Chapter One

834 21 0
                                    

Nanliligaw


"Elle, favor ulit? Bigay mo nga 'to sa ate mo. Handsome please?" Ngumiti si Ziv at inilapit sa akin ang isang bouquet ng apple blossom na bulaklak at isang tsokolate na hugis puso.

Itinago ko ang mapait ko na ngiti dahil ayaw kong malaman niya na nagseselos ako. I still like him even after many years had passed.

Simula kasi noon na malaman ko na gusto niya ang ate ko ay hindi na ako umaasa pa na magugustuhan niya ako pabalik. We've become friend, for I don't know how reason. I'm helping him court my sister in the terms of giving the flowers he bought to my sister. Minsan ay gusto kong umayaw na lang at umiwas pero gusto ko lang din na magustuhan siya pabalik ni ate.


I know how much it hurts when someone you like doesn't feel the same to you.

"Ibibigay ko ito! Pangako!" ngumiti ako na ikinangiti rin niya.

Yumakap siya sa akin na normal na niyang ginagawa. Even it's just normal for him to hug someone, hindi pa rin makalma ang puso ko tuwing gagawin niya ito. Pakiramdam ko ay may pag-asa pa kahit wala na talaga.

"Salamat! You're the best!" he pats my head and smile brightly.

Hindi ko naialis sa masaya niyang mukha ang tingin ko. Gusto kong makikita ko iyon palagi kaya hanggang ngayon, kahit nasasaktan ako ay hindi ako umaayaw mula sa pagtulong sa kaniya na ligawan ang ate ko.

Tumunog ang bell hudyat na kailangan na namin na bumalik sa klase. Nagpaalam na ako mula sa kan'ya at nagmamadali na nagtungong classroom. Marami ang pinagtitinginan ako dahil sa bitbit kong bulaklak na ikinailing ko na lamang.

"Pinapaabot na naman sa'yo 'yan, ano?" bungad ni Sheena nang makaupo ako sa upuan ko.

Inilapag ko ang bulaklak at tsokolate sa pinakalikuran upang walang gumalaw.

Tumango ako sa tanong niya na ikinairap niya lamang. Mukhang naiinis sa kung sino. Naiinis sa akin.

"Quaintrelle, matalino ka at palaging may sagot sa lahat ng tanong pero bakit ang tanga mo kapag dating sa lalaking 'yon? Gusto mo siya pero ikaw pa ang gumagawa ng daan para magustuhan siya ng gusto niya? Are you in your right mind?" she hiss and I can't help but to just bow my head.


May punto naman siya. Matalino akong tao pero natatanga ako kapag dating kay Ziv. Hindi ko naman alam kung bakit. Mas gumagana naman ang utak ko kaysa sa puso ko perohindi ko maintindihan kung bakit laging puso ang nauuna kapag nandiyan na si Ziv.

"Ayaw kong maranasan niya ang hindi magustuhan pabalik.." I whisper and she just glare at me.

"Tanga ka ba o sad'yang nagtatangahan lang? Kung gusto ng ate mo si Ziv, dapat matagal na niyang sinagot! Hindi naman, 'di ba? Kung ako sa'yo ay umamin ka na at baka may pag-asa pa." umiling-iling siya na parang disappointed siya sa akin.

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na ang guro namin. Pakiramdam ko nga ay sa buong klase ay lumilipag ang isip ko at butina lang ay hindi ako tinatawag ng aming guro.

"Sheena, sorry na. Gusto ko lang naman na tulungan siya sa pangliligaw," saad ko kay Sheena matapos ang klase namin.

Huminga siya ng malalim at hinarap ako. "You're too innocent for this cruel world. You're too kind. Hindi dapat lagi ay kailangan mong maging mabait, minsan, may pagkakataon na kailangan mong sumuway para sa kasiyahan mo."


"Susubukan kong umiwas sa kaniya. Pangako 'yan!" ngumiti ako na kinatango niya.


Sabay kaming lumabas sa classroom at nagtungo sa parking lot. Tahimik namin na hinintay ang mga sundo namin. Nagpaalam ako nang makita ang driver namin. Ngumit siya at tinabguan ako.


Love Me, Engineer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon