•Kaguluhan 17•

Start from the beginning
                                    

Pero kumunot ulit ang noo niya at umismir sa akin.

"Why would I laugh? Wala namang nakakatawa," Sagot niya, masungit na naman.

"Minsan magtingin-tingin ka ng mga memes sa facebook tapos videohan mo sarili mo kapag natawa ka tapos ay isend mo sa'kin," Kinindatan ko siya nang tumingin ang nagsusuplado niyang mukha.

"You're crazy,"

"Baliw kasi ako sa'yo," Humalakhak ako sa sinabi ko.

"You're crazy, indeed." Iiling-iling niyang sabi na hindi ko pinansin.

---

Ito ang unang araw ng intrams ngayon. Umagang-umaga pa lang pero parang pagod na pagod na agad ang katawan ko.

Sino ba naman kasing hindi mapapagod kapag pinagbuhat ka ng upuan pagkarating mo palang sa umaga. Takte, inagahan ko pa man din lara makatakas sa utos ni mama pero wala naman akong kawala dito sa school. Hanep sa galing, Dianne.

"Oh tubig muna kayo!" sigaw ng PE teacher namin na may dala-dalang mineral water.

Tamad kong inabot at ininom ang tubig habang nakasalampak sa bench. Wala na agad akong energy. Ano ba 'yan!

"Kasali ka ba sa badminton mamaya?" Umangat ang tingin ko kay Paul na nasa tabi ko na pala. Mukhang kakarating lang ni kupal dahil nakasabit pa sa balikat niya ang bag.

Kumibit balikat ako bilang sagot. Depende mamaya kapag bumalik ang nawala kong enerhiya. Baka mamaya tamarin akong maglaro.

"'Di ka sure? Sayang," nanghihinayang niya pang sabi.

"Edi ikaw ang lumaban," ismir ko sa kaniya.

"Tanga, sa sepak takraw ako sumali," Tingnan niyo, natanga pa ako!

"Eh bakit ka ba nandito? Dapat dumeritso ka sa room," inis kong sabi.

Ngumuso siya at prenteng umupo sa bench. Humalukipkip siya at pinikit ang mata. Huwag niya sabihing matutulog siya rito?

"Iiwan kita rito? Bahala ka," pang-uuto ko pero hindi man lang natinag ang gago.

"Bahala ka talaga," Tuluyan na akong tumayo at inayos ang suot na PE uniform.

Iniwan ko si Paul na mukhang nakatulog sa bench. Dumeritso ako sa classroom at doon ko naabutan sina Vicca na ginawang parlor ang silid aralan.

Kasalukuyan niyang inaayos ang buhok ni Sofia na masayang nakikipag chikahan sa mga bago naming classmates.

Hindi na lang ako nag-abala pang maki-sali at umupo na lang aa pwesto ko. Wala pa rin si Jenny at Hale habang sina Jia at Elise naman ay hindi ko ma-sight sa loob ng room. Baka lumabas.

Dahil sa boredom ay binuksan ko ang cellphone ko. Tatadtarin ko na lang na message si Jaye para pagbukas niya masurprise siya. Mwahaha!

Pagkatapos kong magsend ng sangkatutak na message ay binisita ko naman ang account niya.

Ang profile picture niya ay ang sarili niya na uniform at nakaupo sa tapat ng bintana. Wala naman siyang masyadong post at kahit na mga sharedpost, wala. Boring i-istalk. Samantalang ang timeline ko ay laging busog sa shared at post ko.

Bago ko pa maitago ang cellphone ay nagpop up ang reply ni Jaye sa'kin.

Jaye Delos Reyes
: What r u doing?

Napakagat ako sa labi at nagtipa ng reply.

Dianne Cheng
:Nakaupo tapos iniisip kita, pogi<3

Napatawa muna ako bago sinend ang message.

Jaye Delos Reyes
:I see. Where r u now?

Psh. 'Di man lang kinilig sa banat ko. Pinanganak na tuod ang gwapong lalaki na 'to kaya pagpapasensyahan ko pa.

Dianne Cheng
:Nasa room ako. Nasa room ng puso mo, yieh<3

Halos limang minuto na ang lumipas pero wala pa rin reply ang lalaking 'yon. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa screen ng cellphone.

"EYAN?!" Mabilis pa sa kidlat ang pag-angat ng tingin ko.

Nakatayo si Eyan sa tapat ng pintuan habang nakatingin sa aming lahat. Nakasuot siya ng PE uniform at dala niya rin ang bag pack niya.

Mabilis na lumapit si Sofia at Vicca kay Eyan at inalalayan itong umupo sa seats niya. Doon lang ako tumayo at lumapit sa kanila.

"Papasok ulit ako. Ayaw ko pa lang tumigil," Nahihiya niyang sabi. Si Sofia naman ay panay ang haplos sa buhok ni Eyan.

"Sige, kaming bahala sa'yo. Aalagaan ka namin,"

Ngumiti ako nang tumingin sa'kin si Eyan. Saka ko marahang hinaplos ang kamay niya.

***

(End of Kaguluhan 17)

Section Z (Senior High School) | ✓Where stories live. Discover now