•Kaguluhan 18•

Start from the beginning
                                    

Napailing-iling ako nang maagaw ng kalaban ang bola mula sa kamay ni Leo. Medyo natulala pa ang gago bago tumakbo at humabol sa kalaban.

3rd quarter na pero lamang na ng sampung puntos ang kalaban. Mahihirapan silang makahabol dahil malaki ang lamang sa kanila. Pero mukhang pursigido yata ang mga gunggong dahil nagtime out muna at nagmeeting.

"Nakakaantok," reklamo ko at bahagyang sumandal sa bleachers.

Pinikit ko sandali ang mata ko at pagmulat ko ay nagkakasiyahan na sina Zenon habang patuloy ang sigawan nina Jenny at nung mga kaklase nilang babae.

Teka? Tapos na?

Pagtingin ko sa score ay naging lamang sila ng dalawang puntos mula sa kalaban. Napangiwi ako habang hinihilot ang batok.

Mukhang napasarap ang tulog ko. Hayss...

Dahil tapos na ang laban ay lumapit na ako sa kanila. Isa-isa kong sinagi ang mga balikat nila at nakipag-high five.

"Congrats! Buti na lang 'di kayo natalo!" humalakhak ako sa sinabi ko.

"Pinagbigyan muna kasi namin sila, kaya medyo nagpabaya kami sa umpisa," mayabang na sabat ni Sean. Nakasabit ang towel sa batok niya at ang kanang kamay ay may hawak na mineral water.

Pinakitaan ko siya ng middle finger.

"Pinanuod ko laban niyo, mga lukbo! Ulol!" pang-aasar ko dahilan para makatanggap ako ng pagbatok mula sa likuran.

Napangiwi ako at humarap kay Josrael.

"May laban pa tayo mamaya, tama na ang daldal," sabi niya at saka ako kinaladkad palayo.

Narinig ko pa ang tawanan ng mga gago bago kami tuluyang nakalabas sa gym.

Isang oras na ang lumipas mula ng tumambay ako sa library. Walang tao dito dahil intrams. Natulog muna ako saglit at pagsenti na rin ng konti.

Paniguradong hinahanap na ako nina Yuan dahil ngayon ang laban namin sa basketball. Medyo tinatamad akong maglaro ngayon kaya tumakas muna ako. Kaya naman siguro nilang ipanalo ng wala ako, 'diba?

Mamaya na lang siguro kapag 2nd quarter na.

Pinalipas ko muna ang limang minuto bago pumunta sa gym. Maingay ang mga estudyante habang kaniya-kaniya sa pagchi-cheer sa manlalaro.

Mabilis kong nakita ang teammates ko sa gilid. Mukhang nagtime out ang kalaban. Napahikab ako habang naglalakad palapit sa kanila.

Si Brenn ang unang nakakita sa'kin. Sinabi niya ata sa buong team kaya lahat sila ay tumingin sa direksyon ko.

Ngumiti ako ng matamis bago tuluyang nakalapit.

"Tangina mo, Pelaez. Tulog ka ng tulog," asik agad ni Yuan at inambaan pa ako ng suntok.

Ngumisi ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi.

"Ikaw muna ang palit kay Mark," sabat ni Josrael. Napatingin tuloy ako kay Mark na may paga ang gilid ng mata.

Ngumiwi ako sa kanya. "Anyare sa'yo, tol?"

Ngumiwi rin siya sa'kin at bahagyang umiling. "Pvta kasi siniko ako sa mukha, maduga amputa,"

Tumango-tango ako sa sagot niya. Kaya pala. Maduga nga.

"Teka, bakit ako? Baka sikuhin din ang mukha ko?" reklamo ko sabay hawak sa magkabilaan kong pisnge.

Inismiran akong Josrael at hindi namansin. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita kaya napabuntong hininga na lang ako.

Matiwasay naming natapos ang labas. Panalo kami dahil ka-team nila ako. Medyo masakit pa ang sikmura ko dahil nasiko nung kalaban.

Mukha naman kasing hindi niya sinasadya kaya siniko ko na rin siya pabalik.

"Nice game mga pare," bati nung isa sa mga kalaban. HUMSS student din sila.

Tumango ako at nakipag-high five sa kaniya.

"Bawi na lang next time, pare," ginaya ko ang panunuya sa boses niya. Talo na nga, lakas pa ng loob magyabang. Psh.

Bahagyang kumunot ang noo niya pero nawala rin 'yon nung biglang lumapit si Klea sa akin.

Ang inaasahan kong yakap ay nauwi sa malakas na hampas sa balikat. Amazona, amputa.

"Congrats, laging tulog! Galing-galing naman ng abunjing na 'yan!" Pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero patuloy siya sa paghaplos sa buhok na parang aso ang hinahawakan niya.

Anak ng! Sarap ibalibag sa court.

Tumigil lang si Klea nang mapansin niya si 'hindi ko alam ang pangalan'.

"Uy, pogi, ano name mo?" Tanong ni Klea. Gusto kong takpan ang bibig niya. Nakakahiya. Pogi raw? Baka magyabang na naman ang gagong 'to.

Napa-ismir ako nang ngumiti siya kay Klea.

"Cyril. Cyril Mendoza."

"Klea Beven. Klea Beven din ang name ko sa facebook," kumindat pa ang babae bago ako hinila palayo.

"Ang landi mo," komento ko na tinawanan lang niya.

"Alam ko,"

***

(End of Kaguluhan 18)

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now