Sir, kong wala na naman kayong maayos na ipapagawa at sasabihin can I just excuse myself? I don't wanna be part of your dirty talks as of the moment" Kahit madilim ang paligid ay hindi nakaligtas sa akin ang tinggin niya. He looked amused; I mean kong gusto niya nang ka dirty talk I'm pretty sure Farrah is more than willing to participate.

"As of the moment huh? Okay then you're excused just notify me if you're willing to be part of that dirty talk that you've been talking about" He quoted the word dirty talk bago ito nag patuloy sa pag tinggin sa cellphone niya. I'm loss of words, what the hell was that?!

Hindi ako nakaalis sa pagkakatayo ko sa gulat sa mga sinasabi niya kaya naman napansin niya ako agad.

"What? Change your mind?" Umiling na lang ako at patakbo na kinuha ang bag ko at lumabas nang gym dumiretso ako sa cr at nakita ko sa salamin kong gaano ka pula ang mukha ko. Ano na naman bang ginagawa mo sa akin Clyde Theodore!

Nag hilamos ako para kahit papano ay mawala ang pula, nag tagumpay naman ako kaya lumabas na ako sa room at agad na napairap nang makita ko si Farrah na may dalang coffee, dalawa na naman ito at halatang para kay Clyde ang isa.

I mean alam ko naman na hindi niya kasalanan na siya ang gusto ni Clyde pero nasa parte ako nang pag move on kong saan galit ako sa lahat, saka na lang ako mag sorry sa kanya sa isip ko pag wala na ako sa stage na to.

Umakyat na lang ako sa room kong saan ko naabutan si Ceshiah na may kausap sa telepono, ayaw ko makinig sana pero sinisigawan na niya yon kaya wala akong choice kong hindi marinig. Aga aga init na naman nang ulo ni Madam.

"Just shut it up! I'm done playing your games, whore!" Nakakatakot na si Ceshiah na pati yong aakyat sana sa third floor ay natakot na dumaan, pano ba naman kasi para nang mag bubuga nang apoy si Ceshiah sa galit.

"Doesn't mean you get anyone; you'll get me too. Just admit it you don't really like me you're just obsess with the fact that I don't give a damn thing about a whore like you"

"This is a warning for you, stop calling me or I'll block you and report you as a sexual offender, understand?" Mariin niyang pinindot ang end call button at dire diretso na nag lakad papasok sa room namin, since nakapasok na siya pumasok na din ako.

Naka busangot ang mukha niya kaya hindi na ako nag tangka pa na mag salita para man lang malaman niya ang presensya ko, taimtim lang akong naupo sa aking upuan habang inantay ang iba pa naming kaibigan.

Nang oras na naman para sa training ay sabay sabay na kaming bumaba, medyo awkward kasi naka salubong namin si Levy sa hallway. They seriously look good together sayang naman shipper pa naman nila ako kahit hindi halata.

Pagpasok namin sa gym ay nadon na ang mga officer. Nakatayo si Thyme katabi si Ember na parang ngayon ko na lang ulit nakita samantalang si Clyde ay naka obob sa gilid. Testing pa more edi inaantok din siya.

Naupo kami sa bleachers at nag kwentuhan muna, ilang minuto ang nakalipas na nakaupo lang kami at tinitigan lang kami nang mga officer kaya naman tumingin din kami sa kanila. Applicable lang naman yong bawal sila tingnan pag training na eh hindi pa naman oras nang training.

"The morning training is cancelled for the fact that mag meeting kami about sa mga aspirants na papalit sa pwesto namin and besides magkakaroon na nang practice for Junior-Senior prom, so the teachers advise us na wag mo na kayong e train for the mean time" Medyo malayo man kami sa pwesto ni Thyme ay rinig naman namin ang sinasabi nito. "Since part kayo nang CAT required na sumali kayo lahat sa prom and make sure na palagi kayong present sa practice, another thing pa comply nang total nang merits and demerits niyo pass it until tomorrow morning"

Halos manlumo ako sa narinig, ano namang ma comply ko? Puro demerits lang naman yon nag taka nga ako na hindi pa ako natatanggal.

"If wala na kayong tanong you can go, and we'll just see you all mamayang hapon sa training" Pagkatapos non ay kinalabit niya si Clyde at sabay sabay na ang mga ito nag alisan. Malakas ang pakiramdam ko na kaya walang training ngayong umaga dahil wala sa kondisyon si Clyde. Malapit ko na talagang isipin may gusto din yong si Thyme kay Clyde eh.

Rules of Love (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now