din 'tong dalwang 'to e. Bigla-bigla na lang magkaka-initan. Sabagay, hot naman silang dalawa. Aaarg! Pinag-iisip ko?

"Hindi ako nakikipag-away. This man turned the fire first," sabi ni Heaven.

"E sa angas ne'to Isaw e," sabi ni Hell sabay lapit kay Heaven.

Agad ko namang hinarang ang parehong kamay ko sa pagitan nilang dalawa. Para akong traffic enforcer dito e. I-hire kaya ako ng MMDA pagka-graduate ko?

"Hep! Hep! Huwag nga kayong OA. Okay na ako oh? Hindi pa ako patay!" naiinis kong bulalas sabay turo sa sarili. Grabe! Hiningal ako dun ah. Umiinit ulo ko!

"Isaw, hatid na kita," sabi ni Hell sabay hila sa kanang kamay ko.

"No, she's coming with me," sabi ni Heaven sabay hila sa kabilang braso ko.

"Sa akin sasama si Isaw!" sigaw ni Hell sabay hila sa kanang kamay ko.

"You're kidding," natatawang sabi ni Heaven sabay hila sa braso ko.

Hila sa kanan.

Hila sa kaliwa

Hila sa kanan.

Hila sa kaliwa.

Hila sa kanan.

Hila sa ---

"Choco Girl!!/ISAW!" sabay na sigaw ni Hell at Heaven nang bigla akong matumba sa sahig nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo.

<*NGANGA!*>

* * *

Papalabas na kami ngayon ng clinic. At as usual, mainit pa rin ang ulo ng dalawa. Pinilit ko silang pinagbati pero nauwi lang ito sa matinding isnaban.

"Choco Girl," binuksan ni Heaven ang pinto ng clinic na tila inuunahan si Hell. Ngumiti siya at nauna akong lumabas. Agad naman siyang sumunod sa akin at...

<*BLAG!!*>

Isinara niya bigla ang pinto. Bigla naman akong kinabahan, lalo na ng idiniin n'ya bigla ang mga titig n'ya sa akin. "S-si, Hell, nandun pa sa loob," nauutal kong sabi sabay turo sa pinto ng clinic.

"I know," matipid n'yang hayag habang nakahawak ang kanang kamay sa doorknob ng clinic, tila pinipigilan si Hell na makalabas.

"Isaw!!" sigaw ni Hell sa loob. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla niya akong hinarang, "Let's talk," sabi niya na pinaresan ng isang malungkot na tingin.

Kumirot naman ang puso ko. Hindi ako sanay na makita ang mga mata niyang nagkakaganyan ng dahil sa'kin.

"Wala tayong dapat pag-usapan, Heaven," utas ko sa kanya. "I'm sorry," dagdag ko at agad na hinahawakan ang doorknob. Nandun ang kamay niya kaya hindi ko sinadayang mahawakan ito, "Please," paki-usap ko sa kanya at makalipas ang ilang sandali ay agad na niyang ikinalas ang kamay niya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें